MTQ 22

18.3K 432 90
                                    


*****

Titanium's POV

Biglang nag-collapse si Maureen. Buti na lang mabilis ang reflexes ko at nasalo ko siya. "Maureen!" Gulat at nag-aalala kong sigaw. Ang puso ko, nagsisimula ng kumabog sa kaba at pag-aalala.

Binuhat ko siya in a bridal style at mabilis na tumungo papuntang clinic. Minding no one.

May nag-presintang tumulong sa pagbubuhat kay Maureen na hindi ko na tinanggihan dahil natataranta na rin ako at gusto ko na ring mapadali ang pagdating niya doon.

What could've happened to my Maureen?

Pagpasok sa clinic ay agad kong inihiga si Maureen sa clinic bed. Agad itong dinaluhan ng nurses at pinayuhan akong maghintay na lang muna sa labas para matingnan nila ng maayos ang pasyente.

Nanlulumo naman akong napaupo sa bench. Napatungo naman ako at hindi napigilang umiyak dahil sa pag-aalala. Kumuha ako ng panyo at pinunasan na lamang ang walang-tigil na pag-agos ng luha ko.

Kung anu-anong pumapasok sa isip ko ngayon. Baka nasobrahan siya sa pagod? Baka nainitan? Lagnat? Hindi ko alam....

I silently prayed for her safety. Please, God, ikaw na po ang bahala sa kanya. Sana po okay lang siya.

Hindi ko namalayang ilang oras na pala akong nakatungo sa bench na iyon at medyo nakatulog pa nga ako. Naalimpungatan lang ako nang may tumapik sa balikat ko. Inangat ko ang ulo ko at nakitang si doctora pala ito.

"Ikaw ba ang kaibigan ni Peach Maureen?" Tanong ng doctora.

"O-opo," nauutal kong sagot.

"Wala naman kaming nakitang diperensya sa pasyente. Dulot lang ng sobrang pagod at stress kaya't nahilo siya at nag-collapse. All in all, stable na siya at pwede nang umuwi kung gugustuhin niya. Kaunting pahinga na lang ang kailangan niya." Paliwanag ng doctora bago ibigay sa 'kin ang reseta ng gamot na kailangang inumin ni Maureen.

Nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig. Thank you, Lord.

Nag-excuse sa 'kin ang doctora at umalis na.

Pumasok ako sa kwarto at nadatnan ang mahimbing na tulog ni Maureen. Inilibot ko ang paningin sa kwarto at may sumilay na tipid na ngiti sa aking mukha nang may maalala. Umupo ako sa upuan sa tabi ng kama ni Maureen.

Dito rin sa kamang 'to ako humiga n'ong nahimatay ako dahil sa lagnat. Si Maureen ang nagdala sa 'kin dito... hindi ko malimutan yun kasi sobrang kinilig talaga ako. Lalo na nung muntik ko na siyang... you know.

Pinagmasdan ko lang ang mukha niya. Kahit nakatatak na sa puso at isip ko ang mukha niya, hindi pa rin ako magsasawang titigan siya buong magdamag. Sana lang hindi siya matunaw. Haha.

I smiled at her cuteness when she crinkled her nose. I traced her slightly thick eyebrow, down to her nose until the tip of my finger reached her slightly parted lips. I gently brushed my finger at her lower lip, feeling its softness.

Napakagat-labi ako. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko pagdating sa kanya. I can't get enough of her, really.

Not now when she's sleeping, Titanium! Not now...

Pero dahil isa akong manyak pagdating sa kanya, I inched my face closer to hers. Lumapit ng lumapit ang mukha ko hanggang sa nararamdaman ko na ang mainit niyang hininga niya sa pisngi ko.

Kaunti na lang talaga ay magdadampi na ang mga labi namin nang biglang...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Miss, okay na po ba si--"

My Territorial QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon