****Ang swerte nung aso. T^T
****
"Peach... b-ba-bakla ako..." he said while fidgeting. Nanginginig din ang boses niya at nakadikit ang tingin sa sahig.
Hindi ako nagsalita.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko...
Hindi ako galit,
hindi ako nagulat,
at lalong hindi ako nandiri...
Nagsimula siyang humikbi ang umiyak sa harap ko. Naalog pa ang mga balikat niya dahil sa pag-iyak. Ngunit hindi pa rin ako nagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin...
Kaya ang ginawa ko ay niyakap ko siya ng mahigpit.
"Sorry... sorry..." paulit-ulit niyang bulong habang humihikbi sa balikat ko.
"Hindi ka dapat mag-sorry. Wala kang kasalanan," pang-aalo ko na sa wakas ay nakita ko na ang aking boses.
"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, Grey."
****
Anong ibig-sabihin nito...? Bakit nandito si Hyper, si Frost na kaklase ko, si Marvin, at higit sa lahat, bakit nandito rin si Grey?!
"...was really great seeing you again cous'! Gaano katagal na ba? It's like, 3 or 4 years, perhaps? Come! Join us." Patuloy pa rin ang pagsasalita ng clone nung purple-haired girl. Super identical talaga! Hindi ko nga alam kung 'yung bumati kanina 'yung nagsasalita, eh.
Well, hindi iyon ang concern ko ngayon. Ang ipinagtataka ko, bakit nandito ang kakambal ko?
Hindi ko napansin na hinila na pala ako ni Titanium sa sofa kung saan nakaupo ang iba pa. Ang ingay ng paligid. Nagkakamustahan, kwentuhan... "Uy, friend nandito pala kayo hindi mo ako in-inform." Sabay tabi ni Hyper sakin. Bakante naman, eh.
Napatingin lang ako sa kanya saka siya nginitian, "Ah, biglaan lang rin kasi 'tong lakad na 'to kaya ayun. Ikaw ba, bakit ka nandito? Sino sila, mga friends mo?" It's my turn to ask her.
"Ah, well... isinama lang rin kasi ako. Inaya kasi ako ni Jianne na sumama sa kanilang magkakapatid. Napilit ako eh, haha. Tapos kaibigan ng mga kapatid niya yung may ari ng restau na ito, yung kambal na may purple hair. Kaya Zodiac Twins, gawa ng mga names nila, I guess." Ang paliwanag ni Hyper. Gusto ko pa sana siyang tanungin kung sino yung Jianne na tinutukoy niya pero naputol iyon ng sumulpot si Titanium.
"Come, Maureen. Gusto kang makilala ng iba ko pang mga cousins." Biglang tawag sakin ni Titanium kaya in-excuse ko muna ang sarili kay Hyper na tinanguan niya lamang.
Hinila ako ni Titanium sa harap nung binanggit na kambal kanina ni Hyper. Wow. Purple straight hair na hanggang balikat, round eyes with long lashes, maputi, pointy nose, plump lips pati na rin ang tindig parehong-pareho. Ang tanging pagkakaiba lang nila ay yung aurang nakapaligid sa kanila; yung isa kasi, nakangiti siya sakin tapos mukhang friendly, tapos yung isa parang laging naka-"meh" face. Neutral at parang walang pakialam sa mundo. Medyo na-iintimidate ako sa kanya sa totoo lang.
"Maureen, this is Aries," turo niya sa isa. Yung naka-neutral face. Parang hindi man lang siya nagpakita ng kahit anong interest. Pero tinanguan niya naman ako, lol.
"and this is Arian." turo niya naman dun sa isa, na naka-cheeky smile sakin. Ang cute naman niya! Parang magiging friends kami.
"Hi!" Bati ni Ms. Arian (mukhang mas matanda kasi siya sakin, ang tangkad pa) gamit ang maliit at napaka-cute na boses. So cute!

BINABASA MO ANG
My Territorial Queen
RomantizmPangarap ni Peach ang makapasok sa Hashford University. At nang magkaroon ng himala, tinanggap siya doon bilang scholar at nabuo na agad sa kanyang isipan ang mga magagandang bagay na mangyayari sa kanya sa loob ng eskwelahan. Malawak at puro mayaya...