WORLD LITERATURE CLASS. North Wing. Katanghaliang tapat. nagpapaypay
ang lahat. kung wala mang abaniko ay nariyan ang panyo bilang
alternatibo. Yung mga walang panyo ay nakuntento na lang sa pad paper
mabawasan lang ang init ng panahon. tuloy-tuloy lang ang paypay
hanggang dumating na ang prof. maging ang prof na si miss lucita Gomez
ay nagpapaypay din.
Simulan natin ang description kay ms. Gomez. Mahaba ang buhok na
laging nakapusod. Naka-puting polo na naka-tuck in sa pencil cut na
palda. Trademark nya ang 4 inches na heels na manipis dahil lampas 4
feet lang ang height nya. Mataas pa nga ako skanya pag wala syang
heels. Sexy sya. Hour glass figure. Malaking future, behind at hips,
just like gretchen fullido. eh biglang humarap..."ano pare maganda ba?"
sabi ni mark. yung nasa unahan ko.
"pare. MABAIT sya." sabay tawa ng dalawa.
Kalimutan nyo na ang mga description nya. Dahil kaloka-like nya si
Soraida. Coming from me eh noh."what seems to be funny mr. manalo and gorgonio?"
yari kayo ngayon. nai-spotan kayo ni soraida.
"n-nothing mam! "maang-maangan ang dalawa. nang tumalikod ang prof
ay nagtinginan ang dalawa. kapwa nagpipigil ng tawa. si mark nga ay
sumisingkit lalo ang mata at nakatikom ang bibig. maya-maya ay lumaki
ang pisngi nito na para bang bubuga ng naipon nyang hangin sa loob ng
bibig. pigil pa more. isusumbong ko talaga to sa prof pag may naamoy
akong utot. wala akong ibang pagbibintangan.
"class i want you to do a book review. that will be your final requirement."
"so ma'am, we will not have our final exam?" tanong ni joanne na friend ko.
umangat ang kilay ni prof. saka dahan-dahang lumapit si ms. Gomez kay
joanne. lahat kami nakaabang sa sasabihin nya.
"what do you think ms. perez? malamang wala. final requirement nga di ba?"
nagtawanan at hagikgikan ang mga kaklase ko.
"shut up! kung makatawa kayo akala nyo naintindihan nyo rin yung
final requirement eh kanina nga kitang-kita kong puzzled kayo dun.
para bang never been heard ang term na yun."
maririnig ang tiktik ng butiki sa kisame. natameme lang naman kaming
lahat. napahawak din sa kamay ko si joanne.
"okay, to discuss your book review, i'll show you how thick the books will be."
kinuha nya sa bag ang librong kasing kapal ng harry potter books.
"o-m-g! madam are you serious? that's too thick!" exaggerated na
tanong ni gia.
"yes, i'm serious! the story might be long but the review would be
thin. the shorter the review, the better. "
Ang daya. naisip ko. pababasahin nya kami ng pagkahaba-haba tapos
maikli lang babasahin nya. maya- maya ay napaisip sya.
"o kaya naman baliktarin natin. magbibigay ako ng maninipis na books
tapos pahahabain nyo into novel."
iba-iba ang naging reaksyon ng mga kaklase ko. may napanganga. may
nag-roll eyes, may napahawak sa dibdib na para bang aatakihin sa puso,
ang iba exaggerated na bumuntong hininga, marami din ang umangal.
"mam hindi ka naman mabiro syempre maganda yung nauna. we prefer
reading thick books and summarize it. di ba classmates?" sabi ng
class president.
"oo nga naman mam. pag nagkataon, baka hindi pa kami makagraduate
dahil sa haba ng babasahin nyo kung nobela ipapasa namin sainyo.
ma-stress kayo masyado."
"okay fine. "
"thank you mam." sabay sabay naming sabi.
nang ma-dismiss ay umuwi nako sa boarding house. pagkatapos magbihis
ay kinuha ko ang librong binigay ni wowa. .sa sobrang kapal nito dapat
umpisahan ko na. maganda ang libro pati ang font. parang diary pero
walang pamagat. binasa ko ito ng malakas.
Dumating ang bagong transferee.
"hi! ako nga pala si yuan lee villareal.sana maging friends tayo."
tumabi sya sa panget na si cassandra. ngiti ang salubong ni yuan sa
kanya. hindi naman sya makangiti dahil alam nyang nakatingin ang mga
kaklase nila.
lunch time. binuksan ko ang packed lunch ko. dito nako sa loob ng
classroom kumakain dahil ang daming bully sa canteen. napansin kong
nagbukas din ng packed lunch si yuan. para sa isang college guy,
bihira na ang nagbabaon.
"anong ulam mo?" tanong nya sakin.
"itlog na maalat tsaka kamatis. ikaw ba?"
"ah sakin ampalaya. nagkasakit na kasi ako dahil sa fastfood eh. kaya
lagi akong may baon."
magaan kaagad ang loob ko sa kanya.
"ano nga pala ang pangalan mo?"
"Cassandra Alvarez. yuan lee ang name mo di ba?"
"oo.friends na tayo ha? wala pa kasi akong friends eh. tsaka
nakaka-intimidate yung mga kaklase natin."
"okay. ikaw ang magiging first guy na magiging friend ko."
"edi bff na tayo. bestfriends forever!"
nagpinky promise kami.. ang saya ko lang at may nakikipagkaibigan
sakin. sa pangit kong to.
habang binabasa ni hera ang libro ay nakaka-relate sya kay cassandra.
palibhasa'y pareho silang pangit. ang kaibahan lang ay may
nakipagkaibigan na guy kay cassandra.
"saan ka nakatira? ihahatid na kita"
"malapit lang ako sa school. nagdo-dorm ako."
"may extra helmet ka ba?" para pagtakpan ang hiya ay ito na lang ang
naitanong nya.
"ay wala eh. sige akong bahala. bukas maisasabay na kita pauwi."
"naku salamat na lang. ilang metro lang ang layo ng boarding house
dito. mabibitin ka lang sa paghatid."
"ah basta! isasakay kita sa motor ko bukas." nagwave sya at pinaandar
na ang motor.
buti pa si cassandra may bff na guy. oh well, marami naman akong
friends. pero wla akong bff. sana meron din ako.
BINABASA MO ANG
Guilty ang PANGET!!!
Ngẫu nhiênPaano nga ba Mabuhay ang isang panget? Yung solo lang. Hindi pinapansin. Ibahin mo si Hera Casey Castroverde. Dahil mula nang makuha nya ang libro ay dumating ang lalakeng una nyang minahal. Si Yuan Lee Villarreal. Mayaman at doppelganger ni Dani...