****WARNING! MEDYO SPG! BE OPEN-MINDED!
****
Wednesday...
Tamad na bumangon ako sa aking kama matapos patayin ang nakaka-iritang bwisit na pesteng lesheng alarm clock na nagpanginig sa diwa ko. Sabi ko naman sa inyo ayoko ng istorbo sa tulog ko! Pero kailangan kong pumasok. Mygosh!
Ihinanda ko na ang sarili ko sa pagpasok.
Pagkatapos kumain at mag-toothbrush, nagpaalam na rin ako kay mama at kay kambal.
Paglabas ko may nakaparadang isang magarang kotse sa harap ko. Oh, wow! Ganda. Naligaw 'ata rito ah. Kaninong kotse naman kaya 'to?
Sinilip ko ang bintana pero masyadong tinted ito kaya hindi ko makita kung sino ang nasa loob. Hm, bayae na nga. Mamaya kidnapper pala 'yan
Paalis na sana ako ng biglang bumukas ang pinto noon at hinablot ako sa braso. Nagulat naman ako at nagpupumiglas. Hindi ko maaninag kung sino ba siya pero mukhang babae dahil mahaba ang buhok nito na hanggang bewang. Babae na naman?!
May itinakip na panyo sa ilong ko at naamoy ko ang gamot nu'n. Unti-unti akong nakaramdam ng pagkahilo...
Pero bago mawalan ng ulirat ay narinig ko pa siyang nagsalita, "We met again, kiddo..."
At tuluyan na akong nilamon ng dilim...
****
Titanium's POV
Arrrgh! It's been 2 f*cking hours at wala pa rin si Soriano! Nasaan naman kaya 'yun?! Hindi ba siya papasok?!
Nakatanaw pa rin ako sa labas ng bintana, hoping na dumating siya. Pero kanina pa ako sa ganong state at nangangalay na ang leeg ko. Kainis.
Maybe she's sick?
Oh, hell no. Kailangan ko siyang i-check! Baka may nangyari sa kanya!
Okay. Breathe... paranoid lang ako. Walang masamang nangyari sa kanya.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili at nakinig na lang sa prof kahit wala namang pumapasok sa utak ko.
Lumipas na ang lunch time, hanggang sa uwian na. Pero walang Peach Maureen Soriano ang dumating. Um-absent talaga siya and that's very unusual.
Kailangan ko siyang tawagan.
Calling Maureen Hashford...
Saan ko nakuha ang digits niya? Hindi na 'yun mahalaga.
Pick it up... pick it up!
*toot* *toot*
"The number you have dial--"
"F*ck!" I cursed out of dismay. Bakit ayaw niyang sagutin?!
I called her several times again pero hindi pa rin niya sinasagot.
Where the hell are you, Maureen?
****
Nandito na ako sa kwarto ko pero hindi ko pa rin makuhang makatulog. Maaga pa naman, pero I usually sleep early dahil na rin sa pagod, and wala naman kaming school works. Pero ngayon, I can't because I'm worried! Tinext ko na siya to inform her na ako yung tumawag, but still, no response. Hindi naman mali yung digits niya dahil sa registrar ko kinuha yun. Inulit-ulit ko pa ngang i-check nun kung tama talaga. It's her number.
8:07 pm na. Hays. Nasaan ka na ba--?
*ring* *ring* *ri--*
"Hello?" I lazily said. Hindi ko na tiningnan yung caller, dahil wala ako sa mood.

BINABASA MO ANG
My Territorial Queen
RomancePangarap ni Peach ang makapasok sa Hashford University. At nang magkaroon ng himala, tinanggap siya doon bilang scholar at nabuo na agad sa kanyang isipan ang mga magagandang bagay na mangyayari sa kanya sa loob ng eskwelahan. Malawak at puro mayaya...