The Scandal

22 1 1
                                    


"Dali, dali kunan nyo ng picture sina Yuan at si panget."



Naalimpungatan na si Hera pero akala nya nananaginip lang sya.



"Edi kunan nyo" Mahinang sagot nya.



Maya-maya ay may narinig syang tunog ng tunog ng camera at bahagya pa


syang nasilaw sa flash. Pagdilat nya ay nakita nya ang mga kaklase


nyang nagtayuan at kinukunan sila ni Yuan ng litrato. Naalala nyang


nasa byahe nga pala sila. May isa ngang halos iduldol na sa mukha nila


yung camera at monopad.



"Bakit?"



"Hmmm...." Umungol naman si Yuan.



"Casey ipagluto mo naman ako ng mushroom soup. Please."



Nagsasalita rin pala ito pag tulog. Agad nyang tinakpan ang bibig ni


Yuan at baka mabuking pa ng mga kaklase nila na sa iisang condo unit


lang sila nakatira.



"Yuan, Yuan gising....pini-picturan nila tayo habang tulog."



"Yaan mo sila."



"Anong hayaan?"


Tuloy pa rin sa pagkuha ng litrato ang mga damuho nilang kaklase.


Naiintriga sya sa tingin ng mga ito. Para bang may ginawa syang


masama. Tsaka nya narealize, naka-akbay at nakayakap ng mahigpit si


Yuan Lee sa kanya. Malamang ay pinag-iisipan na sila ng masama ng mga


ito. Inalis ni Hera ang mga kamay at braso ni Yuan pero lalong


humigpit ang yakap nito. Lalong nagbulungan at nagtake ng pictures


nila ang mga kaklase nya.



"Guys, magsiupo kayo. Alam ko nangangawit na kayo pero mamaya na kayo


tumayo malapit na raw tay----oh! What a lovely scene. Ano Ms.


Castroverde magde-deny ka pa ba na jowa mo na si Mr. Villareal.?"



Napaka-intrigera talaga ng prof na'to.



Nagising na rin si Yuan. Akala nya aayos na ito ng upo pero hindi pa


rin nito inalis ang kamay at braso nito.



"Hindi naman kami nagde-deny sir..."



"Yuan naman."



"Sumakay ka na lang" Bulong ni Yuan sakanya.



"Oh gising na sila, Sit down everybody. Malapit na tayo, HUwoo!!!!!!"



"Kanina pa yung malapit na....hanggang ngayon nasa biyahe pa rin.


Malayo pa po tayo sa Caliraya sir." Sabat ni Bryan, classmate kong


pinaglihi sa reklamo.



"Umupo ka dyan Mr. Agcaoili. Maglambutsingan na lang kayo ni Ms.


Mallari. Tinutukoy nito ang katabi nitong nerd.



"Iww... kung itong si nerd lang din sir, wag na lang."



"Huwow. Choosy ka pa Mr. Agcaoili bakit yummy ka ba?"



Naging tampulan tuloy ito ng tukso at tawanan. Ang nerd sa tabi nya ay


tahimik lamang. May masama itong binabalak. Humanda ka sa'kin Yuan


Lee Villareal.



Guilty ang PANGET!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon