PROLOGUE

78.9K 1.8K 877
                                        


****

Patingin-tingin ako sa paligid ko. Maingat akong naglakad-takbo at nagtago sandali sa isang malaking puno.

Inalis ko ang hood ko sa ulo at tiningnan ang oras sa relo ko. 7:50 am, ten minutes before first subject. 4th floor pa ang room ko.

Isinuot ko ulit ang hood at sumilip sa likod ng puno. Buti hindi dumadaan yung halimaw.

Kahit mukhang tanga ko sa outfit ko na naka-itim na jacket at itim na shades, keri lang. Kesa naman makita o makilala ko ng halimaw na babaeng yun.

Naiiyak talaga ako tuwing naaalala ko pinaggagagawa nu'n sa 'kin. Ang malas ko talaga sa school na 'to. Palibhasa siya may ari nito, eh.

Umalis muli ako sa puno at naglakad-takbo.

Tumigil ako sandali ng makarating ako sa tapat ng hagdan. Medyo napagod ako, eh. Teka, kailangan ko na magmadali sa first subject ko. Mukha namang wala siya dito.

Hindi pa man ako nakakatapak sa unang baitang ng hagdan ay may humawak na sa braso ko para pigilan ako.

Napalingon ako.

Kahit hindi niya nakikita ang mata ko ay nanlaki ito sa gulat at kaba.

Si Hashford! Akala ko hindi ko siya makikita! Kinakabahan na ako, huhubels!

Yumuko ako at pilit itinatago ang mukha. Medyo iniba ko rin ang boses ko nung magsalita ako. "U-uhm, Miss Hashford, kayo po pala. A-ano pong kailangan niyo?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko at hinila na lang ako bigla. Shete, nakilala niya kaya ako?

Kinakabahan ako sa gagawin niya, putek.

Nagpaanod na lang ako sa kaniya dahil hindi naman ako makakapalag. Ang laking tao kaya nito! Dakilang 5'4 lang ako eh. 5'7 yata 'tong higanteng babae na 'to.

Nagtungo kami sa likod ng building, kung saan walang katao-tao dahil tago ito at class hours na rin kasi. Speaking of, late na 'ko...

Marahas niya akong itinulak sa pader at tumama ang likod ko roon. Ang sakit. Huhu.

Marahas niya ring tinanggal ang shades ko at ibinato sa kung saan, ibinaba niya rin ang hood ng jacket ko. Pagkatapos ang ikinulong niya ako sa mga naghahabaang bisig niya.

Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. As in, sobrang lapit.

Paktay.

Tinitigan niya ko sa mata ng direkta. Ang mga pares ng chocolate brown eyes niya ay may emosyon na hindi ko mabasa.

Una akong nag-iwas ng tingin dahil nalulunod na ako sa titigan namin.

"A-ano na naman bang kailangan mo sakin, Hashford? Please, pwede bang mamaya na lang? May klase pa ako, oh." Mahina kong sabi.

Pero nanatili siyang tahimik.

"Kung sasampalin mo ako, o sasaktan mo ako, o bubuhusan ng pintura sa ulo. Mamaya na lang please? Ang dami ko na kasing absences."

Still, nakatingin lang siya sakin.

"Kung nagagalit ka dahil nahalikan ko yung crush mo, hindi ko yun sinasadya. Nadulas lang naman talaga ko dun sa natapon na spaghetti dun sa sahig ng cafeteria, eh." Nakayuko pa rin ako habang sinasabi iyon.

Hinawakan niya ang baba ko para magtama ang mga mata namin. "Isa lang naman ang gusto kong gawin sayo... matagal na." Wow, buti naman nagsalita na siya. Mukha na kong tanga kakasalita, eh. Pero wala naman talaga akong kasalanan. Hindi ko yun ginusto 'no!

My Territorial QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon