One week na lang at graduation ko na. Nandito ako sa Mansiyon ni Mr. Veloso. Biyudo na pala sya. Yung solong anak nya ay si Kuya Malcohm. Mabait ito sa'kin dahil palagi raw akong kinukwento ng daddy nya. Napakabait ng mag-amang ito. Ayaw nga ni Mr. Veloso ang tawag ko sa kanya. Gusto nya, tito Stan.
"Bukas na aalisin ng tuluyan ang mga benda mo. Excited ka na ba Hera?" Tanong ni Kuya Malcohm sa'kin.
"Gusto ko lang maalis to. Feeling ko kasi isa na'kong mummy eh."
"Hahaha. Ibang klase ka talaga. Ako nga excited eh. Kasi ultimate crush ko yung pinaggayahan ng mukha mo. "
"Naku kuya Malcohm hihiramin ko lang ang mukha nya. "
"Hindi mo ba alam na maraming koneksyon sa tv network si daddy. Pwede mo ngang agawan ng career yung idol mo eh"
"Hindi naman ako ganun."
"Ibig kong sabihin, pwede mong makasama yung ka-love team nya . Pwede mong masolo. Sobrang gwapo raw nun sa personal."
"Oo nga ano."
"See. Edi na-excite ka rin."
Kinabukasan ay inalis na nga ang benda sa mukha nya. Binigyan sya ng tito Stan nya ng Malaking salamin para makita nya ang sarili.
"Wow! Ako ba talaga toh?"
"You like it?"
"I love it!! Thank you tito Stan!"
"You're welcome Hija."
"Eh papano nga po pala yun eh graduation ko na po next week. Baka hindi ipaabot sa'kin ang diploma ko. "
"Naisip ko na yan hija. Kaya tinawagan ko na yung ORIHINAL NA MAY-ARI ng mukhang yan. I told her that you're life is in danger kaya itinago kita gamit ang mukha nya. Naintindihan naman nya. Kaya ang plano ay pupunta ka sa graduation mo. You have to pretend to be HER. Fan ka nya di ba? I know you can imitate her."
"Sige po. Para sa graduation. Mabait talaga yung idol ko."
"Think again. Nung nalaman nyang may kamukha na naman sya eh nagsisigaw sa phone. Pero naintindihan naman nya ang kalagayan mo kaya pumayag na rin sya. Pero nag request sya na baguhin yung mukha mo dahil daw baka maagaw mo yung Ka-loveteam nya."
May naalala sya. Isang taong pilit na nyang kinakalimutan.
"Hindi ko po gagawin yun. fan po nila ako tito Stan."
"I know. O sya magpahinga ka muna. Dadating dito yung stylist at Make up artist. Bibigyan ka na rin daw ng ilan sa mga wardrobe ng idol mo"
"Thank you po. For making this possible. Sana makapag-thank you rin po ako kay sa KANYA."
"Magkikita rin kayo. "
BINABASA MO ANG
Guilty ang PANGET!!!
RandomPaano nga ba Mabuhay ang isang panget? Yung solo lang. Hindi pinapansin. Ibahin mo si Hera Casey Castroverde. Dahil mula nang makuha nya ang libro ay dumating ang lalakeng una nyang minahal. Si Yuan Lee Villarreal. Mayaman at doppelganger ni Dani...