****
Please, check the song above! ^^
****
"Yea, I'm staying here for a month. This is dad's condition of buying me my own car. So, be a nice little girl while I'm here, 'kay?" Maarteng pahayag ni Ate Scarlet bago tingnan ang mga kuko niyang nagbabaga sa kulay pula.
Ano namang purpose ng kondisyon ng lalaking 'yun? Ayaw na lang niyang ibigay ang gusto ni Ate Scarlet. Idadamay pa talaga kami.
"Kadkarin din minsan ang kalyo sa mukha... kumakapal, eh." Pasimpleng komento ni Grey sa tabi ko na natingin-tingin kunwari sa paligid.
"Who're you talking to, freak?" Pataray na tanong ni Ate Scarlet na ngayon ay naka-crossed arms na habang nakataas ang isang kilay.
"Wala naman. Pero kung natamaan ka pwede rin namang sa 'yo." Hindi nagpapatalong sagot ni Grey.
Nakupo.
"Bitter much, eh? Porket hindi ka lang mapag-aral ni dad sa gusto mong university? Keep dreaming. Walang pake si dad sa 'yo!"
"Really? HAHAHA makakarami ako ng tawa sa 'yo, b*tch. Baka nalimutan mong ikaw ang sampid sa pamilyang 'to?"
Okay. Out of the belt na ang away nila.
Gumuhit ang sakit sa mga mata ni Ate Scarlet. Kaya bago pa sila magkasakitan ulit ay pinigilan ko na ito. "Tama na!"
Huminto silang dalawa ngunit nandoon pa rin ang mga nagbabagang titig nila sa isa't-isa. "Grey, mag-sorry ka kay Ate Scarlet." Utos ko.
"What?! Bakit ako! Hindi ako ang--"
"Mag-sorry ka," putol ko.
"Oh. Now you're acting like my hero. I don't need your help, Peach. Kaya ko ang sarili ko!" Galit niyang sigaw bago padabog na umalis.
I sighed.
"See?" Napasabunot sa sariling buhok si Grey.
"Mali ka rin naman kasi, eh. Pinatulan mo pa."
"Ugh. Whatever, Peach." Saka siya tumayo at umalis na rin.
*****
Today is Sunday. I miss that giant...
Biglang nagvibrate ang cellphone ko kaya chineck ko ito.
Isang text.
Unknown number. Kailan ko lang kasi nabili itong cellphone na 'to at bago rin ang number ko dahil nga nu'ng... na-dyosanap ako sinira nu'ng babaeng rapist 'yung cellphone ko kaya ayun. Tss.
Sino kaya 'to?
Binuksan ko ang message at ito ang nakalagay:
*Hi, midget. Date tayo?*
Nag-init agad ang pisngi ko sa nabasa at sinave muna ang numero. Speaking of higante. Nilagay ko siya sa contacts at pinangalanang My Territorial Queen♥.
Ay, may heart pa. Jiva na talaga kapag inlab.
Manahimik.
Nag-isip ako ng reply. Dapat yung hindi mukhang kinikilig. Tss. Dahil hindi talaga ako kinikilig!
-Panu pag ayoko? I typed.
"Hm... erase! Erase!" Binura ko ang message. "Parang pakipot ako, eh." Pinalobo ko ang pisngi ko. Parang 'di naman kasi siya seryoso! Tsk. Bwisit.
Nagvibrate ulit ang cellphone ko kaya muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko. Binuksan ko ito agad at ito ang nabasa ko:
*Seryoso ako, Maureen. Date tayo?*
BINABASA MO ANG
My Territorial Queen
RomancePangarap ni Peach ang makapasok sa Hashford University. At nang magkaroon ng himala, tinanggap siya doon bilang scholar at nabuo na agad sa kanyang isipan ang mga magagandang bagay na mangyayari sa kanya sa loob ng eskwelahan. Malawak at puro mayaya...
