****"Bye, Grey!" Saka ko siya hinalikan ng matunog sa pisngi.
"Bye, Peach." Ngiti niya. Wala man lang kiss sa pisngi.
*tsup*
"Iiyak ka na eh. Sige na, alis! Layas!" Pagtataboy niya sakin.
Ngingiti-ngiti akong sumakay ng tricycle.
****
"Peach!" Sigaw niya sa pangalan ko.
Lumingon ako sandali sa likod ko at nakita ang isang babaeng patakbong lumapit sakin.
Ah, si friend pala.
"Hyper, good morning!" Bati ko sa kanya.
"Good morning rin!" Humalik siya sa pisngi ko. Pansin ko lang nagiging clingy si Hyper. Pero siguro friendly lang talaga siya.
Nginitian ko lang siya at nagsabay na kami papuntang room.
Pagdating sa room...
Umupo na ako sa seat ko, pero napansin kong wala pa ang katabi ko. Saan naman kaya nagpunta 'yun? Sabagay... baka na-triphan niyang um-absent.
Pero sana hindi siya lumiban.
Ano... kasi siyempre, n-nasanay na kong nandyan siya eh. Saka concerned lang naman ako sa kanya! 'Yun lang 'yon.
2 hours and a half later...
May nagbukas ng pinto.
"Oh, why are you late? Miss Hash--"
"None of your business." Putol ni Hashford sa sasabihin ni ma'am at nagtuloy-tuloy papunta sa pwesto niya at umupo sa tabi ko.
Hindi na lang pumatol si Ma'am Mulan, at nagpatuloy na sa itinuturo niya.
Napansin kong sumulyap muna sakin sandali si Ma'am, at kumindat. Huh?
Nakita kong may pinilas na page sa notebook niya si Hashford at ni-crumple ito. Tinapon niya ito sa sahig ng may inis. 'Nyare?
Hindi ko na lang pinansin, baka ako pa pagbuntungan ng inis niyan, eh.
Lunch time at nagsimula ng lumabas ang mga kaklase ko para gawin ang mga gusto nilang gawin.
Nakita kong nakatungo lang si Hashford sa desk niya, kaya naman napagpasyahan kong gisingin na siya. Baka hindi siya makakain ng lunch.
"Hashford, gising. Hoy, Hashford!" Yugyog ko sa kanya.
Nakailang gising pa ako sa kanya pero hindi man lang siya gumalaw.
Napansin ko naman yung papel na tinapon niya kanina. Pinulot ko iyon at binuksan mula sa pagkakalukot.
'Yung portrait ko. Bakit naman kaya niya itinapon? Ang ganda ko pa naman dito.
Teka, may nakasulat...
MALANDI KA! Naka-red ballpen pa. Ouch naman. Hindi naman ako malandi, maganda lang.
Nilukot ko ulit ang papel at inilagay sa pwesto nito kanina. Tinitigan ko muna si Hashford ng may sama ng loob, bago siya ginising ulit. Kahit papaano, concerned naman ako dito sa halimaw na 'to. Baka ako pa sisihin niyan na hindi ko siya ginising.
"Pabayaan mo na muna, Peach. Ibili mo na lang siya ng lunch sa cafeteria para sa kanya, pagbalik mo ibigay mo na lang. Tulog-mantika yata 'yan." Suggest ni Hyper na as usual, nakatayo sa tapat namin at hinihintay ako.
Nag-sigh ako. "Sige, gutom na rin ako eh."
Palabas na kami ng silid ng tawagin kami ni ma'am. "Wait!" Tawag-pansin niya.

BINABASA MO ANG
My Territorial Queen
RomancePangarap ni Peach ang makapasok sa Hashford University. At nang magkaroon ng himala, tinanggap siya doon bilang scholar at nabuo na agad sa kanyang isipan ang mga magagandang bagay na mangyayari sa kanya sa loob ng eskwelahan. Malawak at puro mayaya...