Ang Titser

83 2 3
                                    


ninja moves. para akong anak ni jackie chan nito. takbuhang


umaatikabo na naman makasakay lang ng jeep papuntang stop and shop.


ako si HERA. maganda ang pangalan. pero hanggang pangalan lang. o alam


nyo nyo na. wag na magtanong. anyway highway...dahil takbuhang


umaatikabo nga ito, malamang hindi ako nakasakay. ang bigat ko kasi


eh. pero hindi naman ako balyena o dabiana. mga limang jeep bago ako


nakasakay. langya. kapitbahay pa namin to. si manong johnny. ?



"ine, pawis na pawis ka. kanina ka pa ba naghihintay sa sakayan?"



"opo manong. rush hour na po kasi. " sabay punas ng pawis ko.


"o sige hayaan mo ine. bukas aagahan ko na lang pumasada para maisakay kita."



"ay salamat po. the best po talaga kayo manong johnny.!"



" gusto ko happy ka." hala, juan ponce enrile?



+++

++++

pabalik na ako sa classroom. kinakabahan ako. eto na. foreign


languages ang next class ko dito yung may thesis kami. at mahihiwalay


ako sa grupo. pagpasok ko sa classroom, ayan na naman ang mga matang


mapanuri. at kahit hindi sila magsalita, alam kong nilalait nila ako.


dumating na ang prof.



" okay class, group yourselves. each group will consist of three


members. this will be your groupings in thesis. "



naku naman si sir talaga. alam namang 22 lang kami eh. solo na naman ako nito.



"ms. castroverde, i have a good news for you. mr. inigo just dropped


my class, 21 na lang kayo. gumrupo ka na dun sa 2 lang ang member."



lihim akong natuwa. pero hindi natuwa yung mgiging kagrupo ko na sina


margarette Reyes at enzo Santos. enzo raised his hand.



"sir, with due respect we don't need another teammate. we can do our


thesis even if we're just two. ryt babe?" Nilingon nya ang girlfriend


.



"oo nga naman sir. isa pa, ayaw namin ng kgrupong pwedeng isabak sa


BEAST WARS. " sabi ni margarette.




yumuko ako dahil tawanang umaatikabo at palakpakan ang mga kaklase ko.


hindi na dapat ako nasasaktan pero it's so humiliating. lalo pa't


crush ko si enzo. dahil nacarried away na ang lahat, pinagbabato nila


ako ng crumbled paper. si sir nakatingin lang. sige pa rin ang mga


lumilipad na papel. tumigil lang ito ng tumayo si sir.



"guys, keep it down!!! enough of that. sige na tutal may grupo na


kau, you may go see you on wednesday."



isa isang lumabas ang mga classmate ko. wla na sila ng lapitan ako ni sir.



" nagpapahid ka pa rin ng luha ms. castroverde?"



" ay sir, pasensya na po. hindi ko lang po napigilang maluha. "


habang pinupunasan ko ang luha ko ay may inabot si sir sakin. panyo.



" don't get me wrong ms. castroverde. pero crying is so stupid.


iniiyakan mo yung mga walang kwentang pambubully sayo? college ka na.


matured ka na dapat. masakit ang katotohanan. hindi natin mababago


ang katotohanang pangit ka kaya ka tinutukso ng mga kaklase mo. you


should know how to accept the truth. at hindi pag iyak iyak mo ang


tamang attitude dyan. you should be STRONG. tawanan mo lang sila.


dahil kahit ano pang sabihin nila, MAGANDA KA SA PANINGIN NG DIYOS at


sa mga taong totoong nakakakilala sayo.



those words hit my nerve. oo masakit ang katotohanan.pero totoo naman


din ako sa paningin ng diyos pati ng mga frends ko. automatic na


tumigil ang luha ko.



"yan. mas bagay sayo pag nakangiti ka. " hindi ko na namalayang


napapangiti na pala ako.



"ops ops ops! wag masyado ngumiti at kita ang gilagid mo!" sabay tawa ni sir.



"sir naman, preno preno din pag may time."



"preno? totoo lang ang sinasabi ko sayo. kahit saan tau makarating


pangit ka pa rin. pangit ang panlabas na anyo. pero hija naniniwala


ka ba sa karma? good at bad. pamilyar ka naman siguro sa SNAKES AND


LADDERS iha. malamang naglalaro ka nun nung bata ka pa. "



"opo. "



"ang buhay ay parang snakes and ladder. pag mabuti ang ginawa, may


hagdang iaangat ka. pag masama naman, may ahas na hihila sau pababa.


"



malalim din mag isip to si sir eh noh. may hugot


"hindi ako naaawa sau ms.castroverde. pero may bad karma na agad


sila. kung mga anak ko yung bumato ng papel sayo, sininturon ko na


sila. eh kaso hindi ko sila mga anak. kaya sa grades ko na lang sila


didisiplinahin. kasama ang good manners and right conduct sa lahat ng


larangan iha . lalo pag nagttrabaho ka na. kahit gaano kasipag, kung


masama ang ugali wala pa ring mrarating. "



bago pa kami marinig ni papa dudut sa brgy love stories, nagpaalam nako.



"salamat sir. sige po may next class pa po ako ."



"iha ilang taon ka na ba? "



"19 po. bakit po sir?"



"ah ganun ba? kasing edad mo yung anak ko. kaso mga ilang taon na rin


syang nawawala. malapit na nga pala birthday nya. october 15. "



"sabay pala kami ng birthday sir. ay, may assignment pa po pala ako


sir. sige po."



nahulog sa malalim na pag iisip si prof. julio alvarez. ....her last


name. castroverde. it reminds me of someone.


Guilty ang PANGET!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon