Sala. "Crazy Beautiful You" playing on Dvd. May bukas na chips sa
mesa. Ang hilig sa maalat nito. Napatingin si Yuan Lee sa screen.
Kamuka ko talaga tong si Daniel Padilla. No wonder nagustuhan ako ni
Jerry. Kaso that girl broke my heart. Buti na lang nandito si Casey.
Tinuruan nya uli akong magmahal.
Bumalik si Hera sa sala at umupo sa tabi nya. Mahaba naman ang sofa
pero dikit na dikit sila ni Hera.
"Ang ganda ganda ni Kathryn Bernardo noh Bestie? Sana naging kasing
ganda na lang nya ko para mapansin ako ni Daniel Padilla. "
Napatitig si Yuan sa bestie nya. Hindi mo naman kailangang maging
kasing ganda ni Kathryn Bernardo para mapansin ko.
"Kamukha ko naman si Daniel Padilla at pinapansin naman kita ha. "
"I mean, kung maganda sana ako, pwede sana akong ka-love team ni
Daniel Padilla."
"Ngayon ko lang nalaman ambisyosa ka pala bestie."
" Ito naman basag trip. Pangarap lang naman yun ah. Hindi mo pa'ko
kinunsinte. Teka nga balikan ko yung niluluto ko."
Maya-maya pa ay bumalik ito at may dalang tray. Mushroom soup,
Spaghetti at Garlic Bread.
"huwow! ambilis mo naman magluto."
" Ako pa ba? tsk. Kain na. Masarap yang soup."
"Alam mo bang paborito ko ang mushroom soup. My mom used to cook
this for me every weekends at hindi ako nagsasawa."
"Lagot"
"bakit?" Nabahala naman si Yuan.
"Baka hindi kasing sarap ng mushroom soup ko yung luto ng mama mo. "
"Ano ka ba. Yung magluto ka nito ay sobrang effort na for me."
"Siyempre bestie kita eh."
Sana dumating yung time na maamin ko na sayo ang nararamdaman ko. At
sana mapagod ka rin sa kakatawag mo sa'kin ng bestie.
"Thank you. For being here."
"Ang drama. Manuod na nga lang tayo."

BINABASA MO ANG
Guilty ang PANGET!!!
RastgelePaano nga ba Mabuhay ang isang panget? Yung solo lang. Hindi pinapansin. Ibahin mo si Hera Casey Castroverde. Dahil mula nang makuha nya ang libro ay dumating ang lalakeng una nyang minahal. Si Yuan Lee Villarreal. Mayaman at doppelganger ni Dani...