Kilig na kilig na sa panunuod si Hera Sana ako na lang ang madame baby
ni Daniel!!!!
Nang may magdoorbell. Agad nyang pinindot ang pause button ng remote.
"May bisita ka Bestie?"
"Wala. Ikaw? may inaasahan ka bang bisita?"
"Wala din? eh sino yun?"
"Tingnan natin."
Sabay silang tumayo at tumungo sa pinto. Sumilip si Yuan sa peephole.
Nanlaki ang mga mata nya. Jerry! What is she doing here?
"Jerry's here."
"Is he a guy?"
"She's my ex." Nagulat si Hera. "Magtatago na ba ako?"
"Says who?"
Binuksan nya ang pinto. Sinalubong kaagad sya ng yakap ng bisita.
Natameme lang si Hera.
"Hi babe! I thought you still have class."
"What are you doing here?"
"Anong tanong yan. Nandito ako kasi sinusundo na kita."
"What? Are you kidding?"
" Of course not. And pwede ba let me in first so we can talk
properly. Your mom doesn't teach you this."
Napipilitan man ay pinapasok nya ito. Ngumiti si Hera kay Jerry.
Ngumiti din ang babae.
"Buti pala at may kasama kang katulong dito." Sabi nya. "Patimpla
naman ng juice." Baling nito sakanya. Nagulat man ay hindi na sya
nagtaka na pagkamalan syang katulong. Kumuha na lang sya ng juice.
Bisita ito ni Yuan kaya igagalang nya.
"What are you doing here Jerry? Hindi ba't nakipag - break ka na sa'kin."
"That's why i'm here! After we broke up I realized I was so stupid
letting you go. "
"But things will not be the same now. I want to stay here."
"Therefore, i'll stay here too!"
"Don't you dare."
Yumakap si Jerry kay Yuan.
"Don't you miss me babe."
Of course not. After what you did.
"Go back to Cebu. "
"How about us?"
"Us? we're through. The moment you left me." Hindi na nya napigil ang sarili.
"I don't believe you. You still love me."
"You will always be conceited. I don't love you now. May mahal na'kong iba."
"WHATTTTTTTTTT?!!!!!!!!!!!!!!!"
Gulat na gulat si Hera. Kamuntik matapon ang juice. Gayun pa man baka
kung anong gawin nung babae kay Yuan kaya pinuntahan na nya ang dalawa
sa sala.
"You heard it right! May mahal na'kong iba."
Shocks. Totoo kaya ang pinag-sasabi nitong si bestie. Parang hindi
eh. Wala namang bagong girlfriend si Yuan.
"You're lying! Nagsisinungaling ka para umalis na'ko."
"Pwes maniwala ka."
"Sige nga iharap mo nga sya sa'kin!!!!!!!"
"Ayan sya sa likod mo." Saktong nakalapit na sya sa dalawa.
Shocks Yuan, anong kalokohan 'to. Lagot ka sa'kin mamaya.
Dahan-dahang lumingon si Jerry. Ang akala nya ay susugurin sya ng
babae. Nagulat sya ng humalakhak ito.
"Kelan ka pa... natutong....magpatawa. Grabe babe ....pwede ka na sa
comedy bar. Laughtrip....I was expecting a sexy and gorgeous girl like
me...eh katulong mo yan ah. At hindi mo naman siguro papatulan ang
chakang yan."
"Hindi ako nagbibiro. Casey is my girlfriend at hindi ko sya
katulong." Bawat salita ni Yuan ay may diin.
"Kelan pa bumaba ang taste mo"
Speechless pa rin ang Hera. Sanay syang laitin ng ibang tao. Pero ang
kakaibang galit na nakikita nya sa mga mukha ni Yuan ay hindi nya
inasahan.
"Come on. Speak up!!!!!! Kelan ka pa pumatol sa panget. "
"Get out!!!!!!!!!!" hinila nya sa braso si Jerry papunta sa pintuan.
"Wag mong pagsasalitaan ng masama ang girlfriend ko. Mas gugustuhin
ko ng panget ang girlfriend ko kesa manlolokong tulad mo!!!!!!!!!!"
Binuksan nito ang pinto at inilabas ang babae. Natakot ata sa inasal
ni Yuan kaya tumakbo ito palayo sa unit ni Yuan. Maging si Hera ay
natakot. Sa sobrang takot nya ay tumakbo rin sya sa banyo. Ni-lock nya
maigi ang pinto. Kinatok sya ni Yuan.
"Casey, sorry kung nadamay ka sa gulo namin ni Jerry. Hindi ko
gustong gamitin ka para lang layuan nya ko. Pero alam mo naman di ba?
Masakit pa sa'kin yung nangyari. Seing her like nothing really
happened makes me mad. Mag-usap tayo. Please open the door."
Naiintindihan nya ito. Nagulat lang talaga sya sa nakita. Totoo palang
masamang ginagalit ang taong sobrang bait. Binuksan nya ang pinto.
"Nakakatakot ka bestie. Ganun ka pala magalit. Na-shock ako."
Niyakap nya si Hera. Hindi naman ito tumutol. Niyakap din sya nito.
"Sorry kung pati ikaw natakot. Nakakagalit lang talaga dahil parang
walang nangyari. Samantalang nagmamakaawa ako noon na wag nya 'kong
iwan para sa lalakeng yun. "
Kakalas na sana sa yakapan si Hera pero hindi sya pinakawalan ni Yuan.
"Just stay put. Ang swerte ko sayo bestie. May nakakaintindi sa'kin
kahit papaano."
"Of course. Kaibigan moko. Bestfriend nga di ba. Kaya pwede ba, tama
na drama natin at halos hindi na'ko makahinga sa higpit ng yakap mo."
Bumitaw naman sya. Ayun na naman yung turn on matapos nyang mayakap si Hera.
"Masamang pakiramdam ko. Sa kwarto na muna ako."
"Gusto mo ba ng kasama? Babantayan ko ang temperature mo. "
"Wag na. Samahan mo na lang ako."
"Okay. Gusto mo dalhin ko dun yung Spaghetti."
"Gusto ko pa ng mushroom soup."
"Sige magluluto ako uli. Steady ka lang dyan bestie."
"Salamat."
BINABASA MO ANG
Guilty ang PANGET!!!
RandomPaano nga ba Mabuhay ang isang panget? Yung solo lang. Hindi pinapansin. Ibahin mo si Hera Casey Castroverde. Dahil mula nang makuha nya ang libro ay dumating ang lalakeng una nyang minahal. Si Yuan Lee Villarreal. Mayaman at doppelganger ni Dani...