MTQ 3

45.8K 1.1K 241
                                        


****

Hanggang last subject, hindi na binitawan ni Hashford ang kamay ko. Hindi ba siya nangangalay?

Nandyan 'yung pipisilin niya 'yung kamay ko, paglalaruan mga daliri ko, o kaya hahawakan lang. Ewan kung anong trip niya.

"Class dismissed." Sabi ng Filipino teacher namin.

Nagsimulang mag-ayos ng gamit ang mga kaklase ko. Yung iba, nagsi-alisan na.

Pero heto 'ko ngayon, nakaupo pa rin. Ayaw pa rin bitawan ni Hashford 'yung kamay ko. Grabe, pakasalan niya na kaya kamay ko!

"Hoy, Hashford. Aba, uwian na, bitaw-bitaw din pa may time." Sabi ko habang pinipilit na bawiin ang kamay ko sa mahigpit niyang pagkakahawak.

"I want to hold your hand more." Sabi niya at mas hinigpitan pa ang hawak niya sa kamay ko.

"Hold-your-hand, hold-your-hand-more ka dyan! Mukha mo! Gusto ko na umuwi eh! Bitaw na!"

"Fine. But first, call me Titanium."

Napasimangot ako. Hindi ko talaga feel tawagin siya sa pangalan niya. Ewan ko ba.

"Eeeh! Hashford naman, eh! 'Wag na kasi! Bitaw na." Sabay pout ko. Uwing-uwi na talaga 'ko!

"Tsk." Si Hashford sabay tingin sa malayo at parang... anong hitsura ba 'yan? Baka tinatawag ng kalikasan.

Parang may pinipilit siyang itago at... pigilan? Ewan ko lang. 'Di ako magaling sa ganyan.

Hala, baka nainis na sa kaartehan ko! Sige na nga, para makauwi na 'ko. Kaya ko 'to.

"Titanium." I muttered.

Napalingon naman agad siya sa akin. "Ano ulit?" Tanong niya.

"Bawal na ulitin! Nasabi ko na eh. Oh, bitawan mo na kamay ko. Uwing-uwi na ako!" Maktol ko.

"I will. Ulitin mo muna yung itinawag mo sakin."

"Madaya ka! Nasabi ko na nga, eh!"

"Then you won't go home." Pagmamatigas niya.

Pigilan niyo ko. Masasapok ko 'tong babaeng 'to! "Please, Titanium. Bitiwan mo na po ako. Oh, happy ka na?" Sabay irap ko sa kanya.

"Fine." Saka niya binitiwan ang medyo namamasa kong kamay. Ikaw ba naman, hawakan ang kamay ng 3 hours kundi ba naman mapasma 'yan.

Pero hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.









*tsup*










Hi-hinalikan niya ako...









WAAAAAAAAAH! Bakit parang kinilig ako?!

Kilabutan ka nga Peach! Parang sa PISNGI ka lang hinalikan, e. Naglulumandi ka na naman!

Shut up ka na lang brain!

At ayun, ang babaita. Bigla na lang lumabas ng classroom na parang walang masamang krimeng ginawa.

Ninakawan niya kaya ako ng halik! Wala na. WALA NA! HINDI NA 'KO VIRGIN!

Napaka-O.A. mo, ang sarap iuntog sa pader.

"Oh, Peach. Bakit hindi mo pa ayusin 'yang mga gamit mo. Sabay na tayo." Parang inis na sabi ni Hyper sa tabi ko. Nandito pa nga pala siya. Nakita niya kaya?

"Ay, sorry. Sandali lang." Paumanhin ko.

"Hindi lahat ng bagay nadadaan sa sorry." Ibinulong niya lang 'yun pero sapat lang para marinig ko.

My Territorial QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon