Enrollment period Na naman. Akala mo may rasyon ng bigas sa haba ng pila sa registrar at cashier."Yung totoo teh? Nasa wowowee ba tayo? Never ending ang pila oh!"
Dinig Na dinig ng lahat ang himutok ng baklang nasa unahan ni Hera.
"Grabe beks, ang luma naman ng wowowee. "
Nagtawanan ang mga kasama mg beki.
"Exag naman kasi ang kabagalan ng cashier eh. Parang Hindi kumain ng tatlong araw. Alas 7 PA tayo dito ah. 10am Na. Jusko day!!!!!"
"Hayaan mo Na. Malapit Na tayo sa unahan. "
Hindi Na nagsalita ang beki. Napahalukipkip Na lang Ito at naghanap ng magandang view. Nai-spot-an nya si Yuan Lee sa likod ni Hera. Na agad naman napuna ni Yuan. Naalibadbaran sya sa lagkit ng titig ng badinggerzi sa kanya.
"Excuse me? May problema ba? " Maangas Na tanong nya sa bakla. . Nashokot naman ang kabaro ni Remington so shut up Na lang sya. Balik ang tingin sa unahan.
"Babe, bili lang ako ng inumin natin ha." Paalam nya Kay Yuan Lee.
"Ako Na babe."
"Ako Na lang. Kaya ko Na tsaka magpapa- photocopy pako ng regi ko para sa scholarship application ko."
"Scholarship? Wag na. Mababa lang naman ang tuition natin dito ah"
"Kahit Na. Sayang yung allowance. Sige Na dyan ka lang. "
"Bilisan mo lang ha."
"okay."
Bago sya bumili ng inumin ay nagpa photocopy muna sya.
"Kuya PA Xerox po ng 3. Thanks."
"pa-photocopy naman ng lahat ng to. Two copies each."
Napalingon sya sa nagsalita. Mejo slang kasi Ito at mejo pa-deep ang boses. Malalim like bass.
Drooling Hera. Eto lang naman ang nakita niya.
(Look at the picture above)Gwapo sya. Pero mas gwapo PA rin ang babe ko. Inabangan Na lang nya ang photocopy at binayaran Ito. Paalis Na sya nang may tumawag sa kanya.
"Miss excuse me, may hinahanap kasi ako. Saan ba dito yung registrar at cashier?" Ito ung kasabay nya magpa Xerox. Si kuyang Pa-deep.
"Dun lang yun sa South wing. Diretso lang from here tapos turn left, ayun Na yung pila."
"Ah okay salamat. Ano nga pala ang pangalan mo?" FC si kuya. Feeling Close.
"Hera. O sige, bibili pa'ko ng inumin. "
"Sabay na'ko. Medyo nauuhaw Na rin ako eh. Napakainit PA rin dito sa pinas.". Sumabay Na Ito ng paglalakad sa kanya.
"Bakit? San ka ba galing?"
"Sa Ireland. Half Pinoy and Irish ako. Ang mom ko taga Cebu at doon ako lumaki. 4 years ago, we moved to Ireland where my father is. Pero dahil kailangan ng Lola ko ng mag-aalaga sa kanya, we decided to go back. Dito lang sa Sta.Ana nakatira ang Lola ko."
Kaya pala may pagka-slang Ito ay taga- Ireland. Ang bayan ng paborito kong boyband Na Westlife.
" ah ok. Magkababayan pala kayo ng boyfriend ko. Dito rin sya nag-aaral."
"Really? ""Yup." Binalingan nya ang tindera ng drinks. "Ate pabili ng 2 Pepsi"
"Ako ate isang C2 lemon."
Pinagbilhan naman sila nito. Diretso Na sila sa South wing. Malayo PA lang ay tanaw Na sya ni Yuan.
"Babe ang tagal mo naman."
Nang makalapit sa pila ay agad nyang binigay ang drinks nito.
" Grabe wala pang 10 minutes yun."
Napansin ni Yuan Na may kasama Ito. Nakangiti ang lalake. Unti-unti Na rin syang napangiti.
" Christopher is that you? "
"Tingnan mo nga naman. Small world pare. Kmusta ka Na Yuan?"
"Maayo man. Unsay imong gibuhat diri? Ingon Na ko nasa Ireland ka?"
"Yup. Bag-o lang kamo nagmove dire Kay kailangan intaon ni Lola ng kauban."
"Ay bisaya." Sabi ng bakla.
Hindi Ito nakaligtas sa pandinig ni Yuan.
"Bakit may problema ka ba sa mga Bisaya?". Maangas Na tanong nya.
" Sori Na pogi. Ang cute lang kasi nagbibisaya kayong mga gwapo."
" Wala lang pakialam! Magsalita ka ng sarili mong dialect." Sagot ni Christopher.
Imbes Na matakot ay lalo pang kinilig ang baklushi.
"Ay Pak Na pak yan!!! Bisaya Na slang PA."
"mind your own business o gigilitan kitA ng leeg."
Dun Na natakot ang bakla kaya quiet Na lang sya.
"ehem... magkakilala pala kayo babe."
"Yes babe. Nakilala mo Na pala ang girlfriend ko Christopher. Babe, sya si tope o toff toff para sa mga admirers nya. Ang heartrob ng school namin sa Cebu. Ex din yan ng pinsan ko."
"Nagsalita ang Hindi heartrob. Andami mo ngang pinaiyak nun. Marami ring nag attempt Na mangkulam sayo."
Natawa silang tatlo. Alam nya yun dahil recently lang ay nakaharap nya ang isang babaeng baliw Na baliw at nanggulo sa kanila ni Yuan. Pati nga si Jerry Na naghahabol PA rin sa boyfriend nya. Sori na lang sila. (Flip hair)
"Kilala mo naman ako pare. Hindi ako pa-fall."
"Hmf! Yabang mo babe."
Ayun, nagkumustahan ang magkaibigan habang nakapila sila. Umusad din Ito ilang sandali lang.
"Hay natapos din ang enrollment. Masanay ka Na ha. Ganito lagi eksena sa P.U.P. parang acronym ng Pila Uli Pila."
"Oo nga. Hahaha"
BINABASA MO ANG
Guilty ang PANGET!!!
RandomPaano nga ba Mabuhay ang isang panget? Yung solo lang. Hindi pinapansin. Ibahin mo si Hera Casey Castroverde. Dahil mula nang makuha nya ang libro ay dumating ang lalakeng una nyang minahal. Si Yuan Lee Villarreal. Mayaman at doppelganger ni Dani...