*****Napakagandang higante ni Titanium. Kahit i-search mo pa sa google height niya, higante talaga. ♥
*****
"Ay, umuunlad tayo bes! Gumanda ka yata? Ang huling kita ko kasi nu'n ulikbain ka pa! HAHAHA!" pang-aasar sa akin ni Kengkeng na ngayon ay mas lalo pang gumanda.
Iba na talaga kapag may lahi ang lola niyo.
"O edi ikaw na maganda! Ikaw na may salinlahi!" Ang sagot ko habang nakanguso.
"Anong salinlahi pinagsasasabi mo diyan?" Tanong naman niya habang nagpipigil ng tawa.
"Wala! Mas maganda ako sa 'yo!"
"Ano ulit, Pepe?"
"Yuck! Anong Pepe? 'Wag nga 'yan! Kengkeng naman, eh!" Reklamo ko. Ang bantot kaya ng Pepe! Saka dati pa yun, e!
"Eh 'wag mo rin akong tawagin sa nickname na 'yan. Aleck ang pangalan ko, okay? Ang ganda-ganda ng pangalan ko, eh." Sabay pose.
"Hoy, 'wag ka nga! Parang imaw 'to." Natawa naman ako pagkatapos. "In fairness, lalo kang pumuti, ah!"
"Ikaw rin."
Sasagot pa sana ulit ako kung hindi ko lang narinig ang pagtikhim ni Titanium sa tabi ko. Err, nalimutan ko siyang ipakilala!
"Ah! Keng si Titanium, um, kaibigan ko." More like, girlfriend ko.
Pinanlisikan muna ako ng mata ni Titanium bago ngumiti ng pilit kay Kengkeng. "And Tita, si Aleck, childhood friend ko."
Tumango lamang si Titanium at tinanggap ang nakalahad na kamay ni Aleck. Ewan kung ako lang 'yon pero bakit parang ang intense naman yata ng titigan portion nila? Parang kapag dumaan ka sa gitna nila ay 'yung tipong manginginig ka na lang.
Nevermind.
"Anyway, ba--Maureen, I have to go. See you tomorrow. Ipagpaalam mo na lang ako kay tita."
Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot sa ideyang aalis na siya. Kaya agad akong napanguso. "Ingat," medyo mahina kong sabi.
Hindi nakawala sa paningin ko ang bahagyang pag-angat ng gilid ng labi niya. Akala ko ay hanggang doon lang iyon pero hindi pa pala dahil hinalikan niya ako ng mabilis sa gilid ng labi pagkatapos ay sa noo. Na ikinapula ko na parang kamatis na hinog.
Bumulong siya malapit sa tenga ko. "I love you."
That's it. 102% sure na tomato sauce na pagmumukha ko ngayon.
Nagpaalam na rin si higante sa dalawa pa bago tumayo mula sa aking tabi at lumabas ng pinto. Tumayo agad ako para sumilip sa bintana namin at nakita siyang binuksan ang pinto ng kotse, tumingin sa gawi ko bago kumindat. Napakagat-labi naman ako para pigilan ang ngiting kumakawala. She waved me goodbye bago tuluyang sumakay at pinasibad ang Audi R8 niyang itim.
Pagbalik ko sa sofa, kung saan nakaupo pa si ate Scarlet at si Aleck ay nakita ko ang mga tingin nilang malisyoso. Lalo na si Ate Scarlet na nakataas pa ang isang kilay in a mataray way.
Porket wala na si Titanium ang taray na naman ng itsura niya. Haist.
"Um, before I forget, I have something to tell!" Ang baling sa akin ni Aleck habang nagniningning ang mala-karagatan nitong mga mata. Nakangiti rin ito na nagpa-cute sa kanya sa paningin ko.
"Ano 'yun?" Naghihintay kong tanong at hindi na lang pinansin si Ate Scarlet na masama pa rin ang tingin sa 'kin. Psh.
Psh? Diba english ng isda 'yon. Ahehe.
BINABASA MO ANG
My Territorial Queen
RomancePangarap ni Peach ang makapasok sa Hashford University. At nang magkaroon ng himala, tinanggap siya doon bilang scholar at nabuo na agad sa kanyang isipan ang mga magagandang bagay na mangyayari sa kanya sa loob ng eskwelahan. Malawak at puro mayaya...