MTQ 23

15.4K 410 34
                                    


*****

"Mama..." nanghihina kong usal habang nakatitig kay mama na nakatungo habang nakaupo sa sahig. Rinig ko hanggang sa kinatatayuan ko ang mga hikbi niya. Nandito na kami sa ospital at hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang katawan ko.

Naluluha man ay lumapit ako sa pwesto ni mama. Lumuhod ako at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "'Ma... anong nangyari?" Basag ang boses na tanong ko sa kanya.

Hindi siya nag-angat ng tingin at patuloy lalo lang humagulgol. "'MA! PLEASE SAGUTIN MO NAMAN! ANONG NANGYARI KAY GREY?!" I cried. Niyugyog ko sa balikat ang mama ko.

Naramdaman kong hinila ako palayo ni Titanium at agad akong niyakap. Tuluyan na akong napaiyak. Naramdaman kong hinagod ni Titanium ang likod ko habang ako naman ay sumisigok-sigok pa.

Hindi ko pa kayang i-sink-in ang mga nangyayari ngayon. Ni hindi ko alam kung anong lagay ng kakambal ko kasi ayaw namang sabihin ni mama! Mamamatay na yata ako sa mga negatibong ideyang pumapasok sa utak ko ngayon...

Grey... please. Don't die.

Nang medyo kumlama ako ay iginaya ako ni Titanium sa bench. Simula n'on ay hindi ko na napapansin ang mga nangyayari sa paligid ko. Ang nasa isip ko lang ngayon ay ang kalagayan ng kapatid ko.

God, please do save my brother. Mahal na mahal ko po siya. May pangako pa siyang aabutin namin ng sabay ang mga pangarap namin.

*****

Titanium's POV

Nalulungkot ako sa mga nangyayari ngayon. Alam kong mabuting tao ang kakambal ni Maureen kahit hindi ko siya masyadong ka-close. At alam kong malapit siya dito kaya nalulungkot ako sa nangyari sa kanya.

Nababasag ang puso kong makitang ganyan si Maureen. Sanay akong nakikta siyang nakangiti at positibo lagi. Nagagalit ako sa sarili ko na wala akong magawa para pagaanin ang loob niya.

Lumuhod ako sa harap niya para magpantay ang mga mukha namin. I cupped her face between my hands, but she didn't even look at me. Nakatulala lang siya. At nasaksihan ko ang unti-unting pagkawala ng buhay ng mga mata niyang puno ng luha.

Doon na nadurog ng tuluyan ang puso ko.

Nanginig ang mga labi ko at tuluyan na akong napaiyak. Pinunasan ko ang mga luhang patuloy na umaagos. Hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin. Parang wala na siyang nakikita at nararamdaman sa paligid niya.

"'Wag mo naman akong kalimutan... nandito pa ako, oh... 'wag ka namang panghinaan ng loob..." Mahina kong bulong. Na alam kong hindi naman napakinggan.

Pumikit ako ng mariin, trying to lessen the pain I'm feeling. The feeling of not being enough.

Nanginginig ang kamay ko nang tuluyan kong alisin ang kamay ko sa mukha niya. Tumayo ako at nanghihinang umupo sa tabi ng Maureen ko.

Ngunit hindi iyon nagtagal dahil napatayo agad kami ni Maureen nang makita namin ang humahangos na si Hyper kasama ang tatlong mga lalaki na medyo pamilyar sa akin.

Umiiyak rin ito at bakas ang takot at pag-aalala sa mukha niya. Gayundin ang mga lalaki.

"N-nasaan si Jianne? Kasama siya nila Marvin! Anong nangyari sa kanila? Okay lang ba sila?" She cried.

"Ms. Hashford? Alam mo po ba kung anong nangyari sa kanila?" Nag-aalalang tanong nung isang lalaki na naaalala kong kaklase namin ni Maureen. Si Frost.

"H-hindi ko alam." Nauutal kong sagot.

Humahagulgol na si Hyper, pati si Frost ay umiiyak na rin. Yung dalawang lalaki na sa tingin ko'y mga kuya niya, halatang pinipigilan ang sariling sumabay sa iyak nila. Ang mga tuyong dugo sa sahig ay nagpapabigat sa loob ko.

My Territorial QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon