MTQ 28

17K 439 20
                                    


*****

"You may now kiss the bride."

Buong pagmamahal na naglapat ang kanilang mga labi, kasunod ng mga palakpakan at hiyawan sa paligid. Napatayo ako at pumapalakpak din habang nakangiti ng malaki.

Nandito ako ngayon sa kasal ng dalawa kong kaibigan, si Aleck at DJ. Sa loob ng anim na taon nilang relasyon ay sa wakas nahantong din sila sa kasalan. Napakasaya ko para sa kanila.

Nagmartsa silang dalawa palabas ng simbahan, habang sinasabuyan ng mga petals ng bulaklak at kabi-kabilaang, "Congrats!" at "Mabuhay ang bagong kasal!" Na ikinatawa ko ng kaunti.

Nagniningning si Aleck sa suot niyang wedding gown, habang si DJ naman ay ang gwapo sa suot niyang puting tuxedo. Pero 'wag muna kayong mag-isip ng kung anu-ano diyan, babae din si DJ!

Naalala ko nung una kong ipakilala si DJ (Dallas Justine) kay Aleck nung college, nag-away agad sila nun dahil sa akin. Lunch time kasi nun at sinusubuan ako ng kung anu-ano ni DJ, eh ito namang si Aleck, mukhang nainis (o nagselos, hihi) kaya tinampal niya ang kamay ni DJ dahilan para tumalsik sa dibdib ko yung pagkain. And tada! Nag-sagutan na sila.

Well, ang totoo niyan, pagkatapos ng operasyon ko ay nagpagaling lang ako ng ilang buwan bago ko naramdaman na okay na ako. Pinagpatuloy ko ang pag-aaral ko dito sa Canada kasama ang papa ko (matagal ko nang pinatawad si papa at kinalimutan ang galit ko sa kanya dahil wala rin namang mangyayari kung magtatanim lang ako ng galit). Tapos ayun, nagulat na lang ako nang makita ko si Kengkeng dito sa Canada. Dito na rin daw siya mag-aaral nang makapagtapos siya ng Gr. 10 sa Pilipinas.

Hindi nagtagal ay umamin siya sa na may nararamdaman siya para sa akin, na hindi ko na ikinagulat dahil matagal ko na rin namang nase-sense. So, niligawan niya ako. Ito namang si DJ, pure Canadian at kaklase ko. Lagi niya akong kinakausap at nagpapaturo sa 'kin ng Tagalog. Sa hindi ko malamang dahilan ay tinuruan ko nga siya, at mabilis naman siyang matuto kaya nakakausap ko na siya nun gamit ang Tag-Lish.

Sa kanya ako nagulat nung umamin siya na may gusto siya sa 'kin at hayaan ko daw na manligaw siya. Maganda siya... na gwapo. Alam ko naman na isa siyang open lesbian. Kahit naman tumanggi ako ay manliligaw pa rin siya kaya hinayaan ko na lang rin.

At ayun nga! Nagkaroon ng rivalry sa pagitan ni Aleck at DJ, pero sa huli ay silang dalawa rin naman pala ang mag-e-end up. At ngayon nga'y mag-asawa na sila!

Hindi ko napansin na ang haba na ng pagre-recall ko at biglang may nakitang bagay na papunta sa akin. At dahil mabilis ang reflexes ko ay nasalo ko iyon. Teka... isang pumpon ng bulaklak?

Naghiyawan ang mga babae sa paligid na ngayon ko lang napansin. Nag-angat ako ng tingin at nakitang nakangisi sa akin ngayon ang mag-asawa. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ang mga nangyayari.

"Ikaw na pala susunod, e! Imbitahan mo ako, ah?" Pabirong saad ni Aleck na ikinapula ng pisngi ko.

*****

"Why do you have to leave, ate?" Umiiyak na saad ng little sister kong si Siana. Yumakap ito sa binti ko. Ngayong araw na ito ang alis ko ng bansa para umuwi sa Pinas, miss ko na kasi sina mama at Grey. Hindi naman pwedeng umasa na lang ako lagi kay papa. Nakapag-resign na rin ako sa trabaho ko bilang teacher dito sa Canada.

Bumuntong-hininga ako at lumuhod sa harap niya upang magpantay kami. "Ate have to. My family is waiting for me to come back. I miss them as well as they miss me, so I really have to go." I cupped her soft face and wiped her tears using my thumb. "Stop crying na, I will visit here often naman. So don't worry." I assured her.

"But I thought we're you're family? Why do you have to go?" Naiiyak pa ring sabi ng bata.

It's so heart-breaking to see her like this.

My Territorial QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon