CALIRAYA. team building activities ang buong college. Enjoy na enjoy
ang lahat sa mga activities. laging naka buntot si Yuan kay Hera kaya
walang nagtangkang gumawa ng hindi maganda dito. Nag-swimming sila sa
wavepool at nagvolleyball sila gamit ang malaki pa sa taong earthball.
Matapos ang activities ay binigyan sila ng break bago ang seminar.
Dumaan ang isang kutsero at tinanong sila kung gusto nila mag-ride.
Natakot si Hera dahil hindi pa sya nakakasakay sa kabayo.
"Trust me. Marami kaming kabayo sa Cebu kaya sanay ako maghorse back
riding. Hindi tayo mahuhulog promise."
Trust me. Dapat lang na pagkatiwalaan ko si Yuan. "Sige na nga."
"Sampa na." Tinulungan sya ni Yuan para makasampa sa kabayo.
Sumampa rin ito sa likod nya. Dikit na dikit ang likod nya sa dibdib
ni Yuan. Bigla syang naasiwa.
Nakaramdam sya ng kakaibang sensasyong ngayon lang nya naramdaman.
Para bang napakainit. Para din syang napapaso pag dumidikit ang braso
ng bestfriend nya.
Shocks naman Hera, bestfriend mo yan. Walang taluhan yan. Masasaktan
ka lang. Ay naku teh erase erase erase.....Yuan is your bestfriend,
nothing more, nothing less.
Ang hindi nya alam ay parang lumulutang sa alapaap si Yuan. Ito na
yata ang pinaka masayang horse back riding sa tanang buhay nya.
Bus. All in all ay naging masaya at makahulugan ang stay ng lahat sa
Caliraya. Kahit pa napakahaba at nakakapagod ang biyahe.
Nakapikit si Hera. Gaya ng dati ay bantay-salakay si Yuan Lee.
Inakbayan nya ito. Ang hindi nya alam ay hindi pa talaga nakakatulog
si Hera. Nakiramdam ito.
Hera Casey Castroverde ano bang ginagawa mo sa'kin? Masyado na'kong
na-fall sa'yo
Hindi na nya napigil ang sarili at hinalikan nya na ito sa pisngi.
Yuan naman. That's my first kiss. wag kang ganyan baka umasa ako.
Gayunpaman ay nagtulug-tulugan si Hera. Buong akala ni Yuan ay tulog
na ito. Kaya lalo pa syang naging mapangahas. Tumingin sya sa kanan,
katapat na upuan. Tulog na tulog ang magsyotang Enzo at Margaret.
Napatitig sya sa labi ng kaibigan.
Wag ka naman sanang magising kaagad. Sorry bestie I can't help myself.
Unti-unting inilapit ni Yuan ang labi kay Hera. Ang malaking labi na
yon na tulad kay anne curtis. Sa wakas ay maaangkin na nya. Pumikit
sya at sinakop ang labi ni Hera. Sa pagkabigla ay napadilat si Hera.
BINABASA MO ANG
Guilty ang PANGET!!!
RandomPaano nga ba Mabuhay ang isang panget? Yung solo lang. Hindi pinapansin. Ibahin mo si Hera Casey Castroverde. Dahil mula nang makuha nya ang libro ay dumating ang lalakeng una nyang minahal. Si Yuan Lee Villarreal. Mayaman at doppelganger ni Dani...