Umupo sila sa damuhan.
"bestie salamat kanina ha. Mabuti na lang at dumating ka."
"Wala yun. Hindi ko hahayaang saktan ka nila."
"Alam mo, nagpapasalamat ako sa diyos na kahit nawala ang lola ko,
dumating ka naman para protektahan ako. Buong buhay ko puro panlalait
ang natatanggap ko. Kahit mga kamag-anak ko. " Hindi nya namalayan
na naiiyak na pala sya.
"Sorry ha, ang hirap lang ng araw araw hindi sila napagod mang-inis.
Ang perfect nila lahat eh. Pinagdarasal ko lang na sana isang araw,
gumanda naman ako. Para hindi na nila ako kutyain. Ikaw nga lang
yung naging kaibigan ko eh. Wag tayong mag-aaway ha wala na'kong
makikitang tulad mo. "
"Oo naman. Nag-iisa lang ako. At gagawin ko lahat para sa kaibigan ko."
"Salamat. Kung may isang bagay man akong ipapakiusap sa'yo bestie,
iyon ay wag mokong iwan hanggang hindi pa'ko nakakapag trabaho. Hindi
ko alam kung saan pa'ko pupulutin."
Hindi naman talaga kita iiwan, natatakot nga akong isang araw ay iwan
mo na lang ako pag kaya mo nang tumayo sa iyong sariling mga paa.
"Lika nga dito. " Niyakap nya si Hera. Hindi naman ito tumutol.
"Mukhang sa lola ka lang talaga close ha."
"oo. sya lang ang kakampi ko. maagang nawala ang mama ko eh. Yung
papa ko naman hindi ko nakilala."
"I'm sorry to hear that."
"Eh ikaw bakit nga ba iniwan mo ang parents mo. Dahil lang ba kay Jerry?"
"Hindi lang naman dahil sa kanya. Promise mo magkaibigan pa rin tayo
after ko magkwento."
"Promise. " itinaas pa nya ang kanang kamay nya.
"Gangster ako noon. Sampu kami sa gang. Ako ang pinakabata. Fifteen
lang ako nung magstart. Tinuruan nila ako ng away kalye pati alak at
sigarilyo. Nagva-vandals, nanggugulo sa bar at nagte- trespassing
kami. Napaaway kami ilang buwan bago ako lumuwas ng maynila. Mula
noon, nagkaroon na'ko ng trust issues."
"Bakit? Ano bang nangyari?" Nagugulat man ay na-curious pa rin sya.
"Nung huling gulong napasok namin, may rumesponde agad na pulis.
Iniwan nila akong lahat dun. Hindi ko lang matanggap ay ang nalaman
ko mula na rin sa mga bibig nila."
Brad, pano tong si Yuan
Hayaan nyo na yang lampang yan sasabit pa tayo dyan eh
Haha akala nya pag sumali sya sa gang magiging cool na sya.
Ang hindi nya alam, mapapahamak lang sya. Gaya ng kuya nyang sinalvage natin.
Ang kuya Randell.....naisip nya.
BINABASA MO ANG
Guilty ang PANGET!!!
AléatoirePaano nga ba Mabuhay ang isang panget? Yung solo lang. Hindi pinapansin. Ibahin mo si Hera Casey Castroverde. Dahil mula nang makuha nya ang libro ay dumating ang lalakeng una nyang minahal. Si Yuan Lee Villarreal. Mayaman at doppelganger ni Dani...