12: Best Way
EIRA'S POV
Day 21...
Papunta ako ngayon sa condo ni Kiro dahil nang magpunta ako kanina sa Mansion nila ay wala sya.
Naalala ko nang pinaalis nya 'ko sa kanila nung isang araw ay hindi pa sya masyadong magaling ba ka kung anong nangyari sa kanya.
Kahit naman naiinis ako sa kanya ay may natitira pa rin namang pagka concern sa puso ko. Lols
Dire-diretso akong pumasok sa loob ng pad nya. Dahil nga nakakatagos naman ako ay hindi nako nahirapan pang makapasok.
Pagpasok ko sa loob ay hindi ko sya nakita kaya nagpunta ko sa may kwarto nya.
Nang matapat ako sa may pinto ng kwarto nya ay nakita kong kalahating nakabukas yung pinto kaya medyo naaninag ko sya mula dito sa kinakatayuan ko.
Pero teka tama ba yung nakikita ko?
Dala ng adrenaline rush ko ay napatakbo ako papunta sa direksyon nya, sabay agaw ng hawak nyang bote.
"Tss. Pakialamera. Akin na nga yan. Pabayaan mo na ko." Sabi nya habang nakatingin sakin.
Kukunin nya sana yun sa kamay ko pero mabilis ko yung inilayo sa kanya.
Padabog ko yung tinapon sa trash can sa loob ng kwarto nya, pagkatapos ay tinignan sya sa ng masama.
"Balak mo bang lasunin yang sarili mo?!" Medyo pasigaw na sabi ko.
"Ano bang paki mo? Hindi naman kita pinapakialaman kaya wag mo din ako pakialaman sa mga ginagawa ko." Cold nyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko.
"Anong paki ko? Kaibigan kita kaya nag-aalala ko para sa'yo!" Sagot ko sa kanya.
"Tss. Hindi mo kailangang magpanggap na concern ka. Hindi nyo naiintindihan mga problema ko!"
"Hindi ako nagpapanggap Kiro. Alam mo? Nandito lang ako, handa akong pakinggan lahat ng mga problema mo. Pwede mong sabihin sakin lahat ng nararamdaman nyan." Sabay turo sa left chest nya.
"Pero kung ayaw mo hindi kita pipilitin. Aalis na lang ako." Mahinang sabi ko sapat na sapat lang para marinig nya.
Tumalikod nako at bagsak ang balikat na lumabas ng kwarto nya.
Habang naglalakad nako malapit sa pinto ay nagulat ako ng may biglang humawak sa wrist ko.
"Sandali lang." Sabi nya.
Kaya napaharap ako sa kanya.
"Bakit?" Tanong ko.
"Pwede ko pa bang gawin yung sinabi mo kanina? I guess this is the best way to lessen the pain here." Sabay turo nya sa kaliwang dibdib nya.
Napangiti naman ako dahil sa sinabi nya.
"Okay." Sagot ko.
Naupo kami sa magkabilang couch kaya at nagsimula na syang magkwento.
Habang nagkukwento sya ay hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha nya.
Napaka pamilyar kasi nung mukha nya.
Parang nakita ko na sya kung saan.
Ngayon ay mas naiintindihan ko na ang mga napagdaanan nya.
Ang lungkot din nangkwento nya dahil bata pa lang daw sya ay kinuha na sa kanya ang nanay nya at ang kapatid nya.
Medyo napaisip ako, dahil maswerte pa ako na buhay pa ang mga magulang ko, kahit na iniwan kami ni Daddy noon.
Patuloy lang sya sa pagkukwento hanggang sa may nabanggit syang isang bagay na kumuha ng atensyon ko.
BINABASA MO ANG
Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)
Teen FictionIsang babaeng handang gawin ang lahat para lang madugtungan ang kanyang buhay. At Isang lalakeng walang pakialam sa buhay, na yung tipong 'living young, wild, and free' ang motto sa buhay. Pano kung pagtagpuin sila ng kapalaran. Matulungan kaya nila...