38。Nega
Akihiro's POV
Day 36
Gabi na at nandito ulit ako sa may rooftop at hinihintay ko si Nathalie.
Inabot na lang kami nang dilim kahapon pero wala kong nakita ni anino nya.
At ngayon nakaupo ako sa isang gilid, ganitong oras sya madalas nandito pero bakit kahapon at ngayon wala sya?
Kung kelan sasabihin ko na yung totoong nararamdaman ko sa kanya.
Palagi kaming nag-uusap pero kahit kelan hindi ko manlang natanong sa kanya kung san sya nakatira. Kung anong buong pangalan nya.
Nagalit ba sya sa pagjojoke ko noon?
Para kong mababaliw kakaisip kung ano bang nangyari, hindi ko alam kung san ko sya makikita.
"Bro, gabi na oh." Napatingala ako nang marinig kong may nagsalita.
Binalik ko ulit yung tingin ko sa sahig nang makita ko yung mga kaibigan ko.
Ethan's POV
Umupo kami katabi nang pwesto ni Aki.
"Mukhang tinamaan ka na ata dun sa sinasabi mong Nathalie ah." Napapailing na sabi ni Chan.
"Tsk. Ang tanga ko, hindi ko pa kasi sinabi noon." Sagot ni Aki.
"Bakit hindi mo puntahan." Sabi ko.
"Kung pwede nga lang eh. Kaso hindi ko alam kung san sya makikita." Sagot nya.
"Eh ano bang buong pangalan nung babae bro. Baka matulungan tayo nang tito ko." Singit ni Gelo.
Napailing lang nang bahagya si Aki.
"Hindi ko alam." Mahina nyang sabi.
Ano bang meron sa kaibigan namin. Sigurado ba syang nahulog sya sa babaeng hindi nya kilala ang buong pagkatao?
Minsan pumapasok sa isip ko kung jinojoke time lang ba kami netong si Aki, kaso base sa pagkakakilala ko sa kanya ay hindi sya ganun.
"Malay mo naman, may iba syang ginawa kaya hindi nagpunta dito ngayon." Pagkukumbinsi ni Chan.
"Oo nga naman. Ang nega nega nyo!" Sabat ni Gelo.
"Psh. Gaya gaya ka lang saken." At nagsimula na silang magtalo ni Gelo tungkol dun.
Habang si Aki ay tahimik lang na nakatingin sa sahig at parang naglalakbay sa ibang mundo ang isip nya.
"Aray naman Ethan!" Sigaw nilang dalawa sakin.
"Ang sakit nun. May galit ka ba samin?" Binatukan ko lang naman silang dalawa.
"Ang ingay nyong dalawa. kung may masking tape lang dito baka nilagyan ko na yang mga bibig nyo." Sabi ko.
"Ito kaya yung--" natigil sa pagsasalita si Gelo at kahit kami ay napatingin kay Aki nang tumayo sya.
"San ka pupunta tol?" Tanong ko habang naglalakad sya.
"Bar." Matipid na sagot nya na ikinatayo naming tatlo.
"Teka lang sasama kami. Matagal na din akong hindi nakakapag bar." Sabi Gelo.
Nang makarating kami nang bar ay nag-order na kami nang kanya-kanya naming inumin.
Hindi ko pa naiinom yung alak na inorder ko nang mahagip nang mata ko si Thea.
Napakunot yung noo ko. Anong ginagawa nya dito?
Nag-iisa lang sya, kaya lumapit ako sa pwesto nya para tanungin kung bakit sya nandito.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko nang umupo ako sa tabi nya.
Nilingon nya ko at medyo nagulat sya nang makita nya Ko.
"Ano bang ginagawa sa bar? Hindi mo ba nakikitang umiinom ako." Sabi nya pagkatapos ay itinaas nya yung hawak nyang glass.
"Tama na yan. Iuuwi na kita sa inyo." sabi ko.
"Ayo--" Hinawakan ko sya sa kamay at hinigit papuntang parking.
"Get in." Ma-awtoridad na sabi ko.
Tinext ko nalang si Chan na nauna nako bago ko pinaandar yung kotse.
Nang makarating na kami sa tapat nang bahay nila ay tahimik lang sya.
"Ang lamig." Biglang sabi nya habang nakayakap sa sarili nya.
"Tito?" Banggit nya.
Napatingin ako sa tinitignan nya sa labas nang kotse pero wala akong nakita.
"Nasan?" Nagtatakang tanong ko.
"Ayun oh." Sabay turo nya pero wala akong nakita.
°°°
jwinisbaeThank you for reading and voting. 2 more chapters at Epilogue na.
BINABASA MO ANG
Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)
Teen FictionIsang babaeng handang gawin ang lahat para lang madugtungan ang kanyang buhay. At Isang lalakeng walang pakialam sa buhay, na yung tipong 'living young, wild, and free' ang motto sa buhay. Pano kung pagtagpuin sila ng kapalaran. Matulungan kaya nila...