Eye Opener

29 1 0
                                    

bumaba si ms. lyza sa may robinson's malolos. (plugging) maya-maya eto


nako sa kanto ng longos. pumikit ako at lumanghap ng fresh air na


syang pinagsisihan ko dahil may bus na dumaan. langhap ko lahat ng


maitim na usok nya. ...BALIWAG TRANSIT salamat sa FRESH AIR nyo


ha?!!!!kakahiya kayo!!!! grr!!!!



makarating sa garden ni wowa ay nasilayan ko agad sya. agad ako


lumapit sa kinaroroonan nya.



pero sadyang mapagbiro ang tadhana. dumating ang sandaling


pinakaiiwasan kong mangyari. at ito ang pinaka pinagsisisihan ko.


dahil nga surpresa ang pagdating ko rito ay ginulat ko si wowa.



pagharap nya ay napahawak sya sa dibdib at biglang natumba. maagap


ako at nasalo ko sya ngunit labis labis ang kaba ko.



isinugod namin sa ospital si wowa kasama ang tiyo at tiya. habang


daan ay salitan silang nanisi sakin.



" ikaw ang may kasalanan nito hera! may pa surpre surpresa ka pang


nalalaman. dahil sayo inatake ang mama.!" sabi ni tiya.



"wala ka talagang maidulot na maganda. perwisyo pa itong ginawa mo."


sabi ng tiyo.



"pag may nangyaring masama sa mama, kakalbuhin talaga kita!!!!! grrr!!!!"



nandoong sasabunutan pa ako ng tiya. napapaiyak na lang ako kahit na


alam kong naglagas ang buhok ko. sobrang sakit sa anit.



"tigil-tigilan mo ang pag iyak mo jan. kahit kelan malas ka talaga!


ang pangit pangit mo na nga, ang malas mo pa!!!!"



okay na si wowa.stable na raw sabi ng doktor. pero muntik na talaga


syang kunin ni lord dahil sa atake nyang yun. lumabas ako para bumili


ng makakain. syempre utos ng tiyo.



palabas na'ko ng mc do ng mapansin ko ang lalakeng namamasura. kalkal


dito, kalkal doon. kinukuha nya yung mga pet bottles at inilalagay sa


malaking trash bag na nakasabit sa balikat at likod nya. maya-maya ay


may nakita itong paper bag. tumingin muna ito sa kanan at sa kaliwa.


wari ba ay nahihiyang kumain ng naibasura na. nang akala'y walang


nakatingin dito ay saka nito kinain ang laman ng paper bag. french


fries pala. napailing na lamang sya. wari bang hindi ito kumain ng


maghapon. dali- dali akong lumapit. sa lahat ng namamasura, eto lang


ata ang hindi mabaho. parang nag-cologne ito. mali, parang perfume nga


ata.


"manong, wag nyo na pong kainin ang basura na. sasakit pa ang tiyan


nyo jan eh. heto po, chicken fillet ala king. eto po yung dinner ko.


sainyo na lang po."



inabot ko ang paper bag sa kanya. halatang nagulat ang manong.


"s-sino ka? ba-bakit moko binibigyan nito?"



natakot naman ako. hindi kaya baliw 'to? pero kahit pa. kailangang


itigil na nya ang pagkain na galing sa basurahan.


"a-ako po si hera. taga- maynila po ako pero dinadalaw ko po dito ang


lola ko. kunin nyo na po ito. busog pa naman po ako."



kahit mejo nangangawit nako dahil sa dami ng bitbit ko, hinintay ko pa


ring kunin nya ang inaabot kong pagkain sa kanya. for the sake of


goodwill.


"ala king ba ito? pwede ba'kong mag request iha? baka pwede mokong


iorder ng 2pc. chicken para sa anak ko yung isa."


"ahahaha!!!!!! demanding din pala kayo manong. sige, no problem."


"eto na pala ang anak ko."



nakatingin sya sa likod ko. sinundan ko ang tingin nya. nakita kong


parating ng isang batang sa tantiya ko ay nasa 9 years old na. malaki


ang suot nitong t-shirt. siguro'y sa tatay nya yun. ngumiti ang


matanda at pinagmano ang anak.



parang tumigil ang pag-ikot ng mundo sa'kin. para bang nag-slow motion


ang lahat. ang batang babae ay nagmano sa tatay. inalis ang body bag


at inabot sa kanyang ama. ipinagmalaki na marami syang nabentang


sampaguita. napatingin ako sa kaliwang kamay ng bata. may mangilan-


ngilang strands o garland na lang ng sampaguita dito.


"talaga anak? wow ang galing talaga ng anak ko! pwede ka ng


negosyante paglaki mo."



a proud father. ano kayang feeling na maging proud ang papa ko? sana


makita ko na ang papa ko. malapit na rin akong gumradweyt at gusto


kong may makasama ako sa pagmarcha maliban kay wowa. naputol ang aking


pag-iisip ng marinig kong nagsalita uli si manong.


"siya nga pala anak, si kera. bibigyan daw nya tayo ng hapunan."



natawa ako. kera daw ang name ko.


"manong hera po."


"ano? pera? "


"he-ra. hera po."


"gera?"


"letrang h po nagsisimula. hera po."

May isang bagay lang akong nrealize.
Kahit paano swerte PA rin pala ko kumpara sa ibang Tao. Dapat ipagpasalamat lahat ng meron ako ngayon dahil ang ibang Tao mas maghihirap kesa sakin. Kahit ang panget ko. Yun lang. Panget

Guilty ang PANGET!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon