MTQ 10

37.4K 983 140
                                        


****

May UD na naman si feeling author!

'Wag mag-expect sa chapter na ito. Hehe.

****

"...tapos maging alerto ka dapat! 'Wag kang basta-basta na lang lumalapit sa mga ganoong sasakyan. Paano na lang kung may nangyari sayong masama?! Paano kung hindi lang panghahalay ang abutin mo?! Saan ka pupulutin, ha?! Napaka-pabaya mo kasi!" Ang pangangaral sa akin ni GREY matapos malaman ang nangyari.

"Tama na 'yan, Grey. Alam na 'yan ng kakambal mo. Marunong siyang umintindi." Ang poker-faced na sabi ni mama kay Grey. Pa'no ba naman, inabot na kami ng siyam-siyam hindi pa rin natatapos sa kakadada 'tong si Grey. Daig pa si mama.

"Hindi 'ma, eh! Pagsabihan niyo dapat 'yang careless na 'yan! Tsk." Ang inis na tugon ni Grey.

"Kanina ko pa siya napagsabihan. Paulit-ulit ka." Mama.

"Sige na nga! Hoy, Maureen... 'wag mo na ulit gagawin 'yon ah! Kahit naman ikaw ang nawawalang kakambal ni Mawrene, hindi pa rin kumpleto ang buhay ko ng wala kang buset ka!" Ang makabagbag-damdaming litanya ni Mauricio. Natats telege eke.

"Opo. Patawarin niyo na po ako, lolo Mauricio. Hindi na po mauulit." Nag-teary-eyes pa ako bago ko siya halikan sa magkabilang pisngi. Bumaling naman ako kay mama. "Mama... sorry din po. Wala akong kasalanan! Sadyang napakaganda ko lang kasi kaya kahit babae ay pinagnanasaan ako." Naiiyak kong pahayag bago siya yakapin.

Binatukan naman ako ni mama na ikinakalas ko sa kanya. "Pinapatawad na kita. Sige na, magpahinga ka na at alam kong napagod TAYO sa pangaral ni lolo." Poker-fez pa rin si mama ng sabihin niya 'yon.

"Napag-usapan na natin ha, Peach, hindi ka muna papasok bukas." Dagdag pa niya.

Tumango na lamang ako bilang tugon.

****

Wala akong magawa!

Kanina pa 'kong umaga bagot na bagot dito sa bahay. 3:58 pm na pala, ang bilis ng oras.

Tinry kong maglibang sa PSP, pero wala talaga 'ko sa mood. Ang boring talaga! Dapat talaga pumasok na 'ko sa school! Okay na naman ako. Nasayang pa ang isang araw ko sa klase.

"'Ma! Pwede ba 'kong lumabas? Kahit diyan lang, oh. Nababagot na ako!" Sigaw ko kay mama na naglilista ng mga utang sa kusina.

"Sige, basta mag-iingat ka at 'wag kang lalayo! Bumalik ka kaagad, ah." Paalala ni mama.

"Opo!"

Lumabas ako at naglakad-lakad sandali, hanggang sa mapadpad ako sa park. Hapon na rin kaya medyo kaunti na lang ang mga tao.

Pumunta ako sa swing at umupo doon. Pinagmasdan ko ang mamula-mulang paligid dahil sa papalubog na araw.

Ini-swing ko ng kaunti ang sarili ko. "Bakit kaya lapitin ako ng babae? Hindi pa pwedeng lalaki naman?" Tanong ko sa kawalan. May mga suitors rin naman akong boys, kaso hindi sila pasok sa standards ko. Naks! Siyempre maganda ako, eh.

"O sige, 'yan oh. Nilalapitan na kita, pwede makipag-friends?" Ang narinig kong tanong ng katabi ko. Lalaki.

Nilingon ko ito at nadatnan siyang nakaupo rin sa katabi kong swing. Impernez, may maipagmamalaki. Hehe.

"Hello! Hindi kita napansin diyan, ah? At oo naman pwedeng makipag-friends basta hindi ka rapist." Ang tugon ko kay pogi. Pero mukha naman siyang mabait.

"HAHAHA! Hindi ako rapist, miss. So, friends na tayo, ah. I'm Marvin, by the way." At nilahad niya ang kamay niya sa akin.

"Call me Peach. Nice to meet you, Marvin... Gaye?" Biro ko bago tanggapin ang kamay niya.

My Territorial QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon