MTQ 1

61.2K 1.4K 1.2K
                                    


****

"'Ma, pasok na po ako!" Sigaw ko. Nasa taas pa kasi si mama.

"Mag-ingat ka!" Sigaw niya pabalik.

Sumakay ako ng tricycle patungong school.

Hashford University.

Pangarap lang ang makapasok rito. Pero 'eto 'ko ngayon, papasok bilang grade 10 student.

Pagpasok ko... wow! Ang lawak, ang ganda, at ang daming students!

Dream come trueee!

Hinanap ko ang room ko, pero 'di ko makita. Pagod na is me.

May nabangga akong babae, ng hindi ko sinasadya. Hagardo na kasi ako, ang lawak kasi ng eskwelahang 'to! Tsk.

"Sorry, miss. Kasalanan ko. 'Di kasi ako natingin." Paumanhin ko sa magandang babae na ito. Ganda, dyosa!

Nakatulala lang siya sa 'kin. Pumitik ako sa harap niya. Napakurap naman siya. "Ah, okay lang. Bago ka lang ba?" Tanong niya sabay ngiti ng matamis. Ekew ne megende.

"Oo, eh. 'Di ko nga makita room ko."

"Ano bang section mo?"

"Hafnium."

"Nice. Magkaklase pala tayo. Tara sabay na tayo."

Kung sineswerte ka nga naman oh. Hehe.

Habang naglalakad, nagpakilala na ako, "Ako si Peach Soriano. Ikaw?"

"Hyper Co." Sagot niya.

Ano daw? Hyper daw siya?

"Anong hyper ka? Hindi naman eh." Sabi ko. Eh sabi niya hyper daw siya, hindi naman. Relaxed nga siya, eh.

Napabuntong hininga siya. "Sabi na nga ba, 'yan ang sasabihin mo, eh."

"Huh?"

"Ang pangalan ko ay Hyper Co. C-O ang spelling ng surname ko. Gets?" Paliwanag niya.

"Ahh..." Sabi ko na lang. Pangalan pala niya yung Hyper. Astig!

"Hindi ka tatawa?"

"Bakit naman?"

Napangiti siya. "Wala." Tipid niyang sagot. Weird ah.

"So... friends?" Sabay lahad ko ng kamay ko.

"Friends." Tinaggap niya ang kamay ko.

Ibinaba niya ang kamay niya, pero hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko.

Oh well, baka nagiging friendly lang siya. Diba? Diba?

Pagdating sa room, madami ng nasa loob. Pero wala pa namang prof. Thank goodness.

Humanap ako ng magandang pwesto. Hm...

Ayun! Meron sa tabi ng bintana. Kaso medyo likod 'yun. Eh maliit ako eh, baka 'di ko makita nasa harap...

No choice. 'Yun na pinakamagandang pwesto.

"Tara, Hyper. Doon tayo umupo." Sabay hila ko sa kanya at umupo sa tabi ng bintana. Umupo naman siya sa tabi ko.

Bumitaw na rin siya sa kamay ko. Buti naman, nakakahiya eh. Baka pasma pala kamay ko.

Sumunod na dumating yung prof.

"Blah, blah. Yada-yada. Ajujuju. Witchi-witchikeli."

Tapos ng magpakilala ang lahat ng biglang padabog na nagbukas ng pinto.

Napatingin naman sa kanya ang lahat. Ano ba 'yan late na late na siya.

My Territorial QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon