Hera's Thoughts
Buti na lang at laging nasa tabi ko si Toff toff. Palagi na lang akong kinikilig dahil lagi nyang pinaparamdam na espesyal ako.
driver/ bodyguard. Hatid sundo sa work ko.
/ chef [specialty nya yung paella na gustong gusto ko]
/ ipad [kinakantahan ako palagi]
/ baby sitter [lagi nya akong pinapahiga sa lap nya habang nanunood kami ng tv hanggang makatulog ako]
/stylist [lagi nyang pinipili ang isusuot ko. Mahigpit sya, ayaw nya ng revealing clothes for me]
Unti-unti ko nang natatanggap na hindi na kami pwede ni Yuan. Napapansin ko na yung effort ni Tope.
"Yung totoo toff-toff, dito ka na ba titira sa bahay ni tito Stan? Aba paggising ko sa umaga anjan ka na, handa na ang breakfast at bihisan ko. Para ka pang alarm clock kung manggising. Gabi ka na lang umuuwi. Baka gusto mo na lang mag-apply na Hardinero o boy samin ."
"I just want you to protect you. Hindi tayo sigurado na safe ka sa mukhang yan. Lalo pa't malaya si Jerry."
poprotektahan kita. Naalala nya ang sabi ni Yuan noon. Ngumiti sya ng mapait.
"Months from now, i'll be migrating to Texas. Hindi na siguro nila ko masusundan doon. Wala na yung Herang kayang kaya nyang tapakan. Matapang si Katniss. Lalaban na'ko. "
"Iiwan mo'ko dito sa Pilipinas?"
"Pwede mo naman akong dalawin dun. Once a month. Or kung tinatamad ka once a year. "
"That's not gonna happen. twice a month maybe. I don't care if my savings go back to zero."
"Uy wag ganun. Once a year na lang. "
"Hahanap ka lang ata ng iba dun eh."
"Of course not. Hindi ko ipagpalit ang pinaka gwapo sa lahat ng nanligaw sakin, hahaha ikaw nga lang pala ang naglakas loob na manligaw kahit noong panget pa'ko."
"So Yuan didn't court you?"
"At all. Nagsabi lang sya ng feelings nya tapos naging kami na."
"Andaya. Eh bakit ako ang tagal mo sagutin?"
"Naiinip ka na ba?"
"OO."
" edi tigilan mo na."
"No way!!!!!!!!!!! Kahit ligawan pa kita all my life kahit 50 years old na'ko , gagawin ko."
"That's my Toff toff."
"love you."
Talaga naman, ninakawan na naman ako ng halik. Nawiwili na talaga sya. Kinikilig naman din ako.
BINABASA MO ANG
Guilty ang PANGET!!!
RandomPaano nga ba Mabuhay ang isang panget? Yung solo lang. Hindi pinapansin. Ibahin mo si Hera Casey Castroverde. Dahil mula nang makuha nya ang libro ay dumating ang lalakeng una nyang minahal. Si Yuan Lee Villarreal. Mayaman at doppelganger ni Dani...