*****"'Ma? Anong sabi ng doctor? Babalik din naman sa dati paningin ko diba? Dahil lang 'to sa stress. Kamusta na si Grey? Paglabas ko dito sasabihin ko na agad yung surprise ko sa kanya. Sabay kaming papasok sa Hashford University. Matutupad na pangarap namin, 'ma!" Malat ang boses na saad ko, pero kahit ganun, masaya ako. Babalik na rin sa dati ang lahat.
Nakatitig ako ngayon sa pigura sa harap ko. Hindi ko siya masyadong maaninag, hindi ko rin makita yung features ng mukha niya, sobrang labo. Pero alam kong si mama 'to.
Hindi sumagot si mama.
"'Ma? Nakita mo ba si Titanium? O umuwi muna? Okay lang na umuwi muna siya kasi alam kong napapagod na siya kakabantay sa 'kin..."
Naisip ko naman bigla na hindi ko man lang pa naipapakilala si Titanium sa pamilya ko, bilang girlfriend ko. Tama, kapag magaling na 'ko ipapakilala ko na si higante sa kanila. Sana naman 'wag silang magulat. Haist. Kinabahan tuloy ako bigla.
Nakarinig ako ng mahinang paghikbi. Kumunot ang noo ko. "'Ma? Umiiyak ka ba?" Tanong ko.
Nakita kong umiling ito at umupo sa tabi ko, hindi pa rin nagsasalita. Hays, mama talaga. Naiyak na naman.
Pilit kong inabot ang mukha niya, at buti naman nahawakan ko ito. Napaigtad siya. Bumalot agad ang init sa palad ko nang magdikit ang mga balat namin. Pinahid ko ang luha niya gamit ang hinlalaki ko pero hindi ko inalis ang kamay ko pagkatapos nun.
"T-Titanium? Ikaw ba 'yan?" Nag-aalangan kong tanong.
Sa halip na sumagot ay naramdaman kong tumulo sa kamay ko ang luha niya. Naririnig ko rin ang sunod-sunod niyang paghikbi. Nagluha ang mata ko. "T-Titanium naman... bakit hindi ka naman nagsasalita? Akala ko tuloy si mama ka!" Pinilit kong tumawa sa gitna ng pag-iyak ko.
Ipinatong niya ang kamay niya sa kamay kong nakahawak sa mukha niya. Iginaya niya iyon sa labi niya at hinalikan habang naiyak pa rin.
"Maureen..." Hirap niyang tawag. "Promise me..." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Promise me that you will be okay." Nabasag ang boses niya.
"A-ano ba, Titanium. Magiging okay rin ako!"
"Promise me!" Nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw. Basang-basa na ang kamay ko dahil sa luha niya.
"I promise." Mahina kong usal.
Niyakap niya ako at isiniksik ang ulo sa leeg ko. Humigpit ang yakap niya at humikbi sa balikat ko. I sighed and caressed her hair.
*****
Titanium's POV
Dalawang araw na simula nang malaman namin ang tungkol sa sakit ni Maureen. Halos nakatulala lang si tita buong araw. Madi-discharge na si Grey ngayong araw, pero hindi namin magawang maging masaya dahil sa lagay ni Maureen.
Kailangan ng surgery ni Maureen, para matanggal yung tumor sa utak niya. Sabi ng doctor baka kumapal yung bukol kapag pinatagal pa. Pero humingi muna kami ng kaunting oras para sabihin kay Maureen ang sakit niya. Sa ngayon ay umiinom lang siya ng mga gamot, at para akong pinaparusahan tuwing maiisip ko na wala siyang kaalam-alam sa nangyayari.
At ngayong araw nga namin balak ipaalam ang sakit niya. Iniintay lang namin siyang magising.
Naiiyak lang ako ulit kapag nakikita ang lalong lumalim niyang mga mata. Lalo rin siyang pumayat. At yung labi niya, namumutla at tuyo.
Gumalaw ang ulo niya kaya agad kong pinunasan ang tumakas kong luha. Hinintay ko siyang magmulat at pinilit ngumiti, kahit hindi niya ako maaaninag.
BINABASA MO ANG
My Territorial Queen
RomancePangarap ni Peach ang makapasok sa Hashford University. At nang magkaroon ng himala, tinanggap siya doon bilang scholar at nabuo na agad sa kanyang isipan ang mga magagandang bagay na mangyayari sa kanya sa loob ng eskwelahan. Malawak at puro mayaya...