THE Hunk

10 0 0
                                    

Ilang araw nang hindi nagkikibuan ang mag- bestfriends. Kanda-panis na


ang laway nilang pareho. Hindi nagsasalita ang dalawa dahil pareho


silang guilty. Ang shunga noh? Minsan nag-grocery sila sa SM sta.


mesa, bumili si Yuan ng 6 na cans ng beer. Agad itong napansin ni Hera


pero dahil warla nga sila, nunca syang kikibo. wapakels sa earth.



Pag-uwi sa bahay ay nagluto si Hera. Nagluto sya ng sinigang na hipon


dahil yun ang binili ni Yuan kanina. Kumuha lang sya ng kangkong at


iba pang ingredients sa ref. Tumutunog ang cellphone nya kaya


pinuntahan nya ito sa sala.



Nanlaki ang mga mata nya ng makitang hubad-baro si Yuan. Nakahiga sa


sofa at umiinom ng beer habang nanunuod ng PBA. Iniwas nya ang tingin.


Mabilis na dinampot ang cellphone at dinala ito sa kusina. Binasa nya


ang text, kay Yuan galing. Blangko, Papansin to ah.



Naghain na sya. Dinala nya ang tray sa sala dahil alam nyang hindi


aalis dun ang kaibigan hanggat hindi tapos ang laban ng Ginebra San


Miguel. Pagdating sa sala ay may napuna sya dito. Taliwas sa


nakagawian, hindi sumisigaw si Yuan pag nakaka-shoot ang Ginebra.


Puzzled man, kumain na lang sya. Matapos kumain ay nagresume sa


pagtoma ang bestfriend nya. Niligpit nya ang kinainan at nag-urong.


Matapos ang gawain ay pumunta na sya sa sala. Hinihintay nyang umalis


si Yuan sa higaan nyang sofa.



At hindi po kayo nagkakamali, mula mag-umpisa ang chapter na ito ay


wala pang dialog ang mga pakipot. Naubos na ni Yuan ang 6 na lata ng


beer pero hindi pa rin ito umaalis sa higaan nya.



Shocks naman ayaw pa umalis eh



Maya-maya ay pumikit ito.



"Yuan, gising. Matulog ka na sa kama mo."



"Dito na lang ako. Doon ka muna matulog sa kwarto ko."



"Ayoko nga. Dito ako sanay matulog. Tumayo ka na nga dyan."


Nag-uumpisa na syang mairita sa kaibigan.



"Alam mo, kasya naman tayong dalawa dito sa sofa. tabi na lang tayo."


Ambilis pala nito tamaan. 6 na bote palang eh halatang lasing na ito.



"Ano ka ba? Pwede ba tumigil ka jan sa kalokohan mo. Hindi ako


nadadala jan sa abs mo ah."



"Bakit may sakit ba'ko? Parang diring diri ka sa'kin ah. Samantalang


mas gwapo pa'ko kesa sa idol mong si Daniel Padilla."



"Huh!!!! Excuse me!!!!!!! Walang papantay sa kagwapuhan ni Daniel Padilla noh."



"Bakit, si Daniel Padilla ba nahalikan mo na?"



Na-off guard si Hera sa tanong nyang iyon.

Guilty ang PANGET!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon