*****Ngayon na ang araw ng pag-alis ni Maureen sa bansa kasama ang kanyang ama para ipagamot ang meningioma brain tumor sa utak niya. Ito lang ang naiisip nilang paraan para bumuti ang lagay ng anak nila.
Masakit para sa kanila na malayo si Maureen. Pero hindi ba't mas masakit para sa kanya ang umalis ng wala siyang malay? Isipin mo na lang kung anong mararamdaman niya paggising niya.
Mahigit dalawang oras nang nakatulala si Titanium sa pinto ng kwarto niya. Pirmi siyang nakaupo sa kama niya; magulo ang buhok, paga ang mga mata at natuyuan na ng luha sa pisngi. Halos hindi siya nakatulog. Iniisip niya pa rin ang nobya niya na iniwan siya kani-kanina lang, palayo sa kanya.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses nang tumulo ang luha sa mga mata niya, pero eto, tumutulo na naman ito. Hindi na ito mauubos. Gaya nga ng sabi nila: 'Maaaring matuyo ang ilog pero ang mga luha ay patuloy lang na aagos.'
Masakit. Iyon lang ang tanging nararamdaman niya. Sobrang sakit. Pero mahal ko siya. Kaya titiisin ko.
Tiis. Titiisin niyang lumipas ang oras, araw o taon na wala ang mahal niya sa tabi niya. Titiisin niyang sa bawat pagsilay ng sinag ng araw sa bintana niya ay hindi na niya mararamdaman ang bawat tibok ng puso niya kasi... kasi dala-dala ito ng babaeng mahal niya sa kanyang pag-alis. Kaya't imposibleng tumibok ito hanggat hindi siya nagbabalik. Tahimik siyang maghihintay sa pagbabalik nito, kahit hirap siyang bumangon, lumunok, uminom, ngumiti, tumawa...
...mabuhay.
Totoong bata pa sila. Maaari nating maisip na lilipas din ang nararamdaman nila. Pero hindi ba't walang pinipili ang pagmamahal? Maski bata, matanda, kriminal o kahit ang pinakamasamang tao sa buong kalawakan, hindi 'yan tinatantanan ng pag-ibig. Sa oras na tumibok ng abnormal ang puso, magrambulan ang bituka sa tiyan, mamula ang pisngi, eh wala ka nang magagawa pa. Kapag mahuhulog ka sa puno, o sa kahit anong mataas na bagay, maaaring mapigilan mo ito ng pansamantala, pero diba sa huli ay mahuhulog ka pa rin naman? Kahit ang kalalabasan nito ay masasaktan ka. Paano pa sa kaso nila Titanium at Peach? Pareho nilang sinalo ang isa't-isa sa pagkahulog kaya sa huli ay nasaktan sila. Pero ito na nga ba ang huli?
Isang taon na ang nakalipas at pinilit ni Titanium na ipagpatuloy ang pag-aaral niya. At ngayong araw ngang ito ang Moving Up Ceremony nila. Masaya siya at nagagawa niyang ngumiti sa bawat kaklaseng bumabati sa kanya. Masaya rin siya dahil medyo nakaka-proud makita ang kanyang sarili sa isang itim na toga.
Biglang may humila sa braso niya at itinayo siya mula sa pagkakaupo niya sa pwesto niya. Inakbayan siya ng dalawang tao at kinulong siya sa mga bisig nito. "'Insan! Congrats!" Bati ng pinsan niyang si Gemini na nakangiti sa kanya ngayon ng malaki. Hinawakan nito ang gintong medalyang nakasabit sa leeg niya. "Ang talino talaga ng lahi natin!" Puno ng pagmamalaking saad naman ni Pisces.
Pang-apat sa High Honors si Titanium. Bagaman hindi siya ang pinakamataas ay masaya pa rin siya.
"Picture tayo, dali!" Tili ni Gemini na inilabas ang pink nitong camera. Sa bawat kuha ng litrato ay tipid lang ang ngiti sa mukha ni Titanium. Naaalala niya na naman si Peach. Naisip niya na kung nandito siguro ang babae ay siya ang makakakuha ng pinakamataas at pinakamaraming award. Napangiti siya dahil dito, at the same time, ay napaiyak din.
"Ate, si Titanium nasiraan na ng bait!" Takot na saad ni Gemini sa ate niyang si Pisces, niyuyugyog ang braso nito.
"Tungaw! 'Wag ka nga muna!" Batok sa kanya ni Pisces habang napapakamot na lang si Gemini sa batok niya habang nakanguso.
Pinaharap ni Pisces ang umiiyak na si Titanium sa kanya. Pirming nakatingin sa sahig si Titanium habang lumuluha pa rin, walang pakialam kahit pinagtitinginan siya ng mga tao.
Pinahid ni Pisces ang luhang lumalandas sa pisngi nito. "Don't think of her too much, I'm sure she's doing good right now and that she's very proud for you."
Pinipigilan ni Gemini na ngumanga. Wow, english! Sa isip-isip niya.
Napatingin agad si Titanium sa pinsan niya at pinahid ang sariling luha bago ngumiti, 'yong totoong ngiti. Ngayon lang ulit siya ngumiti ng ganito. Naisip niyang tama ang sinabi ng pinsan niya.
Dalawang taon pa ulit ang lumipas bago niya hagkan ang mundo ng college. Nagawa niyang hindi isipin masyado si Peach at magfocus muna sa buhay niya. Hindi niya dapat hayaang lamunin siya ng lungkot.
Sa pagpasok niya sa college, nakagawa siya ng mga kaibigan. Namuhay siyang isang normal na estudyante kahit siya pa ang anak ng may-ari ng pinapasukan niya. Nag-aral pa siya ng mas mabuti. Nagawa niyang alisin sa isip niya si Peach sa mahabang panahon. Minsan na lang ito nagpo-pop sa utak niya.
Pero siyempre...
Hinding-hindi ito mawawala sa puso niya.
Lumipas pa ang apat na taon at natapos niya ang kolehiyo sa kursong gusto niya, Architecture. Matagal na niyang gusto ang kursong ito kaya siguradong-sigurado siya na dito talaga siya sasaya.
Lumipas pa ang isa, dalawa, tatlong taon. May mga nagkakainteres sa kanya, manliligaw... babae man o lalaki. Pero ni isa man ay wala siyang nagustuhan. Sa mga ganoong pagkakataon niya naiisip ang kauna-uanahang babaeng nagpatibok sa puso niya. Minsan naiisip niyang sumuko na lang at kalimutan ang babae, pero kahit ano pang subok niya hindi niya talaga magawa. Mahal niya talaga ang babae, at patuloy pa ring mamahalin kahit nakalimutan na siya nito.
At ngayon nga ay siya na ang may-ari ng Hashford University. Marami na rin siyang naipatayong commercial buildings, kabilang na dito ang isang sikat na coffee shop na pinangalanang H♥P.
Masaya siya sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon. Nagawa na niya yung gusto niya, may sarili na siyang business, isa na siyang kilalang Architect...
Pero... ano na nga bang sunod? Magiging ganito na lang ba hanggang sa mamatay siya? Parang may kulang. May hindi pa siya nakakamit. May humahadlang pa para maging masaya siya sa kung anong meron siya ngayon.
Maureen...
Napailing si Titanium sa naisip at ininom ang Americano dito mismo sa H♥P coffee shop. "I should stop thinking of her, seriously." Sambit niya. 'It's like what, 9 or 10 years?' isip niya. 'Perhaps she didn't even think of me, not once.'
Tumunog ang bell na indikasyon na may pumasok sa shop niya pero hindi siya nag-abalang mag-angat ng tingin at ininom lang ang kape niya. Marami talagang customer sa mga gantong panahon lalo na't magpa-Pasko, malamig ang panahon.
May naglapag ng tray sa kanyang harapan kaya agad siyang nag-angat ng tingin. Nagulat siya nang makita dad niya. Anong ginagawa niya sa dito? Pinanood lang ni Titanium ang dad niya na umupo sa harap niya. Humigop muna ito ng isang beses sa kape at tumingin sa kanya. "Titanium," tawag sa kanya nito. "Nagbalik na siya."
Tumibok ng mabilis ang puso niya sa narinig. Sinong bumalik?
*****
Waaah!
Malapit ng matapooos! Huhu.
Stay tuned! Thank you.

BINABASA MO ANG
My Territorial Queen
RomancePangarap ni Peach ang makapasok sa Hashford University. At nang magkaroon ng himala, tinanggap siya doon bilang scholar at nabuo na agad sa kanyang isipan ang mga magagandang bagay na mangyayari sa kanya sa loob ng eskwelahan. Malawak at puro mayaya...