MTQ 20

26.3K 575 91
                                        

*****

*kriii--*

Hindi pa man nakakatunog ang alarm clock ay pinatay ko na ito at bumangon ng may malaking ngiti sa labi! Nag-unat ako at nag-exercise ng kaunti bago ayusin ang kama ko.

Kinuha ko ang tuwalya at pumunta ng CR.

Nag-toothbrush, naligo, naglinis at kung anu-ano pang orasyon ang ginawa ko sa CR habang kumakanta.

"Help beat energy, energy gap~" kanta ko habang sinasayaw ang steps nito at lumabas ng CR ng nakatapis.

"DRINK MILO EVERYDAY! MILO EVERYDAAAAAAAAY~!" Itinaas ko ang kamao ko na kunwaring mic at binirit 'yun. Siguro kung may nanonood sa akin ngayon iisipin nu'n na takas ako sa ment--

"Nice performance," ang sabi ng sobrang pamilyar na boses na tanging puso at kaluluwa ko lang ang nakakikilala. (A/N: Bwiset. XD)

Napatuwid ako ng tayo at sinalubong ang isang dyosang malapit ng mapantayan ang beauty ko (siyempre ako pa rin ang mas maganda), na ngayon ay nakatingin sa 'kin with her amused face. Bihis na ito ng school uniform ng HU.

'Yung puso ko ayaw na namang kumalma, inis.

Agad akong pinamulahan ng mukha nang maalala ang performance ko kanina na obviously ay napanood niya lahat. Shete.

"Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ko agad. Siyempre kahit kating-kati na rin akong makita siya ayoko namang bigla na lang siyang susulpot diyan na mukha akong basang sisiw.

"Para makita ang girlfriend kong ang galing kumanta," bola niya na halata namang pinipigilang matawa. Inis!

"Hoy higante 'wag mo ngang pigilan 'yang tawa mo! Lumabas ka na, magbibihis pa 'ko. Tch," sabay tulak sa kanya palabas ng pinto ng kwarto ko at siya naman ay hindi pumalag at nagpatulak lang sa akin.

Bago ko pa siya iwan sa labas ng pinto ay ninakawan niya ako ng isang mabilis na halik sa labi. Nanlaki ang mata ko. "I'll be waiting, okay?" At siya na mismo ang nagsara ng pinto.

Napahawak naman ako sa dibdib ko nang ako na lang ulit sa loob ng kwarto. Pumikit ako at ngumiti. "Nakakainis ka talagang higante ka. Lagi mo na lang akong pinapangiti na parang sira."

*****

At ayun nga, sa baby Audi niya ulit kami sumakay papuntang school. Dati ayoko sa kotse niya kasi masyado niyang mahal, pero ngayon love ko na rin si baby Audi kasi dito nangyari 'yung juicy--char, yung sweet moment ever namin ni higante.

And as usual din, may sariling pwesto sa parking lot yung kotse niya at pagbaba niya ay ang dami agad niyang nakuhang atensyon. Lalo na kapag ako na ang bumaba, ang daming nagtataasang kilay at mga masasamang tingin. Ang ganda ko kasi pa'no ba 'yan?

Though maraming nakatingin sa 'min, or let's say, LAHAT nakatingin sa magkahawak naming kamay, walang lumalapit. Sabi nga niya, hindi daw siya artista para dumugin. Takot na lang nila sa reyna.

Hindi na rin kami sumasakay ng elevator. Mas gusto niya daw kasing maglakad kapag kasama ako. Eng sweet debe.

Pagdating ng classroom ay nanahimik lahat dahil alam nilang ayaw ni Titanium ng maingay. So ayun parang kami lang ang tao pagpasok namin kasi para silang namatay bigla. Though nakatingin talaga sila. Hirap naman maging maganda. Buti hindi niyo nararanasan 'no? (A/N: I know, I know. Makapal talaga mukha niya.)

Agad hinanap ng mga mata ko si friend at nakitang nakatingin siya sa 'kin at nakangiti ng malaki. Nung medyo malapit na kami sa pwesto niya ay binati ko siya ng good morning na tinugon niya naman.

Nakita ko naman ang katabi ni Hyper na kung hindi ako nagkakamali ay yung muse namin. Something like Maika yung name niya, eh. Kanina pa pinipilit iharap si friend sa kanya na hindi naman pinapansin. I chuckled at the sight. 'Yung itsura kasi ni Hyper parang sinasabing sira na umaga niya dahil kay Maika.

My Territorial QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon