Monster Yuan

14 2 0
                                    

Madali nyang natunton ang room assignment nya. Agad nyang pinili ang


itaas ng double deck. Nilagay lang ang mga gamit at agad na


nag-shower. Matapos magshower ay dinala nya ang monopad at cellphone


nya. Bagong bili nya ang Acer phone na'to at siniguro nyang maganda


ang resolution ng camera. Pang selfie nila ni Hera. Binitbit nya na


rin ang wallet nya at jacket. Malamig doon at baka ginawin si Hera.


Susunduin nya na rin si Hera. Nami-miss nya kasi ito agad. Sanay kasi


syang lagi itong nasa paligid.



Nagsa-shower si Hera ng magkagulo sa kwarto. Naka-isip sila ng trick


para kay Hera. Kinuha nila lahat ng damit nito at nilagay ito sa


basurahan sa labas. Nagbathrobe na si Hera. Sinuot na rin nya ang


undies. lumabas sya at napasigaw ng bigla syang hablutin ni Rachel,


pilit kinakalas nito ang robe nya. Nahubad nito ang robe.



"Kunan nyo bilis!!" Sabi ni Margarette. Kinunan naman ito ng nerd ng video.



"Please naman. Wala naman akong ginagawang masama sainyo!!!!!!!!!!!


WAG!!!!!!!"



Sa labas ay dinig ni Yuan ang sigaw ni Hera. Nakita din nya ang damit


ng kaibigan sa basurahan. Bra ni Casey to ah.



"Shit!" Sa sobrang galit ay sinipa nya ang pinto. Nabuksan nya ito


at gulat na gulat ang mga babae nang makita si Yuan. Umiiyak si Hera.


Nakita nyang naka-underwear na lang ito. Dali-dali nyang sinara ang


pinto.



"Walang... Lalabas. Naintindihan nyo ba?!!!!!!!!!!!!!!!!!" Galit na


galit na sigaw ni Yuan.



Nanginginig sa takot ang mga babae. Para silang nakakita ng halimaw


kay Yuan. Para itong si Hulk. Namumula na rin ito. Inagaw nya si Hera


kay Rachel na sa sobrang takot at napaupo sa sulok at yumuko. Isinuot


niya kay Hera ang Bathrobe. Yumakap sa kanya ang kaibigan. Umiiyak pa


rin ito. Isiniksik nya ito sa dibdib nya.



"Andito na'ko. Don't worry. Anong ginawa sayo ng mga to?"



Kinuwento ni Hera ang lahat. Nakuyom ni Yuan ang kamao nya. Kung


lalake lang ang mga ito ay pinagsusuntok na nya ito. Namumula ang


kanyang mga mata na parang kay Curapica ng hunter x hunter. Kinuha nya


ang Videocam sa nerd.



"Hindi ko mapapalampas ang ginawa nyong ito." Baling nya sa anim na babae.


"Kumuha kayo ng Bond paper, maskin tape at pentel pen, yung pinamigay


ni sir kanina!!!"



Inabutan naman sya ng mga ito. Nanginginig pa ang kamay ng bawat isa


habang binibigay ang mga kailangan ni Yuan.



"Humilera kayo jan at tumalikod!!!!"



Bawat bond paper ay sinulatan nya ng tig-iisang word.

Guilty ang PANGET!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon