MTQ 18

23.9K 520 16
                                    


****

^_^

****

"Okay, game!" Nanghahamon niyang sabi.

Nginitian ko siya ng nakakaloko bago ilagay ang hintuturo ko sa ilong ko. "Ilong, ilong, ilong..." Sinimulan niya ring pindot-pindutin ang ilong niya at halatang sobrang focused sa ginagawa. "...kilay!" Mabilis kong itinuro ang noo ko.

Lumampas naman ang daliri niya at sa noo rin siya tumuro.

Tinawanan ko siya. "HAHAHA! Wala! Talo ka pa rin!" Pang-aasar ko. Nag-pout naman siya at kinamot ang dulo ng kilay niya. Pwede ko bang yakapin ng sobrang higpit ang nilalang na ito?

"Dinadaya mo naman ako, eh."

"Oy, hindi kaya! Ang bano mo lang talagang maglaro!" Sabay belat ko.

"Sige nga! Patunayan mo. Kapag nanalo ka sa 'kin hindi ka na madaya," panghahamon niya sakin.

Confident akong ngumiti at tinanggap ang hamon niya. Magaling kaya ako sa ganito! Ako pa talaga napili niya, tsk, tsk. Baka malampaso siya! Hah!

Nagsimula na siya. "Nose, nose, nose..." Ay, ang havey ni ate maka-english. Okay! Kailangan doblehin ko ang pointing powers ko! Hwaiting! "...lips!" Tinuro niya ang mata niya, at dahil magaling ako tinuro ko yung lips ko. Sabi ko naman kasi sa inyo magaling ako sa ganito--

Sumabog yata lahat ng organs ko ng halikan ako ni Titanium. Sa lips. Matagal. Sakop. Pati daliri ko. Sagabal.

Hinawakan niya ang wrist ko at ibinaba iyon, dahilan upang masakop na niya talaga ng ubod ng lambot niyang labi sa pinakamalabot at matamis kong labi.

Okay na eh, dinagdagan pa.

Nakapikit siya kaya nadala na ako sa bugso ng aking damdamin at napapikit na rin. Okay! Dahil na rin sa sensasyong dulot ng mapanukso niyang labi kaya nadala na talaga 'ko.

Iba na 'yan. Nako.

Medyo nadisappoint ako--I mean, nagtaka ako ng unti-unti rin siyang humiwalay sa kiss namin at pinagdikit ang mga noo namin.

"Honest ka pala talaga sa sinabi mong magaling ka sa ganito..." tila nangse-seduce niyang bulong.

Agad akong nagmulat at tinampal siya sa pisngi, "Bakit ganyan boses mo?!" Singhal ko habang hinihimas yung braso ko na feeling ko ay tumaas ang balahibo.

"Anong meron sa boses ko?" Pout niya habang hinihimas naman ang pisngi niya. Ang bilis mamula ng balat ng babaeng 'to, eh.

Hindi ko siya sinagot at mabilis na inalis ang kamay niya sa pisngi at hinalikan ko ito ng makailang beses. "'Wag ka nang magreklamo, ah!" Pakunwaring pagtataray ko. Kahit ang totoo'y nahiya ako sa ginawa ko.

Pagkatapos mo ba namang tampalin, hahalikan mo tapos sasabihin mong 'wag magreklamo? Aanhin niya 'yang halik mo?

Maswerte siya dahil hinahalikan ko siya gamit ang precious lips ko! Dapat lang na hindi na siya magreklamo. Hmp! Bakit kasi naaakit ako, tss...

Napangiti naman siya habang iiling-iling. "Na-turned on ka ba, babe?" Ayan na naman siya boses niyang nang-aakit at nagtaas-baba pa 'yung kilay niya.

Bwisit!

"HEH! 'Wag mo 'kong ma-babe-babe diyan!"

Kung nagtataka kayo kung nasaan ako? Nandito pa rin sa bahay niya kuno. Si mama kasi! Nagtext ba naman na mag-stay daw muna 'ko dito kung hindi pa tapos 'yung project namin. Ayaw talaga muna 'kong pauwiin, eh. Mama talaga...

My Territorial QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon