****"Now open your books and... blah, blah, blah."
Second day pa lang pero parang tamad na tamad akong makinig. Inaantok pa 'ko! Gusto ng bumagsak ng talukap ko. Palibhasa first subject pa lang kaya maaga pa. Kagagaling ko pa lang sa tulog pero inaantok na naman ako. Haaaysh...
Paanong hindi ako aantukin eh wala akong makausap ng matino. Gusto kong katabi si crush Hyper!
Pabagsak na sana ang mga mata ko ng mapansin ko si Hashford sa reflection niya sa glass window.
Nakatitig na naman sa 'kin.
Ewan ko kung si Hyper ba crush niyan o... ako, eh.
Ayt, landi! Sige lang landi pa, Peach! Second day pa lang ha, second day pa lang for Pete's sake! Mahaba pa ang lalakbayin mo sa pag-aaral. Ipagpaliban ang paglalandi.
Wow naman. Landi agad? Parang nag-assume lang ako, malandi na agad. Baka lang naman. Pero alam ko namang imposible 'yon kasi nga maganda siya, at MAS maganda ako kaya 'di kami match.
Wow ha. Sige pagbigyan, pagbigyan!
Saka hindi ako pumapatol sa kapwa ko. Straight 'ata 'to, hah!
Okay. Sabi mo, e.
Nagbalik ako sa wisyo ng tawagin ako ni Mr. Luman Dee. "Nasa labas ba ako ng bintana, ha? Nandyan ba yung nagdi-discuss?" Mataray niyang tanong. Ang bakla, e. Sayang pogi pa naman.
"Sorry po, sir. Hindi na mauulit." I muttered.
Inirapan lang niya ako at nagdiscuss na ulit sa harap.
"Ayan kasi. Puro ka kasi titig sa labas. Tch." Sabi ng katabi ko. Sino pa ba edi si Hashford.
"Kesa naman ikaw, puro titig sa 'kin." Sagot ko naman sa nang-aasar na tono.
Namula naman siya ng bahagya. Pero agad akong tinaasan ng kilay. "N-never. I won't look at you." Ngayon ko lang napansin, ang deep pala ng chocolate brown eyes ng mokong na 'to. Gandang dyosa, ugaling halimaw. Hehe.
Ang napaka-defensive at maang-maangang halimaw.
"'Wag mo 'kong niloloko. Nakikita kita sa reflection mo sa bintana." Sabay taas ko rin ng kilay sa kanya at nag-belat. 'Wag niya akong subukan!
Mukhang nagulat siya at napahiya. Buti nga! "W-whatever." Sabi niya na lang sabay irap. Arte.
Nauutal rin pala ang gaya niya, 'no? Cute.
****
Lunch naaa!
"Hyper mylaaabs!" Sigaw ko sabay yakap sa kanya. Nasa loob pa rin kami ng room at ilan-ilan na lang ang nandito kaya okay lang maglumandi ako kahit kaunti. Hihihi.
"Oh, 'nyare sayo, Peach? Ang sweet mo 'ata?" Sagot niya sabay tugon sa yakap ko.
Kumalas muna ako bago sumagot sa kanya, "Gutom na kasi ako. At dahil gutom ako at crush kita... ililibre mo 'ko!" Masaya kong sabi sabay pulupot ng braso ko sa kanya. "Saka na-miss kasi kita."
"T-teka, crush mo 'ko?" Tanong niya. Hala, baka homophobic siya? Baka nandidiri siya sa akin? Humahanga lang ako sa kagandahan niya. SAKA STRAIGHT AKO!
"O-oo. Ganda mo kasi, friend! Humahanga ako sa kagandahan mo, eh. Ayaw mo ba?" Kinakabahan kong tanong. Baka kasi nabigla siya e, mawalan pa 'ko ng kaibigan.
"Hindi ah! O-okay lang. Kung alam mo lang..." Ba't ba ang hihilig niyong bumulong.
Naramdaman kong may nakatitig sa amin ng masama kaya napalingon ako sa paligid.

BINABASA MO ANG
My Territorial Queen
RomancePangarap ni Peach ang makapasok sa Hashford University. At nang magkaroon ng himala, tinanggap siya doon bilang scholar at nabuo na agad sa kanyang isipan ang mga magagandang bagay na mangyayari sa kanya sa loob ng eskwelahan. Malawak at puro mayaya...