Kinuha nya ang cellphone. Nag-dial sya ng number ni Mr. Veloso.
"Hello who's this?"
"Hello sir. Si Hera po ito. "
"Hera! I'm glad you called! Nasan ka? nasa airport na'ko, dadaanan kita."
"Nasa Ospital po ako eh."
"BA-Bakit hija?"
"May nagsaboy po ng asido sa mukha ko." Tuluyan na syang naiyak
"Saang ospital yan. Hintayin moko jan."
Walang isang oras ay dumating si Mr. Veloso. Nanlulumo ito sa sinapit ni Hera. Kinausap nito ang doktor na tumingin kay Hera.
"Second degree burn ang inabot ng kanang pisngi nya papunta sa baba. Mabuti na lang at hindi inabot ang labi at mata nya. Kailangan nya ng reconstructive surgery dahil maraming tissues ang nasira dito. I think you should talk to his friend with this. Kung pupwedeng ngayon din ay maoperahan na sya."
"Ulila na ang batang yan. I will sign a waiver to transfer her to my clinic. I'm a plastic Surgeon."
"Okay. Please follow me."
Inilipat nga sya sa clinic ni Mr. Veloso matapos ang clearance para sa surgery . Kahit may jetlag ang doktor ay nagawa pa nitong ipatawag ang iba pang mga kilala nyang plastic Surgeon. Marami rami na ring ganitong operasyon ang nahawakan nya kung kaya madali lang ito sa kanya. Kailangan lang ang magmadali.
"Hija, kailangang masagip ang mga tissues na na-damage. Kailangang palitan na rin natin ang mukha mo. Hindi ka safe pag hindi natin binago ang hitsura mo. "
"Kayo po ang bahala."
"Sino bang gusto mong kamukha?"
"Kilala nyo na po yun. iisa lang babae lang naman ang gusto kong maging kamukha eh."
"Sikat yun. Pagkakaguluhan ka."
"Okay lang po. Basta hindi lang ako makita ni Jerry."
Tinurukan na sya ng anaesthesia. Unti-unti syang nakatulog. Tumagal din ang operasyon nya. Reconstructive surgery.
Paggising nya ay naramdaman nyang balot na balot ng benda ang buong mukha nya.
Mejo masakit. Nawawala na siguro yung anaesthesia.
Lord salamat po. Hindi nyo ko pinabayaan. Kayo na po ang bahala kay Jerry.
BINABASA MO ANG
Guilty ang PANGET!!!
AcakPaano nga ba Mabuhay ang isang panget? Yung solo lang. Hindi pinapansin. Ibahin mo si Hera Casey Castroverde. Dahil mula nang makuha nya ang libro ay dumating ang lalakeng una nyang minahal. Si Yuan Lee Villarreal. Mayaman at doppelganger ni Dani...