MTQ 16

29.1K 671 46
                                        


****

Titanium's POV

Naalimpungatan ako dahil sa nararamdamang hininga sa leeg ko. Unti-unti kong iminulat ang mata ko at lumingon sa side.

Aww. Nakasiksik pala ang baby pandak ko sa leeg ko. Nakapulupot pa ang buong katawan sakin. Hahaha. So cute.

Ang haba ng pilik-mata niya. Tas medyo makapal ang kilay, na bumagay sa mukha niya. Ang tangos ng ilong, puffy cheeks. Ta's ang pula pa ng labi na bahagyang nakabuka ngayon. She looks so peaceful. Hindi katulad ng kapag gising siya, parang amazonang isip-bata. Hihi.

"Umm... ahh... T-Ti..."

Bigla siyang umungol ng mahina at medyo nakunot pa ang noo niya. Binabangungot ba siya?

"Ti-Titanium... a-ahh..."

Teka... naungol siya, tapos tinatawag niya pa pangalan ko.

Wet dream?

Agad akong napangiti nung maisip kong nagwe-wet dream siya dahil sa akin. Ganda ko shiz, hahaha. Owemji, kinikilig ako!

Makalipas ang ilang segundo ay tumigil na rin siya, naalimpungatan 'ata. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata niya at nagblink-blink pa. Cute.

Nang tuluyan na siyang nakamulat ay iginalaw niya ang ulo niya at sinalubong ang titig ko. Napa-smirk naman ako nung bigla siyang namula. Dahan-dahan niyang inalis ang pagkakapulupot sakin at sumandal sa headboard ng kama.

Sumandal ako katabi niya habang humihikab. Lumingon ako sa gawi niya at nakitang nagkukusot siya ng mata. Hindi ako magsasawang sabihin na ang cute cute niya.

"Good morning." Garalgal kong sabi dahil kakagising ko pa lang.

Tumango lang siya at hindi nagsalita. Problema nito? So, pipe na siya ngayon niyan?

She then mouthed, "morning breath" at tumayo. Agad siyang tumungo sa CR. Tss... ang daming alam ng girlfriend ko.

Napagpasyahan ko ring tumayo at mag-ayos ng sarili.

****

7:00 pa lang ng umaga, ang awkward na ng atmosphere dito sa lamesa. Kasalukuyan kaming nakain ng breakfast at tanging tunong lamang ng mga kutsara't tinidor ang maririnig mo. Himala, bakit ang tahimik yata ng magkapatid na 'to. Pati yung Krystal, nakayuko ta's ang bagal kumain.

Hindi ko na nakayanan ang katahimikan kaya pinatunog ko yung baso gamit ang tinidor na hawak ko. Mukhang effective naman dahil nakuha ko lahat ng atensyon nila.

"Anong kaartehan 'to? Leander? Reandel? Bakit ang tatahimik niyo yata? At himala! Wala kayong ganang kumain. Imposibleng mawalan kayo ng ganang kumain, pwera na lang kung MAY PROBLEMA KAYO." Panimula ko.

Bubuka pa lang ang bibig ni Leander (Pisces) ay inunahan ko na ito. "No, Leander! Hindi mo pwedeng sabihin na wala lang 'yan dahil kilala ko kayo! Kaya kung ako sa 'yo diretsuhin mo na."

Mukhang may sasabihin din ang kapatid nitong si Reandel (Gemini) kaya inunahan ko rin ito. "Nako, Reandel! Kung gaganyan-ganyan ka katulad ng ate mo hindi malulutas 'yang problema niyo! Kung may pinag-awayan kayo please lang ha--"

"Putcha naman, Titanium! Paano mo malalaman ang problema kung 'di mo kami pagsasalitain?!" Sigaw ni Leander kasabay ng paghampas niya ng malakas sa lamesa.

Nagulat ako sa pagdadabog niya kaya nag-akto akong isini-zipper ang bibig ko.

Shut up na lang ako. Nalimutan kong siya nga pala ang pinakamatanda sa 'min. Wew.

My Territorial QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon