Condo. Pag-uwi nila sa Condo ay pinapasok siya ni Yuan lee sa kwarto.
Nagtaka sya.
"Excited na'ko. First time ko Makakapasyal maliban sa Cebu.
Mag-empake na tayo. "
"Sobra namang advanced. One week pa bago ang trip."
"Mabilis lang ang isang linggo. Mas ok yung prepared kesa nagka-cram."
"Sabagay. Sige.Sige. "
Lumapit sila sa Closet. Sabay nilang binuksan ito. Natigilan si Yuan
ng makita ang mga undies ni Hera. Para siyang nag-init bigla sa
nakita.
" Oh. Para kang natuka ng ahas diyan. " Baka makahalata to na
natu-turn on ako. Kailangang makahanap ng palusot.
"Alam ko konti lang ang damit ko." Tama! Alam ko na! Matalino ka talaga Yuan.
"Mamaya na tayo mag-empake. Konti ng mga damit mo. Bibili na rin tayo
ng swimwear."
Hinila na nya ang kamay ni Hera. Wrong move.
"Oh parang ang init mo ata. May sinat ka ba?"
Sinalat nya ang leeg nito.
"May sinat ka nga. Kukuha ako ng gamot. Buti na lang pala at kumain
tayo bago umuwi. Wait lang. "
Lumabas ng kwarto si Hera.
Muntik na'ko dun. Mabuti na lang at hindi nakahalata. Panindigan nang
may sakit.
Humiga si Yuan Lee sa kama. Tumagilid pa sya. Maya-maya ay pumasok si
Hera. Inabot nito ang Bioflu at isang basong tubig. Tinanggap naman
ito agad ni Yuan.
"Kani-kanina lang okay ka. Ngayon sinisinat ka na. Pahinga ka muna
dyan. Mamaya na lang ako mag-eempake pag nakatulog ka na. Magbabasa na
lang muna ko ng libro. "
Pagkalabas na pagkalabas pa lang ni Hera ay agad na bumangon si Yuan
Lee. Tumayo sa harap ng Closet. Tukso layuan mo ako. Yuan naman. Sorry
Casey I can't help my self. Binuksan nya ang Closet ni Hera. At
tuwang tuwa ang mokong.
Gulat na gulat sya ng kumatok si Hera. Dali-dali nyang sinara ang
closet. Pinagbuksan nya ang kaibigan.
"Naistorbo ba kita?"
"hi-hindi naman, bakit?" Muntik mo nga lang akong mahuli na
nakikialam sa closet mo.
"Eh kasi naisip ko lang kung gusto mo uli magmeryenda. Gagawa ako ng
soup para hindi magtuloy-tuloy yung lagnat mo. "
"Sige. Tara na sa Kitchen."
"Sa sala ka na. May mga chips na dun. Nanunuod ako ng movie nung idol
ko eh. Yung kamuka mo."
"Ganun ba? edi idol mo na rin ako?"
"Bff kita."
"Sige hintayin ko yung soup. "
Ngumiti ito sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso nya. Agad tumalikod si
Hera at pumunta sa Kusina. Nakita sana nya na namula si Yuan Lee.
Graveh ka na talaga sakin Casey. Lalo kang gumaganda sa paningin ko.
||||||||||||||||||||||||||||

BINABASA MO ANG
Guilty ang PANGET!!!
RandomPaano nga ba Mabuhay ang isang panget? Yung solo lang. Hindi pinapansin. Ibahin mo si Hera Casey Castroverde. Dahil mula nang makuha nya ang libro ay dumating ang lalakeng una nyang minahal. Si Yuan Lee Villarreal. Mayaman at doppelganger ni Dani...