Ang sikreto ni Yuan Lee

20 0 2
                                    

Lumabas ako ng kwarto para tingnan kung okay lang si casey sa sala.
siguro nagtataka kayo kung bakit hindi ko sya tinatawag na hera o
panget tulad ng napagkasunduan namin. mas maganda kasi pakinggan ang
casey eh.
marahil ay nagtataka rin kayo kung bakit sa sala ko pinatulog si
casey. sa ibang wattpad stories ay sa kwarto pinapatulog ng guy ang
girl, pwes ibahin nyo ko. hindi ako matutulog sa sofa. malikot ako
matulog at malamang ay mahuhulog lang ako sa sahig. may comforter
naman sya. payapa syang natutulog. mukha naman syang okay. mahimbing
ang tulog. may panis na laway pa nga iww..
dahil dyan, sisimulan ko ang PAMATAY na description kay casey.
malapad ang noo
makapal at kalat-kalat ang kilay
maliit lang sya. parang kinder. 4'10
hindi sya pango pero malaki ang butas ng kanyang ilong, wla rin pala
syang nose bridge....
simpleng simple ang mga mata nya. dark brown pero round

kung meron ka mang hahangaan sa kanya ay  ang mga sumusunod
long and thick lashes
her straight long black hair,  fit for a shampoo commercial
her prominent cheekbones making her so powerful.
makapal din ang labi parang kay anne curtis


retoke lang ng ilong at siguradong magiging super ganda ng bff ko.
oo. atin- atin lang ito. crush ko si casey. crush ko ang bff ko. lalo
pa'kong nagkagusto sa kanya dahil sa libro nya. hindi ko alam kung sya
lang ba ang nagsulat nun dahil parang original manuscript ng noli me
tangere ang font. eksaktong eksakto. pangalan ko talaga ang nakasulat
sa kwento.
YUAN LEE VILLAREAL. destiny na kaya ito.? at ang bida dun, parang si
casey. ako daw ang knight in shining armor nya. sana bff na kami
forever. although hindi ko gusto ang itinakbo ng istorya. natapos ko
din ito. at hindi ko naintindihan kung bakit ganun ang ending. parang
bitin. parang hindi tapos. ay ewan.
habang tinitingnan ko si casey ay hindi ko napigilang ngumiti nang
makita kong bumuka ang bibig nya. ang sexy tingnan. nakita kong inunan
nya ang makapal na libro.
"Christopher...."
nagulat ako ng magsalita si casey.
Christopher.... sounds familiar. sa libro, may Christopher dun.
yung,,,, foreigner. kinuha ko ang libro sa ulunan nya dahilan para
magising ito.

"ba-bakit mo inalis yung unan ko?"
"kunin mo na yung isa ko pang unan sa kwarto. wag mo nang iuunan 'to
please lang. nag-sleeptalk ka."
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||


Guilty ang PANGET!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon