****Kinabukasan...
Friday. Kahit last day na ito ng week ay papasok pa rin ako. Sayang naman diba?
Nag-ayos at naghanda na ako para pumasok.
Paglabas ko ng bahay ay may magarang kotseng na naman akong nakitang nakaparada. Hindi ko na sana ito papansinin at aalis na ng tawagin ako ng isang pamilyar na boses. "Wait, Maureen!"
Bukod kay Grey ay siya lang ang tumatawag sakin sa second name ko. Lumingon ako sa likod para makumpirma kung tama ang hinala ko. And tama, si Titanium nga. Nakadungaw sa bintana ng kotse niya.
Lumapit ako at yumuko para magpantay ang mukha namin sa bintana. "Anong ginagawa mo dito? Hindi ka ba papasok?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.
"Duh. Sinusundo kita. Hop in." Utos niya. What will you expect? Eh napaka-bossy niyan, eh.
"Nag-abala ka pa. 'Wag na! Mura lang naman pamasahe at malapit lang naman ang school. Baka madumihan ko pa 'yang kotse mo." Sabi ko.
"No! Simula ngayon, araw-araw na kitang susunduin. Para safe ka na lagi."
"Hala, grabe naman! Araw-araw talaga? Okay lang talaga. Sige ah." Saka hindi ako safe sayo 'no. Joooke!
Pero bago ko pa maihakbang ang paa ko ay nakalabas na pala siya at hinablot ako sa braso. Hinila niya ako at sapilitang ipinasok sa makintab na itim niyang kotse. Napa-irap na lang ako ng bongga.
Hindi na ako nagprotesta dahil nga wala akong palag sa kanya. Oo na, ako na walang palag! Huhu.
"Arte neto, ikaw pa nga lang pinapasakay ko sa baby Audi ko." Aniya habang iniistart ang makina. May pa-baby-baby Audi pang nalalaman. Ugh.
"Oh, e kung ganun pala bakit mo pa 'ko sinusundo? Mukhang napipilitan ka lang namang pasakayin ako dito sa BABY Audi mo eh." Sabay irap ko to the highest level. Wow nakita ko utak ko, color black.
'Lul!' Sincerely, utak.
Napalingon naman agad sa gawi ko si Titanium at saka nag-smirk ng nakakaloko. "Nagseselos ka kay baby Aud?" May pataas-taas pa ng kilay. J*rk. Ako? The great Peach Soriano, magseselos sa isang kotse? Hindi ako ganun kababaw!
"Ako? Magseselos? Saan, dito sa kotse mo?" I faked a laugh. "Tara na nga! Male-late na tayo eh, kanina pa tayo nakatanga rito." Sabi ko rito at tumingin sa labas ng bintana.
"Nagseselos ang girlfriend ko~" Kumanta pa ang loko.
Tumingin ulit ako sa kanya at tumawa ako ng malakas. "Pfft~ HAHAHAHA!"
Kumunot naman ang noo niya. "Why?" She asked.
"Ang pangit kasi ng boses mo! HAHAHAHA!" Tumatawa ko pa ring sabi at nakahawak pa sa tiyan ko. Actually, gusto ko lang siyang asarin.
"What did you say?" Biglang lumamig ang boses niya. Uh-oh!
"Sabi ko ang pangit ng boses mo." I honestly said. Tapat po sa inyo. Hehe. Hindi ako papasindak sa mga titig niyang 'yan! Hah!
Sa sobrang bilis ng pangyayari hindi ko alam kung paano niya ako naikulong sa mga bisig niya. Inilapit niya ang mukha niya hanggang sa maramdaman ko na ang hininga niya sa pisngi ko. Shet, kabahan ka na Peach! Ginalit mo ang halimaw.
"Hindi mo ba alam na maraming nahuhulog sa angelic voice ko...? Hm...?" Bulong niya na nagpataas ng balahibo ko.
Oo nga, angelic nga ang boses niya. Ang sinasabi ko pangit ang boses niya kapag kumanta. "Pangit naman talaga... bo-boses mo, e-eh..." Nautal ako sa last part dahil tinitigan niya ako ng mariin at inilapit pa lalo ang sarili sakin. Shet, shet!

BINABASA MO ANG
My Territorial Queen
RomancePangarap ni Peach ang makapasok sa Hashford University. At nang magkaroon ng himala, tinanggap siya doon bilang scholar at nabuo na agad sa kanyang isipan ang mga magagandang bagay na mangyayari sa kanya sa loob ng eskwelahan. Malawak at puro mayaya...