MTQ 5

35.7K 998 200
                                    


*****

Tumunog ang alarm clock ko, at agad ko iyong pinatay. 6:00 am. Kanina pa ako gising pero, the hell, ayokong pumasok!

Hindi pa ako handang humarap kay halimaw...

Pero naalala ko yung iniingatan kong scholarship. Kaya tumayo na ako upang mag-ayos ng sarili.

Today is Thursday. Pakiramdam ko parang biglang bumagal ang oras. Hays.

Makalipas ang isang oras, nakaayos na ako. Bumaba ako dala ang bag ko at dumiretso sa kusina kung saan nakahain ang umagahan namin.

Kahit mga paborito ko ang nakahain, parang wala akong ganang kumain.

Eh ano ba kasing inaarte mo diyan?! Sigaw ni brain.

Yung kahapon nga!

Oh, eh ano? Muntik ka lang naman niya halikan ah? 'To... 'kala mo naman ginahasa ka, eh.

Eh sa nahihiya nga ako, eh! Hindi ko man lang siya pinigilan sa gagawin niya kahapon. Baka iniisip niya ngayon gusto kong matuloy yung halik na 'yon! Aish!

Eh bakit? Totoo naman, ah. Aminin mo, nabitin ka kahapon 'no? Awtsu...

"Hindi ah!" Sigaw ko at hinampas ang lamesa.

Saka ko lang napagtanto na napalakas pala yung sigaw ko dahil gulat na nakatingin ngayon sakin si Grey at si mama. Nakakahiya, pakshet!

"Anong sinisigaw-sigaw mo diyan? Para namang may kaaway ka. Agang-aga..." Mataray na sabi ni mama.

"Sabi sa inyo, 'ma eh. Si Mawrene ang totoong kakambal niyan! Pareho silang baliw!" Sabay halakhak ni Grey, ta's nabulunan siya pagkatapos. Buti nga. Ang bilis ng karma, bleh!

"Eh bakit ka nga ba biglang sumisigaw diyan ha, Peach? May problema ba?" Concerned na tanong ni mama, habang hinahagod ang likod ng nasamid na si Grey.

"Ah, eh... wala naman 'ma. Nasobrahan lang siguro ako sa kape." Dahilan ko.

"Hindi naman tayo nainom ng kape. Tange." Ang sabi ni Grey na naka-recover na sa pagkasamid.

"Minura kita?" Sabi ko sabay ngiti ng may naniningkit na mata.

"Hindi. Ano ba 'yan, Peach! Tanga neto. Pati ba naman pagmumura mo itatanong mo pa sa 'kin. Tsk, tsk." Grey, habang ngumuya ng panibago. Takaw, eh.

Binatukan ko siya, kaya nasamid ulit siya. "Bastos ka, ah!" Sigaw ko.

"Mas bastos ka! Nakita mong nakain yung tao, eh!" Sigaw niya pabalik. Saka uminom ng tubig.

"Sorry naman. Hindi ko alam na tao ka pala?"

"Ang kapal neto. Akala mo naman--"

Hindi na natuloy ang sasabihin niya dahil pinag-untog kami ni mama. Aruuuy!

Napasapo naman ako sa parteng na-untog. Ang sakit, huhu.

"Ano?! Sige, magsigawan pa kayo. Hindi lang 'yan ang aabutin niyo sakin! Agang-aga ha!" Galit na sigaw ni mama.

"Sorry po, 'ma." Sabay na paumanhin namin ni Grey.

"Magbati na kayo! Alam niyo namang tayo na lang ang pamilya, ganyan pa. Mag-sorry kayo sa isa't-isa!" Si mama habang pinagdidikit ang braso naming dalawa ni Grey.

Tiningnan ko muna ng masama si Grey, bago ko ni-compose ang sarili ko. Bilang ate, dapat ako ang umintindi. Hays.

"Sorry, Mauricio. Ako ang nauna. Bati na tayo, ah?" Sincere kong sabi, kahit hinaluan ko ng kaunting pang-aasar. Hehe.

My Territorial QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon