Palakasan na lang ng loob to. Para kay Hera.
"Okay!! I. WANT. YOU. BACK."
" you want my back? ano??"
"Nahawa ka na sa kabingian ni Tope. Ang sabi ko.....I WANT YOU BACK. Intiendes?"
"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ba't ikakasal ka na kay Jerry? Imbitado nga kami ni Tope di ba? Tigilan moko!"
"Ikakasal? Oo nga. Pero tapos na kami ni Jerry. Kung ano yung kasal ang inaalala mo, pwede naman akong umurong."
"Okay na kami ni Toff toff eh. Wag mo na kaming guluhin. Pupunta kami sa kasal nyo. Kung gusto mo bestman pa si tope, papayag yun. Masaya kami para sa inyong dalawa. Masayang masaya."
Pumatak ang luha nya hanggang sa labi. Agad nyang pinunasan yun.
"Eh bat umiiyak ka? " Natatawang sabi ni Yuan
"Tears of joy!!!!!!!!!!!!!!!"
"Tears of joy pero galit? "
"Sinira mo kasi ang tiwala ko." Sumeryoso ang mukha ni Yuan.
"Hindi ko sinira ang tiwala mo. Lahat ng ginagawa ko ngayon, para sa'yo yun. Pino-protektahan kita sa lahat ng pwedeng manakit sa'yo kahit pa ibig sabihin non ay malayo ka sa'kin."
"Sabi mo nga pala nun, poprotektahan moko. Pero iiwan mo rin pala. Okay lang na may manakit sa'kin, basta kasama kita. Kaso wala eh, pinili mo yan. Tapos kung kelan may iba na'kong gusto tsaka ka babalik na parang wala lang."
"Gusto mo na talaga sya."
"Oo. " Salamat sa'yo at narealize ko na rin
"Siguro mas makabubuti na rin yun. Para wala ng manakit sayo."
Tumunog ang cellphone ko. Nagtext si Tope. Tapusin mo na ang drama nyo ni Yuan.
Naiinip na'ko. Magluluto ka pa.
"I have to go. Naiinip na ang BOYFRIEND ko."
"Mag-iingat ka lagi. Wag kang magtitiwala. Lalo na kay Jerry. "
"Ha? Hi-hindi kita maintindihan."
"Basta. Maiintindihan mo rin."
May nag doorbell. Sinilip ito ni Yuan.
shit! anjan na si Tope.
Agad syang tumakbo kay Hera at niyakap ito. Natigilan si Hera kaya sinamantala nya ang pagkakataon. Hinalikan nya na ito. Nanlaki ang mga mata ni Hera.
"Wag mong kakalimutan na kahit nag-iba , hindi ako tumigil magmahal sa'yo. At hinding hindi ako titigil. Mamahalin kita hanggang sa mamatay ako. " Naiyak na rin si Yuan.
Dahan dahang kumalas si Yuan. Wala pa ring imik si Hera. Nagpunas muna ng luha si yuan bago buksan ang pinto. Agad namang hinila ni Tope si Hera.
"Ingatan mo yung taong MAHAL ko. Sa'yo ko na sya ipinagkakatiwala."
"Kahit di mo pa sabihin, gagawin ko. Let's go Hera."
Naglalakad na sila pero hindi maiwasan ni Hera ang lingunin si Yuan.
"Halika na" bulong sa kanya ni Tope.
BINABASA MO ANG
Guilty ang PANGET!!!
RandomPaano nga ba Mabuhay ang isang panget? Yung solo lang. Hindi pinapansin. Ibahin mo si Hera Casey Castroverde. Dahil mula nang makuha nya ang libro ay dumating ang lalakeng una nyang minahal. Si Yuan Lee Villarreal. Mayaman at doppelganger ni Dani...