MTQ 13

34.3K 761 61
                                        


****

(Titanium Hashford's car at the media!)

****

Bumaba ako sa isang Audi R8 black matte matapos akong pagbuksan ng girlfriend ko.

Sumunod siya sa 'kin ng pumunta ako sa gate namin. Bago ako pumasok at nagpaalam muna ako, "Bye, Titanium. See you. Salamat sa paghatid," Sabi ko bago ngumiti ng tipid.

Nanatili akong nakatayo sa harap ng gate namin, walang nagsasalita. Nakatingin lang siya sakin. "Ah-eh, sige. Pasok na ako," I smiled once again.

Tatalikod na sana ako ng hawakan niya ako sa braso at pinaharap muli sa kanya. Then, smacked my lips. Nakakarami na siya ngayong araw na 'to.

"Bye, babe." Babe?! Wala bang iba? Pudpod na 'yan, e.

Nagsalubong ng kaunti ang kilay ko. "'Wag mo 'kong tawaging babe. May pangalan ako!" Angil ko.

"But you're my girlfriend." Oo na! Girlfriend na niya ako!

"Kahit pandak itawag mo sakin, 'wag lang babe!" Ang corny kaya ng babe!

"Fine. Bye, pandak." Tatawa-tawa niyang sabi. Iniinis ako ng higanteng 'to!

Pinisil ko muna ang magkabila niyang pisngi, "Bye, higante!" Sigaw ko sa tenga niya bago panggigilan pa uli sandali ang pisngi niya. Ang flexible kasi. Ahaha.

Hindi na ako naghintay sa sasabihin niya at dali-dali akong pumasok sa gate namin. Sumigaw muna ako bago isara ang gate, "Ang pangit mo!"

"I love you, too!"

Shiz.

A-anedew? Tama ba yung narinig ko?!

"Uyy! Kinikilig ka na niyan?" Sigaw niya pa ulit. Shete, nang-asar pa! Paano niya nalamang kiniki--

"Che!"

Tuluyan na akong pumasok sa bahay namin. Umakyat ako papunta sa kwarto ko. Pagkapasok na pagkapasok pa lang ay ibinato ko ang bag ko sa mini-sofa at sumalampak sa kama.

What am I feeling? It's so strange...

Kumain ba 'ko ng kiti-kiti kaninang lunch?! Bakit parang may nagwawala sa bituka ko?! T^T

I flipped my self and stared at the ceiling.

Flashback

"Be my girlfriend."

ANO?!

"B-BAWAL!" Ang tangi kong naisagot. Mauupakan ako ni mama kapag nalaman niya!

She raised her eyebrow. "You'll do everything, remember? And I want you to be mine!"

Paano ba 'to? Kaya ko na bang makipag-relasyon?

Base sa hitsura at tono ng boses ni Titanium, seryoso siya sa mga sinasabi niya. I just can't imagine that a girl like her will have feelings for me.

Like, simple lang ako, mayaman siya. Ordinaryo lang ako, tinitingala siya. Inosente ako, MANYAK SIYA. Matalino ako, a-ano... maganda siya. Babae ako, babae rin siya! O diba?

Wala talagang pinipili ang love...

Napalitan ng malungkot na mukha ang itsura niya matapos kong hindi sumagot. Eh sa nag-iisip pa, eh! "I guess, you don't want to be with me. You will never like me back," she paused. Teary-eyed, she continued. "I guess you will never be mine..." Bakit ngayon ko lang nalaman na iyakin 'tong babaeng 'to?!

My Territorial QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon