MTQ 30

21.9K 579 58
                                        


*****

"Yes! Yes! Woooh!" Nagsusuntok ako sa hangin at napagulong-gulong sa kama. Nagkikisay pa ko sa kama habang nakangiti ng malaki. Sumigaw pa nga ako sa unan ko.

July 16 ng 6 P.M. ng gabi ay may natanggap akong text mula sa isang unknown number. Siyempre alam niyo naman ibig sabihin nun, tanggap na ako! Woot!

Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ganito ako kasaya?! Para akong teenager na nakatanggap ng text sa crush ko, e! Ah, basta ang saya ko!

Binuksan ko ulit ang message sa ika-walong beses at binasa ulit ito kahit saulo ko na:

'Welcome to Hashford University, Ms. Maureen! You can start tomorrow. This is your schedule:

Gr. 10 Zirconium - 8:00-9:00
Gr. 10 Tantalum - 9:00-10:00
B R E A K - 10:00-10:30
Gr. 10 Tellurium -10:30-11:30
L U N C H - 11:30-12:00
Gr. 10 Strontium -12:00-1:00
Gr. 10 Magnesium - 1:00-2:00
Gr. 10 Xenon - 2:00-3:00
Gr. 10 Hafnium - 3:00-4:00

Goodluck! :*'

-Titanium Hashford

Hindi ko naman talaga masyadong binigyang pansin yung sched ko, ang pinakangnagustuhan kong part sa message niya ay yung goodluck sa huli. YUNG GOODLUCK LANG!

Eeeeh!

*****

Titanium's POV

What the heck. I sent it! I freakin' sent it! To her!

Bakit ko napindot yung send?! Nooo! Hindi ko pa nabubura yung... yung! Yung kiss emoticon. BAKIT KASI NILAGYAN KO N'ON?!

Napahilamos ako sa mukha ko at sumalampak sa kama. Nice try, Titanium.

I flipped myself up and stared at the ceiling. She can't recognize me. She don't remember me anymore.

I guess... that's for the better.

But I can't ignore the fact that I've missed her so damn much. And she's so gorgeous!

*****

Peach's POV

July 17, first day ko sa klase ay gumising agad ako ng maaga. I wore some nice collared shirt and jeans since wala pa naman akong uniform.

I ate my breakfast with my family and I'm ready to go!

Pagpasok ng kotse ko sa Hashford University ay sumalubong agad sa 'kin ang mga estudyante nito na nasa labas. Medyo maaga pa kasi at hindi pa natunog ang bell.

Siyempre pumunta ako sa unang klase ko, and introduced myself. Mababait naman ang mga estudyante dito kaya hindi muna ako nagklase at sinagot ang mga tanong nila sa 'kin. Naging estudyante rin naman ako, at alam kong araw-araw ay humahanap sila ng paraan para hindi makapag-lesson ang teacher. Unang araw ko pa lang naman kaya pinagbigyan ko na.

Nakasalubong ko pa si Hyper na sinabayan ako for lunch. Nagkwentuhan here and there and balik ulit sa klase.

Mabilis lumipas ang oras hanggang sa hindi ko namalayan na tapos na ang klase ko sa buong araw. Pinanood kong magsilabasan ang mga estudyante habang inaayos ko ang mga gamit ko. Nandito ako sa huling section sa sched ko, Hafnium.

Hindi ko alam kung bakit sobrang familiar sa 'kin ng section na 'to.

Ako na lang mag-isa sa silid kaya napagpasyahan kong lumabas na. Naalala ko naman na kailangan ko ng uniform kaya imbis na pumunta ng parking lot ay dumiretso ako sa building kung nasaan ang headmaster's office.

My Territorial QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon