MTQ 15

26.1K 676 83
                                    


****

Titanium's POV

She stared at me with so much emotions in her eyes, I can't predict. Bahagya pang nakabukas ang bibig niya at nagt-twitch pa ito na parang may gustong sabihin pero hindi masabi. Well, what will I expect? Nagconfess lang naman ako na mahal ko siya.

Nakuha ng nagsalita ang atensyon naming dalawa. "Oy, kayong dalawang laberds! Nandyan lang pala kayo! Ahon na kayo d'yan, may laban ng volleyball ngayon doon, dali! Manood tayo!" Tili ni Gemini. Nakaakbay sa kanya ang ate niya. Nang mapagawi ang tingin ko kay Pisces ay binigyan niya ako ng isang smirk at isang tingin na hindi ko maipaliwanag. Parang may alam siya na hindi ko alam.

I dismissed the thought at inirapan ko na lang siya. Nakakapit pa rin sa akin si Maureen dahil nasa malalim na part pa kami.

Nang makaahon na kami ay sumunod kami sa dalawa. Siyempre, hinawakan ko ang kamay niya. Para malaman ng lahat ng tao sa beach na 'to na akin lang siya.

Lalo na't ang hot ng girlfriend ko ngayon dahil sa suot niya. Mali ang desisyon ko! Dapat hindi ko na lang siya pinagsuot ng two piece. Masyadong eye-catching.

Oh, well. Hindi naman sila makakalapit. 'Yung mga tumititig sa kanya ng malagkit ay binibigyan ko agad ng nakakamatay na tingin.

Tama nga sila dahil ang daming nakapalibot ngayon sa isang part ng beach. Maririnig ang malalakas na sigawan at cheer kapag may nakaka-score.

Kumaway naman si Gemini, pinapapunta niya kami du'n. Hinila ko naman si Maureen doon at nakitang may mga seats pala dun at kitang-kita ang laro.

Pinaupo ko si Maureen, ganun din ako. Pinagmasdan ko siya habang nakiki-cheer at nasigaw rin. Kita ang amusement sa mga mata niya. I smiled because of that.

Biglang tumingin sa gawi ko si Maureen at binigyan ako ng nagtatakang tingin. "Bakit ganyan ka makatinin? Manood ka nga!" Sigaw niya dahil hindi maririnig dahil sa ingay sa paligid.

Pero hindi nakatakas sa mga mata ko ang pamumla ng pisngi niya. Nakaka-inlove, sh*t!

Tinry kong manood ng game at nakitang lamang ng 1 point yung isang team. 20-21 ang score. Dikit ang laban.

Last quarter na pala.

Makalipas ang ilang blocks at spikes ay nanalo rin yung lamang na team kanina. Nagsalita naman sa mic 'yung captain ball 'ata. "Inaalay ko ang pagkapanalo namin kay..." Inilibot naman niya ang tingin niya at nakitang tumigil ito sa gawi ni...

"...miss hot na naka-black bikini!" Tapos ay ngumisi ang babae sakin bago nag-bow. Nagwala naman ang mga nasa paligid at nagkantyawan.

Hindi ko pinansin ang mga nasa paligid at ang una kong tiningnan ay ang katabi kong si Maureen.

Medyo nakayuko ang ulo niya at nakita kong sobrang nakakuyom ang mga kamao niya na nakapatong sa hita niya.

Pero natapos iyon ng tumunghay siya at huminga ng malalim. Ibinuga niya ang hangin at nakitang nag-loose na yung kamay niya. Tumingin siya sa gawi ko at ngumiti ng labas yung malalim niyang dimples sa magkabilang pisngi. Actually, siya talaga ang may tunay na dimples sa 'ming dalawa. Yung akin lumalabas lang kapag ngumingiti ng ako ng totoo. At kay Maureen ko lang iyon ibibigay.

Lumapit yung babaeng may hawak ng mic sa pwesto ko. Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko habang nakangiti sakin.

Maganda siya...

Pero mas maganda ang girlfriend ko. At sa kanya lang ako forever!

****

Peach's POV

My Territorial QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon