AFTER EPILOGUE

23.9K 465 101
                                    


*****

"Mommy! Gusto ko na pong kumain! Please!" Hila ni Saffron sa laylayan ng aking damit habang nakanguso.

"No! Gusto ko pang maglaro! Hindi ko pa nasusubukan lahat ng games!" Kontra naman ng batang babaeng nakakunot ang noo. Maldita talaga, hays.

"Baby Sophie, kailangan na nating kumain kasi gutom na si Kuya Saff at Mommy Maureen mo. Ikaw, saan mo ba gusto kumain?" Nakangiting tanong ni Tita sa apat na taong gulang naming bunso.

Yep, mga anak namin sila. Kaka-eight years old pa lang ni Saffron last week at mag-f-five naman si Sofia sa December 21.

Napagpasyahan naming mamasyal ng mga bata dahil hindi na rin kami nakakapag-bonding.

Aaand, 14 years na po kaming kasal ni Titanium Celestine at ganap na akong Hashford. Na-miss ko tuloy na tawagin siyang Hashford, pero 'di na pwede ngayon because that means kasama na ako at ang mga anak namin. Pft.

Pero never kong na-feel na matanda na ako, dahil parang teenager pa rin akong kiligin. Hihi.

Lumiwanag ang mukha ng malditang bata. "Gusto ko kumain ng cotton candies, isaw and sinigang!"

Wow. Kakaiba rin talaga.

Bumuka ang bibig ni Titanium at tumikom rin ulit. Malamang naiisip na rin niya na sa kanya talaga nagmana si Sofia.

"We will eat all of that, later. For now, we have to eat lunch baby. How about we eat at Jollibee?"

"Okay!" Good girl.

Yumakap agad sa leeg ni Titanium si Sophie, tanda na gusto nitong magpakarga. Kawawa naman ang asawa ko. Pffft.

Wala nang nagawa si Titanium at kinarga si Sophie kahit bakas dito ang pagod. Hinawakan ko naman anh kamay ni Saffron at tinungo ang exit ng Jerry's World.

Mas nakuha ni Saffron ang facial features ni Titanium, at mas nakuha naman ni Sofia ang itsura ko. Medyo maldita si Sofia na namana niya kay Titanium (dahil mabait ako) at ang lakas din nitong kumain. Si Saffron naman ay masasabi kong normal na bata naman siya. Mahilig manood ng mga cooking shows pero hindi siya kasing lakas kumain ni Sofia.

Nilingon ko si Saffron at nakita ang younger version ni Titanium. Napangiti ako ng tipid.

"Saffron, ayaw mo bang pagupitan 'yang buhok mo?" Tanong ko sa kanya. Hanggang balikat na kasi ang buhok niya at medyo marami na rin siyang nakukuhang atensyon ngayong araw na ito dahil mukha siyang babae pero ang suot niya ay t-shirt na may print na rocket, maong pants at rubber shoes.

"No po. I don't want to kill my hair. I want them to grow and live happily." Omaighad, na-n-nosebleed ako sa anak ko! Kasalanan 'to ni Titanium na hindi marunong magmahal sa sariling wika!

Tumango na lang ako at tumingin ulit sa dinaraanan.

"Put me down, Mom! Down! Down! Down!" Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Sofia na karga-karga ni Titanium. Hindi na nagprotesta ang asawa ko at ibinaba ang anak namin, sinundan namin ito ng tingin ng tumakbo ito pabalik.

Nakita namin kung paano lapitan ni Sophie ang isang batang babae na halatang may halo dahil sa dirty blonde nitong buhok. Siguro mga ka-age lang ito ni Saff dahil sa mas mature nitong mukha kaysa kay Sophie, at mas matangkad rin ng slight.

It turns out na nadapa or nabangga 'yong bata dahil inalalayan ng anak ko ang bata para makatayo. Pagkatayo ng bata ay sumilay agad ang malaking pasa at kaunting hiwa sa magkabilang tuhod nito. Naalarma ako at lalapitan na rin sana ang bata nang may umuna na sa akin.

Isang babae na sigurado akong nanay ng bata ang agad lumuhod at hinawakan sa magkabilang balikat ang anak. Dirty blonde rin ang buhok nito. "Cienne! What happened to your knees?!" Nag-aalalang tanong ng babae habang sinisipat ang magkabilang tuhod ng bata.

My Territorial QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon