MTQ 27

15.5K 442 32
                                    


*****

"Sino?" Magkahalong kaba at excitement na tanong ni Titanium sa dad niya.

Sandaling tumitig lang sa kanya si Stefan bago ngumiti ng malaki. "Ang Lola Failey mo!" Masayang balita nito.

Napabuka ang bibig ni Titanium sa nalaman at ngumiti rin pagkatapos. Aaminin niyang iba ang inakala niyang nagbalik. Pero hindi naman siya disappointed dahil masaya rin siya na ang lola niya pala ito. "Talaga? Kailan daw siya uuwi?" Nakangiti pa ring tanong ni Titanium.

"Christmas Eve," tipid na sagot ng dad niya at humigop sa kape nito.

Tumangu-tango naman si Titanium at humigop rin sa paubos niyang kape. "Excited na akong makita si Lola Fay." Saad niya.

"Naiisip mo pa rin ba siya, anak?" Biglang tanong ni Stefan sa anak niya na nagpabago bigla sa atmospehere. Alam na alam ni Titanium kung sinong tinutukoy ng tatay niya.

Minsan naiinis siya sa fact na kilalang-kilala siya ng dad niya. "Sometimes..." Tipid niyang sagot at ibinaba ang tasang wala nang laman. Tumingin siya sa labas ng salamin na pader at pinanood ang mga taong dumaraan.

Napabuntong-hininga si Stefan. "Alam kong imposible siyang alisin diyan," turo niya sa kanang dibdib ng anak. "at diyan." Turo naman niya sa sentido nito. "Pero alam kong darating ang panahon na magkakaroon ka na rin ng sarili mong pamilya. Tumatanda na rin kasi tayo," pabirong niyang saad. "Darating yung panahon na may papalit na diyan at diyan. Maaaring hindi, kung kayo talaga."

Napayuko si Titanium upang mapatingin sa tasa niya. Napadako ang tingin niya sa nakaimprenta dito.

H♥P

No dad, walang makakapalit sa kanya. Kung hindi lang rin siya, mas gugustuhin ko na lang maging mag-isa.

*****

Lumipas ang Pasko at Bagong Taon, ipinagdiriwang ito ni Titanium kasama ang pamilya niya. Masaya siyang umuwi ang Lola Failey niya na itinuturing niyang ikalawang ina.

At dahil tapos na ang mga okasyon, kailangan nang bumalik ng kanyang lola sa Taiwan. Nalulungkot man ay wala siyang magagawa kundi ang magpaalam dito.

Balik na ulit sa normal ang lahat. Puro trabaho na naman ang naiisip na gawin ni Titanium sa mga susunod na buwan.

Mabilis na dumaan ang mga araw hanggang sa dumating na ang buwan ng Hulyo. Sa mga taong dumaan ay ang buwan na ito ang pinakamahirap para sa kanya.

Naaalala ko kasi siya.

Ika-14 ng Hulyo ng araw na yun, at hindi niya maintindihan kung bakit nate-tense siya na hindi mo maintindihan. Naisip niyang mag-unwind dahil baka nasosobrahan lang siya sa trabaho. Makalipas lang ang ilang minuto ay dinala siya ng kanyang paa sa isang garden.

At hindi lang ito basta-bastang garden.

Ito iyong garden na pagmamay-ari niya. At siya lang ang magmamay-ari. Kahit hindi niya ito nabisita sa loob ng sampung taon, hindi niya pa rin pinapayagang may ibang makatapak sa lupa ng hardin na iyon bukod sa paa niya at ng mga malalapit sa kanya.

Tipikal lang ang araw na iyon para sa mga estudyante ng unibersidad niya na binabati siya sa bawat paghakbang niya. At dahil wala sa ayos ang nararamaman niya ay hindi niya binigyang-pansin ni isa sa mga ito.

At ngayon ngang narating na niya ang kanyang destinasyon ay parang isang alon na humagupit sa kanya ang lahat ng mga ala-ala nilang dalawa. Parang gusto niyang mapaluhod sa lupa dahil sa dami ng ala-alang hindi niya ma-contain.

Ang tagal na pala...

Kahit nanlalambot ay dahan-dahan siyang naglakad papunta sa ilalim ng matandang puno na pinakapaborito niya sa lahat. Wala pa ring ipinagbago ang lugar na ito. Namumukadkad pa rin ang mga bulaklak sa paligid, matingkad pa rin ang kulay ng mga damo, masarap pa rin ang simoy ng hangin. Parang 'yong dati lang.

My Territorial QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon