The most awaited tour

16 0 1
                                    

Maaga pa lang ay naka-ready na ang magbestie. Nag-almusal muna sila at


nag-grab taxi na lang. 5:30 am ay nasa gate na sila ng P.U.P. At dahil


nasa pilipinas tayo syempre umiiral ang Pilipino time. Silang dalawa


lang ang dumating sa calltime.



Sumampa na sila sa bus para makapili ng maayos na pwesto. Umupo sila


sa bandang gitna. Pinauna na nya umupo si Hera. Nilagay nya ang mga


bagpack nila sa compartment ng bus.



"Tara mag-open na tayo ng chichirya. "



Kinuha nito ang isang malaking can ng Pringles at dalawang c2 apple.



"Hindi pa nga nag-uumpisa ang biyahe kumakain na agad tayo."


"Don't worry marami yan. We'll never run out of stock. May mga


tinapay din akong binili para hindi ka maumay. May chocolates din."



"Talaga? asan?" Naexcite si Hera sa chocolates.


"Mamaya mo na kunin at baka maghingian ang mga kaklase natin."


"Oo nga. Pero maaga pa. Parang gusto ko ng french fries. Sandali bababa ako."


"Wag na bestie. Magpa-deliver na lang tayo. "



Nag-dial sya sa phone nya. Maya-maya ay nagsisidatingan na yung mga


kaklase nila. After 30 minutes ay dumating ang order nila. Binayaran


naman ito agad ni Yuan. Nakita ito ng mga kaklase nila at naghingian.


"Excuse me, wala ba kayong mga baon?"



Natawa naman si Hera. Pahiya ang mga buraot.



"Bestie. Ito na fries mo. Umorder din ako ng 2 pc chicken kung


sakaling magutom tayo sa byahe. "


"Bestie remind lang kita 2 hrs ang byahe papuntang Laguna kasama na


traffic. Hinay hinay lang."


"Keri lang yan. Share tayo sa fries." He opened the catsup sachet by his teeth.



"Iisa ang catsup?"


"Oo. Wala na sa paper bag eh. Tirhan mo na lang ako "


"O sige hati na lang tayo."



Nawala sa loob nya, sinipsip ni Hera ang catsup.



"Ay sorry bestie. Nalawayan ko. Akin na lang to."


"Ano ka, share tayo jan."


"Bahala ka mahahawa ka sa rabies ko. "


"Baka ikaw. haha"



Natawa na lang sya. Masaya talaga kasama si Yuan. Kain lang sila ng


kain ng fries.



"Penge akong catsup." Inabot nya ito kay Yuan. Walang kiemeng


sinipsip ito ng mokong.



Indirect kiss. Erase erase. Hindi naman siguro ganun ang iniisip ni Yuan.



Hindi nya lang alam na tuwang tuwa si Yuan sa indirect kiss nila.


Parang high school student lang. Sabagay. Iisa pa lang naman ang

Guilty ang PANGET!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon