****
Hyper's POV
Gusto ko na ba talaga siya? Pero parang ang bilis naman. Hindi. Wala pang specific term dito sa nararamdaman ko...
That girl...
Tama po kayo. Babae po ang nagpapa-confuse sa nararamdaman ko ngayon. At siya rin ang nagpatunay na simpleng "paghanga" lamang ang nararamdaman ko para sa kaibigan kong si Peach.
Ang gulo.
Isang linggo pa lang kaming magkakilala. Pero eto ako ngayon, naguguluhan sa nararamdaman ko.
Na-meet ko siya sa mall nung nakaraang linggo. Actually, lumapit siya sakin nu'n para manghingi ng pera pang pamasahe.
Flashback
It's Sunday Grandeeee! Yay!
Kaso nga lang, ang boring dito sa bahay. Kahit ilang gadgets ang gamitin ko, sobrang boring pa rin. Hindi ko rin naman trip mag-swimming...
(A/N: Mayaman po si Hyper. Kaya nga siya nakapasok sa Hashford. Ksher~)
Okay! Aalis na lang ako. Kahit saan basta mawala ang bagot ko.
Kung pwede lang ayain si Peach na samahan ako. Meron naman akong ng digits niya pero... nahihiya ako. Baka busy pala, e. Ma-reject pa ako.
So... no choice at lalarga ako mag-isa kesa malugmok rito sa bahay.
Nagsuot lang ako ng simpleng v-neck fitted shirt na kulay itim, and maong shorts. Adidas rubber shoes na color white ang isinuot ko sa paa. Nag-light make up lang rin ako. And I'm good to go, larga!
Ewan. Gusto ko lang ng simpleng attire ngayon.
Time check, 1:06pm. Ang aga pa. Hmm... okay na 'yan.
Nag-paalam ako sa maid namin (nasa work kasi sina mom and dad kahit weekend), pati kay Cheese. Ang alaga kong pusa na color orange! May mga patches rin siyang darker ang pagka-orange.
Mukha siyang cheese kaya iyon ang pinangalan ko sa kanya. Hihi.
"Alis muna si mimi, ah? Nakakabagot dito sa bahay, e." Ang paalam ko kay Cheese bago haplusin ang ulo niya.
"Meow~" Ang sagot ni Cheese bago umirap. Joke.
"Opo. Uuwi ako ng maaga." Sagot ko sa pusa ko. I can understand her, anak ko kaya si Cheese.
Hinaplos ko pa sandali ang katawan ni Cheese bago umalis.
Hays. Ito ang hirap kapag walang kapatid!
****
Sa SM ko napagpasyahang maglakwatsa. Hindi rin naman naalis ang inip ko! Nakaka-boring kaya. Wala akong kasama, ey! Alangan mag-arcade ako MAG-ISA, manood ng sine MAG-ISA o kaya kumain MAG-ISA. Well, pwede naman pero kasi... mas masaya ang may kasama, kahit dalawa lang kayo. Kahit nga wala kayong pera, eh. At least you have each other. Naks!
Umupo muna ako sa bench dito sa loob. Uuwi na lang ako. Wala rin naman akong nabiling mga damit or other stuffs dahil marami pa akong ganun sa bahay. Yung iba nga hindi pa nagagamit.
Nanatili lang ako sandali para ipahinga ang paa ko mula sa paglalakad, at nang sa tingin ko ay ayos na naman ay tumayo na ako.
Pero pagtayong-pagtayo ko ay may isang ka-height ko ang nasa harap ko. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko!
Napanganga ako.
In fairness, ganda ni ate, ah.
Opo, babae po siya.
BINABASA MO ANG
My Territorial Queen
RomancePangarap ni Peach ang makapasok sa Hashford University. At nang magkaroon ng himala, tinanggap siya doon bilang scholar at nabuo na agad sa kanyang isipan ang mga magagandang bagay na mangyayari sa kanya sa loob ng eskwelahan. Malawak at puro mayaya...