****"Caaan I laaay by your siiide? Next to you-hoo-woo-hoo-uh-hoo!~"
Nakakaaliw 'tong mga pinsan ni Titanium, haha! Ang gagaling nilang kumanta grabe! Effective na pampawalang-antok sa biyahe.
"Aaand maaake suuure~--"
"Can you two please shut up?! Baka gusto niyong tumalsik palabas dito sa kotse ko?!" Ang putol ng KJ na si Titanium. Obviously, she can't take her cousins' singing anymore.
Nagtaas naman ng magkabilang kamay si Gemini. "Payn, payn!"
"I don't want to be here if mmm-hmm be with you... tonighmm~" pabulong na kanta ni Pisces habang patingin-tingin sa pinsan niya.
Ang kyut lang.
Bigla akong may naalala na nag-painit sa pisngi ko.
Flashback
"ANONG GINAGAWA NIYO DITO?!" Mababakas ang inis sa tono ng boses ni Titanium.
Tinitigan ko naman ang dalawang magkamukhabg babae. Isang red head, at isang blondie.
Ang mga magagandang pinsan ni Tita! Woot, woot!
"Hi, 'insan!" Sabay nilang sambit at ngumiti pa ng naniningkit ang mga mata.
Ang cute nila pareho. Hehe. Crush ko sila!
Landeee.
"Kung ano man 'yang pina-plano niyong dal'wa, 'wag niyo nang ituloy kung ayaw niyong umuwing baldado." Ang nagbabantang sabi ni Titanium.
Bakit naman? Para namang may pina-planong hindi maganda 'yung mga pinsan niya, kung makapag-banta, e!
"Wala kaming pina-plano 'no! Sasama lang kami sa date niyo!" Ang walang prenong dahilan ni Gemini. Napasapo naman ng noo si ate Pisces.
Napakunot ang noo ko. "Date? Anong date? Sinong magde-date?" Tanong ko, though parang alam ko na tinutukoy nila.
"Kayo talagang dalawang tungaaaw na magkapatid, kahit kailan panira talaga kayooo!" Pinag-untog naman ni Titanium ang ulo ng magkapatid.
Napanguso naman si Gemini at kakamot-kamot sa parte ng noo niya na nauntog. "Totoo nomon, ih. Moy date nomon tologo koyo..." Bulong ni Gemini habang nakanguso. Bumulong ka pa 'te, rinig din naman! Sayang effort.
Tumingin ako sa gawi ni Titanium na nakataas ang isang kilay habang naka-crossed arms.
Giving her the "magpaliwanag-ka-look".
Ngumiti naman ng alanganin si Tita. Pinanlakihan niya muna ng mata ang magkapatid bago sumagot. "Wala. Walang date! Wala na kasi may mga asungot na dumating..."
"Ano?"
"'La! Sabi ko sila na lang ang hinihintay para makaalis na tayo. 'Lam mo na, relax-relax muna tayo. Next week prelims na."
"Ahh..." Ang nasambit ko na lang.
Lumingon ako pabalik sa magkapatid.
"Sooo, let's go, go, go! OMG, excited na is meee!" Ang hyper at tatalon-talong tili ni Gemini.
End of flashback
Hindi naman ako tanga para hindi maalalang ngayon yung "date" dapat namin ni Titanium. Medyo na-disappoint nga 'ko nung malamang sasama yung dalawa.
Kemeruuut! Da more da merrier nga, eh.
Habang nasa biyahe (si Titanium 'yung driver), ay kinakausap ako ng kinakausap ng magkapatid. (A/N: Pwede na namang mag-drive kahit 16 lang 'no? May student license ek-ek naman diba? At saka mayaman naman 'yan si Tita. She has connections. XD)

BINABASA MO ANG
My Territorial Queen
RomancePangarap ni Peach ang makapasok sa Hashford University. At nang magkaroon ng himala, tinanggap siya doon bilang scholar at nabuo na agad sa kanyang isipan ang mga magagandang bagay na mangyayari sa kanya sa loob ng eskwelahan. Malawak at puro mayaya...