*****"Titanium... Titanium..." I cried while seeing nothing but darkness. I was so afraid. I can't see a thing!
Titanium, I need you!
Habol-hinga akong napabangon sa kama. Binuksan ko ang lampshade sa aking gilid dahil sa takot na hindi lang ito basta dilim. Huminga ako ng malalim at hinayaang kumalma ang paghinga ko. Tiningnan ko ang oras sa digital clock at nakitang 4:26 A.M. pa lang. Sobrang aga pa para gumising. Mamayang 8 pa naman ang interview ko.
That Titanium again.
Akala ko tapos na ang mga ganoon kong bangungot, pero unang gabi ko pa lang dito sa Pilipinas ay nangyayari na naman siya. Hindi ko pa rin kilala kung sino ang Titanium na 'yon, kung babae ba siya o lalaki. Sa tingin ko may kinalaman siya sa buhay ko. There's this emptiness in me that I can't explain all through these years. Kailanman ay hindi ko ito nabanggit sa kahit sino, no, I will find this out by myself.
And so I decided to go back to sleep with the lampshade open.
*****
Pinatay ko ang alarm clock at pumikit pa ng 5 minutes bago bumangon. I did my morning rituals and dressed myself. Nang masiguradong ayos na ang lahat ay kinuha ko ang sling bag ko bago lumabas ng aking kwarto. Maaaring lumaki nga ang bahay namin, pero wala silang ginalaw sa kwarto ko, na ikinatuwa ko.
Bumaba na ako ng hagdan upang sumalubong sa 'kin ang amoy ng luto ni mama. How I've missed this.
Pagdating ko sa kusina ay nakita kong nakahain na ang umagahan. At lahat iyon ay paborito ko! Naririnig ko na ang pagkalam ng tiyan ko.
Napalingon sa 'kin si mama at agad na ngumiti sa 'kin ng matamis. "Gising ka na pala. Umupo ka na diyan, bababa na rin yung kakambal mo."
Tumalima naman ako at umupo sa dati kong pwesto kapag kumakain kami. Kahit lumaki ang lamesa, at nadagdagan ang mga upuan, doon pa rin ako sa pwesto ko. Sa gitna, katabi si Grey, kaharap si mama.
Pagbaba ng kakambal ko ay saktong inihain ni mama ang sinangag na kanin. Umupo siya tabi ko
Bago kumain ay nagdasal muna kami. Masaya kaming nagkukwentuhan sa hapagkainan. Pagkatapos kumain ay nag-toothbrush ako bago ayusan ang aking mukha para magmukha naman akong presentable mamaya.
Naalala ko naman ang interview kaya medyo nakadama ako ng kaba. Kaunti lang.
"Sigurado ka ba diyan, anak? Kararating mo pa lang kahapon, naghanap ka na agad ng trabaho! Hindi ba kailangan mo munang magpahinga?" Nag-aalangan pa ring sabi ni mama.
"'Ma, sure na sure na po ako. Ayoko namang walang gawin, mas gusto ko yung may pinagkakaabalahan ako."
Bumuntong-hininga si mama bilang pagsuko. Tumango ito at sinabing mag-ingat ako sa daan na sinagot ko lang ng halik sa kanyang pisngi.
Ngumiti akong parang bata at humarap sa kakambal ko na nagpipipindot sa cellphone niya. Lumapit ako sa kanya at nagnakaw ng halik sa pisngi niya. Napaigtad naman siya at binigyan ako ng death glare na hindi ko naman pinansin.
Tinuro ko ang pisngi ko at ngumiti ng malaki.
"Sige na, alis ka na baka ma-late ka pa." Taboy niya sa 'kin.
Ngumuso ako.
Umiling-iling naman siya at nagplanta ng mabilis na halik sa pisngi ko. Yay!
"Aylabyu, Mauricio!"
"Sige naaa! Hinihintay ka na ng kambal mo. Si Mawrene." Pang-aasar pa nito. Kaya bilang ganti ay pinisil ko ang pisngi niya at tumakbo palabas ng bahay. Ilang taon na ang lumipas pero ganito pero 'di niya pa rin nalilimutan ang Mawrene na iyon! Haha.
BINABASA MO ANG
My Territorial Queen
Roman d'amourPangarap ni Peach ang makapasok sa Hashford University. At nang magkaroon ng himala, tinanggap siya doon bilang scholar at nabuo na agad sa kanyang isipan ang mga magagandang bagay na mangyayari sa kanya sa loob ng eskwelahan. Malawak at puro mayaya...