MTQ 24

15.1K 422 32
                                        


*****

Isang buwan na akong hindi pumapasok sa eskwelahan. Kahit ilang pilit pa ni mama sa akin na pumasok ako at siya na ang bahala ay hindi ako sumusunod. Para saan pa? Wala lang ring papasok sa utak ko. Magiging ayos lang ako kapag gising na si Grey.

Sa loob ng isang buwan na yun ay hindi nawala sa tabi ko si Titanium. Pagkagaling niya sa HU ay didiretso na agad siya dito. Minsan naiisip ko na baka sobra na ang nararanasan niyang stress sa 'kin. Na baka pag dumating ang panahon ay magsawa rin siya. Pero kapag naiisip ko ang mga ganoong bagay ay iiling lang ako at kakapit sa pagmamahal niya sa akin.

May mga araw na bumibisita si Ate Scarlet. Humingi pa siya ng kapatawaran sa kapatid ko at sa akin, para sa ugaling ipinakita niya sa amin. Hindi na ako nagmatigas at tumango na lang. Sino ba ako para talikuran ang kapatid ko rin naman? Saka ito naman ang gusto ko. Ang magkaayos kami. Kahit gusto ko siyang sigawan na kung kailan nasa ganitong lagay si Grey saka niya lang mare-realize ang mali niya, ay tinanggap ko na lang siya.

Si papa naman ay tumatawag kay mama. Malamang hindi naman nun kayang umuwi para sa anak niya. Dapat hindi na lang siya nagpaparamdam, mas okay pa. Kesa sa ganyan, parang ipinapamukha pa niyang pangalawa lang kami sa kanya.

Nabi-bwisit lang ako.

Bigla na namang sumakit ang ulo ko. Mas makirot ito kesa sa mga nakaraang araw.

Pero nandito si Titanium. Ayokong maging problema. Kaya tiniis ko. Magtitiis ko para sa lahat. At titiisin hanggat kaya ko.

I clenched my jaws when pain shot through my nerves. Ito na naman yung feeling na parang puputok ang mga ugat ko. Parang may gumagapang sa utak ko at kinakagat nun lahat ang bawat madaanan. Makirot. Sobra.

Nanlabo ang mata ko, pero pinilit kong magmukhang normal at hindi inalis ang titig sa kapatid ko. Humigpit din ang hawak ko sa kamay niya. Gumising ka na, para maging okay na ang lahat.

Pakiramdam ko unti-unti akong nilalamon ng dilim. Pero nilabanan ko ito. Para sa kapatid ko. Dapat nandito ako kapag nagising siya. Pipilitin ko.

Naramdaman kong parang may gumalaw sa kamay ko. Halos nakalimutan ko ang pananakit ng ulo ko ang tumitig sa kamay ni Grey. Gumalaw yung kamay niya! Alam ko 'yon!

"G-Grey..." Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya.

Bumalik ulit ang tingin ko sa mukha niya at nanginig ang labi ko nang makitang mag-twitch ang mga nakapikit niyang mata. Agad akong napatayo. "GREY!"

"Maureen!" Napatayo rin agad si Titanium. Hindi ko na naintindihan ang sumunod niyang mga sinabi. Si mama ay napatakbo rin sa tabi namin. Nakapako lang ang atensyon ko sa kapatid ko na alam kong magigising na. Magigising na si Grey!

Naramdaman ko ulit ang pagpisil niya sa kamay ko at nakita ang unti-unting pagmulat ng mga mata niya. Hirap na hirap ang pagmulat ang mata niya pero masaya ako. Masaya akong nagising na siya.

Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata kong nanlalabo. Doon lang. Doon lang ulit ako nakahinga. Doon ko lang naramdaman ulit ang lahat. Sapat nang makita kitang buhay, Grey. Okay na ako. Okay na...

Hindi ko na kinaya ang kirot sa ulo ko at hinayaang kainin ako ng dilim.

****

Titanium's POV

Nakatitig lang ako ngayon sa natutulog na si Maureen. Nakahiga siya ngayon sa isang hospital bed. Pagkatapos magising ni Grey ay bigla na lang siyang bumagsak sa tabi ko. Mabuti na lang at nasalo ko kaagad siya.

Ang laki ng ipinagbago ng mukha niya. Hindi na siya yung medyo chubby yung pisngi at pangangatawan. Namayat talaga siya. Lumalim at umitim rin ang paligid ng mata niya. Pero kahit ganoon, napaka-peaceful niyang pagmasdan ngayon. Siya pa rin iyong Maureen na hindi mawawala sa buong pagkatao ko. Mahal na mahal ko ang pandak na 'to.

Napatawa ako ng mahina sa naisip.

Nami-miss ko na siya. Yung mga kulitan at asaran namin. Yung mga kurot niya. Mga pamatay niyang tingin. Yung malalim niyang dimples kapag ngumingiti. Yung boses niyang masigla. Mga yakap at halik niya...

Kinagat ko ang ibaba kong labi at kumunot ang noo dahil sa nagbabantang luha. "I miss you..." Mahina kong bulong sa hangin. "So damn much." My voice cracked. I wiped my tears using my handkerchief at tumitig ulit sa mukha niya. "Kapag nagising ka, susugurin kita ng matinding... bear-hug at kiss!" Pasigaw kong bulong at kiniss siya sa ilong at noo.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si tita Shiera (mama ni Maureen). Ngumiti ako sa kanya ng tipid na sinuklian niya rin. Lumapit siya sa kama ni Maureen at nagpakawala ng mahinang buntong-hininga. "Tita, kamusta po si Grey?" Tanong ko.

"Ayun. Maayos na ang lagay niya, salamat sa Diyos. Kaso kailangan siyang pigilan ng mga nurse dun nung bigla siyang umiyak at nagwala."

"Po? Ano pong nangyari?" Gulat at taka kong tanong.

"Sigaw siya ng sigaw ng pangalan. Iyong batang si Marvin, hinahanap niya. Nahihirapan nga akong makitang ganoon ang anak ko. Pero sobra akong nagpapasalamat na okay na siya..." Pahayag niya.

Ngumiti lang ako para ipakitang masaya rin ako para sa anak niya.

"Pero Titanium, anak, salamat sa 'yo ha." Sabay hawak ni tita sa kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng kama.

Agad akong napatingin kay tita, nakangiti siya sa akin ngayon at punong-puno ng sinseridad ang mga mata niya. "Hindi ko po alam kung anong ginawa ko para pasalamatan niyo ako pero wala po yun. Basta para kay Maureen."

Naputol ang pag-uusap namin ni tita ng makarinig kami ng ungol mula kay Maureen. Agad namin siyang dinaluhan at hinintay siyang magising.

Hirap niyang binuksan ang mga mata at kumurap-kurap. Kumunot ang noo niya at tumingin sa direksyon namin. Kumurap-kurap ulit ito at naniningkit pa rin ang mata. Bakit parang may mali?

Nawala ang sabik kong ngiti nang magsalita siya. "Mama... ikaw ba yan? Sino 'yang kasama mo? Sino kayo? Bakit ang... bakit hindi ko kayo makilala? Bakit ang labo ng mga mukha niyo?" Tumulo ang luha ko nang itaas niya ang braso niya para abutin ang mukha ko, pero hindi niya nagawa. Ano na naman 'to?

Napasinghap si tita at napatakip sa bibig niya. Puno na rin ng luha ang mga mata niya. "Peach, anak..."

Inilapit ko ang kamay ko sa harap ng mata ni Maureen. Iwinagayway ko iyon ng ilang beses.

Pero hindi man lang siya kumurap o pumikit man lang.

Nanghihina kong ibinagsak ang kamay ko at hinayaang tumulo ang luha ko. Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko sa nangyayari kay Maureen ngayon. Naghi-histerikal na ngayon si tita pero wala akong ginawa kundi tumayo lang at umiyak, pinagmamasdang tumingin sa kawalan ang babaeng mahal ko.

"Ms. Soriano?" Tawag-pansin ng sa tingin ko'y doctor.

Pero hindi ako lumingon at umupo lang sa tabi ni Maureen. I reached for her face and caressed it. Parang pa-ulit-ulit na pinupukpok ang puso ko nang hindi ko makita yung dating pagmamahal at saya sa mga mata kapag natiningin siya sa 'kin. Nawala na yung ningning sa mata niya.

It's me, Maureen. Please...

"...she was diagnosed to have a meningioma brain tumor, arising near the top curve of her brain. Headache and weakness in an arm or leg are the most common symptoms. However, seizures, personality changes, and/or visual problems may also occur..."






































I inhaled slowly, trying to suppress my tears, and exhaled. I shut my eyes closed. This can't be true.

*****

</3

HUWAG NIYO AKONG SUSUGURIN PARANG AWA.

Masakit rin para sa 'kin ang mga nangyayari. Ouch. Huhu. Magiging okay pa ba ang lahat?

Alamin natin 'yan sa mga natitirang chapters ng My Territorial Queen! Malapit nang mag-The End, mga besh. Niiyak cii aq.

Please stay tuned! Loveyouall.

#tumor </3

My Territorial QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon