lesson no. 1

37 1 1
                                    



boarding house kuda ng kuda ang mga bebot. nasa kwarto lang ako.
aasarin na naman ako ng mga housemates ko. may tv phone naman ako kaya
ok na. nanonood ako ng kalye serye ng biglang magring ang phone ko.

WOWA CALLING..nagflash sa screen ng fone ko. agad ko itong sinagot.

"wowa naman wrong timing po kayo aldub na po. "
wowa ang tawag ko kay lola.

"antagal mo nang hindi ngpupunta dito apo. aba'y kelan ka ba dadalaw."

"hmmm wowa naman isang buwan lang mula ng dumalaw ako sau dyan ah. "

" aba apo, matagal na ang isang buwan para sakin. lalo pa't dito ako
sa probinsya."

oo nga naman. napangiti ako.

"eh wowa busy po eh. may thesis na kami. huminto nga lang po ako sa
research dahil sa aldub."

"sa aldub may panahon ka, sa wowa wala." sabay buntong hininga.

"sige po wowa subukan ko umuwi next month"

"o sige hintayin kita"
MALOLOS,BULACAN. kapagod bumyahe. wow ha? lampas nlex lang ang
malolos, bungad pa. pagod agad? hahaha . last week nung tumawag si
lola feeling ko hinang hina sya. mahina na ang wowa. kaya after class,
nag-empake ako ng mga damit dahil long weekend. dumaan na rin ako sa
isang bakeshop para bumili ng cake. paborito ito ni wowa. ...at
nagsisi ako dahil sobrang siksikan kami sa fx. halos mapiga ako. okay
lang. wag lang mapipi yung cake.

ako yung nasa tabi ng pinto.ang sama ng tingin ng balyena...este
babaeng katabi ko. sya na nga itong naniniksik. sya pang galit.

"miss pwede ba umayos ka ng upo. ang sikip sikip na nga nakatagilid ka
pa!" grabe ang kapal ng fes nitong baboy na to.

"MISIS!tumagilid na nga po ako dahil kung hindi, mapipisat nako."
sagot ko. asar eh.

"oo nga naman misis. ipit na ipit nako dito sa dulo." sabi nung
lalakeng nasa kabilang bintana. katabi ng katabi ng katabi ko.

"wag nga kayong magsi-angal. ako nga kalahati na lang ng pwet ko ang
nakaupo. dapat 2 tao ang pamasahe mo. "
"sorry na lang kayo healthy ako."

" misis obese ka. sayang naman ang pagpunta punta ko sa gym para
maging fit tapos makakatabi ko kayo. maging conscious din kau sa
health nyo. start living a healthy lifestyle. se-sexy ka na,
makakatipid ka pa."

"hindi pa naman ako MISIS. miss pa lang ako. grabe naman kau sakin.
pag mataba, misis agad?"

"ah ganun ba MISS?"

inemphasize pa ni kuya bodybuilder ang word na miss. kinilig naman ang
balyena. hinawi ang buhok. sya namang dukot ni kuya sa bag.

"eto miss .calling card ko. kung gusto mo ng gym buddy just call me. "

tinanggap agad ni miss. nakiusi ako sa card ni kuya. wow! totoo ba to?

ENRIQUE GIL. gym instructor.
pangalan pa lang, artistahin na. yummy pa. gravities!!!!

"kunin ko na din pala number mo." inabot ni kuya ang fone nya.

" ah okay." tinype nya ang number nya dun. lyza pala ang pangalan nya.
wow! anlakas maka forevermore!!! at mukhang okay na sila.

hay, kung may aldub sa eb, samin may NLEX serye oha.
(lesson number 1: be conscious. start living a healthy life)

Guilty ang PANGET!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon